23: Mental Cloudiness

145 36 37
                                    

Ilang araw nang nakararamdam si Sheika ng pananakit ng ulo at kaunting pagkahilo. She has not yet told her mother about it, baka kasi ay napapagod lang siya dahil halos araw-araw na ang rehearsal nila para sa live show. Ilang araw na rin siyang hirap sa pagtulog at inaantok naman tuwing umaga. Her sleeping patterns have gotten pretty poor lately. Kailangan na niya yatang bawasan ang kanyang outside activities. Baka kung ano na naman ang mangyari kapag panay ang pagod niya.

Hindi naman nakalilimot si Sheika sa pag-inom ng kanyang prescribed vitamins at maintenance pills upang ma-boost ang kanyang immune system at lagay at the same time. Isa siyang immunocompromised patient noon, kaya as long as kaya niya, gagawin niyang mas malakas ang kanyang pangangatawan.

Alas dyes ng umaga noong nasa kalagitnaan sila ng kanilang first leg rehearsal. Inayos na muli ang kanilang formation bago magsimula ang pangalawang ulit ng rehearsal matapos ang maikling break. Dapat ay nakatuon lang ang atensyon ni Sheika sa practice nila, ngunit bigla-biglang sumasagi si Wross sa kanyang isipan. Tinatanong niya sa kanyang sarili kung kumusta na ito? Humilom na kaya ang sugat nito o naiinom ba nito ang gamot para sa kirot? Nakakakain kaya ito sa tamang oras? Ginugulo ng mga tanong na iyon ang kanyang utak.

Napabaling siya kay Myla nang tapikin siya nito. "Hoy, babae, okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala r'yan. Magsisimula na ang pangalawang rehearsal para sa first part ng piyesa, 'tapos ikaw para kang wala sa focus... ayos ka lang ba?"

She smiled tightly. "I'm okay. May iniisip lang ako," sagot niya, saka muling ibinaling ang kanyang atensyon sa gitara.

Nakalapat sa hita ni Sheika ang gitara habang kinakala-kalabit ang strings nito.  She looked at Myla, and it was clear from the look on her face that she was worried about her. She became aware that today she wasn't paying close attention to the rehearsal. Nag-aalala lang ito sa kanya, ngunit siya'y ipinagwalang-bahala lang ito marahil ay marami lang na gumugulo sa kanyang isipan at tila maulap ang utak sa parehas na pagkakataon.

"Maputla kaya ang dating mo ngayon. Hindi mo ba napapansin noong tumingin ka sa salamin kanina? Nakatulog ka ba nang maayos kagabi? Huwag ka na kaya munang sumali sa rehearsal ngayon at magpahinga na lang muna sa clinic?" mungkahi ni Myla at hinimas-himas ang kanyang likuran. "I'll tell Mentor Owen to excuse you."

Sheika grabbed her hand and stopped her from telling the mentors. "I'm really okay, Myla. Mukha ngang 'di lang naging maayos ang tulog ko kagabi," pag-amin niya, saka huminga nang malalim at sinubukang ibalik ang kanyang atensyon sa rehearsal.

"Sigurado ka, ah?" Nag-aalala pa rin ito sa kalagayan niya.

Maliit lang siyang ngumiti rito at tumango bilang sagot na maayos talaga siya.

Nang magsimula ang ikalawang beses ng unang parte ng rehearsal, ganoon pa rin ang lapat na ginawa ni Sheika nang una nilang ginawa kanina. Nag-blend nang mas maganda ang mga instrumento na nagbigay ng rewarding smile sa dalawang mentor sa unahan nila. The pianos are accompanied by clarinets, followed by the captivating sound of guitars and the light smash of drums. Mas nakukuha na nila ang sabayang pagtugtog, mas masarap nang pakinggan iyon hindi tulad noon na halos may nauuna't nahuhuli. They made a much better sound than before.

Sa gitna ng kanilang pagtugtog ay naramdaman ni Sheika ang paninigas ng mga kamay niya. She is unable to tighten the strings on her guitar. Tila ba nangangalay ang kanyang mga darili na hindi niya maintindihan. And then, in an instant, a noticeable inconsistencies distracted some. Dinig na dinig kasi ang maling chord structure na nanggagaling sa gitara niya. She's not sure if it's the guitar or her terrible fingers.

She averted her gaze to Myla, who was standing beside her, but she continued to play oblivious.

Napasulyap siya sa unahan kung nasaan naroroon ang kanilang mga mentor. Owen interrupts the rehearsal because he appears to have noticed an awful sound produced by one of the instruments. Kung ikukumpara iyon sa pagmamartsa ng mga sundalo, tila may isang pumapatakda sa maling paa... kapansin-pansin agad iyon.

Take Me to My FuneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon