26: The Big Reveal

126 33 41
                                    

"Umayos ka nga!"

Hirap na hirap si Sheika habang naka-akbay sa kanya ang lalaking lasing na kanina pa siya pinahihirapan. Tatawa-tawa lang ito nang makarating sila sa isang residential apartment building.

Tumingala si Sheika at napansin ang numero sa itaas ng pintong tinigilan nila matapos gumamit ng elevator.

Apartment no. 4012.

"Sigurado ka bang ito ang apartment room mo? Baka mamaya makabulabog tayo ng ibang tao."

Ngumisi itong lumapit sa may pinto saka pinindot ang passcode at agad namang bumukas ang pinto no'n. Hindi na nito kinailangan pa ang kanyang tulong.

"Maraming salamat sa paghatid sa akin. You can leave me now," kinumpas nito ang kamay at pinaaalis na siya habang isinandal ang ulo sa door frame. Tingin ni Sheika na hilong-hilo na si Wross at mabigat ang ulo dahil sa kalasingan.

"I can't just ignore you in that situation!" Kapagkuwan ay bumagsak ito. "This is what would happen if I were to leave you." Pumalatak si Sheika at pinasok na ang apartment nito saka tinulungan itong makatayo.

"Wala kang narinig, ano? Ang sabi ko, makaaalis ka na," pagtataboy nito sa kanya, ngunit nararamdaman pa rin niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang leeg na para bang ayaw siya nitong pakawalan.

She assisted him in getting on the couch. Sabay silang naupo roon.

Sheika wandered around. "This place looks more like a forest to me, so I'm just wondering whether this is an apartment room or what."

She could smell the place's stale, abandoned scent; there were so many empty beer cans lying around, and there were unwashed clothes strewn next to the laundry basket. At marami pang ibang kalat sa sahig.

Ano bang klaseng apartment ang gusto ng lalaking ito?

"Nabubuhay ka nang ganito karumi ang tinitirhan mo? Kahit ako hindi makatatagal ng limang minuto sa sobrang dami ng kalat dito, eh!" reklamo niya.

Wross turned his head to look at her while leaning against the couch's backrest. Pupungay-pungay ang mga mata nito. "Bakit, sino ba ang nagsabi sa 'yo na magtagal ka rito?"

She turned around to face him. "Wala."

"Good! Makaaalis ka na." Pumikit ito at pinaglalabanan ang matinding pagkahilo at antok dahil sa kalasingan.

Ginagalaw-galaw nito ang ulo mula roon na parang batang nakikinig sa maganda tugtog. Hindi pa ba 'to matutulog?

"I can't leave you like that! Hindi ako aalis hangga't hindi ka pa nakakatulog. Baka mamaya 'pag iniwan kita ay kung ano na ang mangyari sa 'yo."

He scoffed. "Ang sabihin mo, gusto mo lang akong makasama para magkaroon ka ng pagkakataon na palitan ang damit at bihisan ako." Muli itong ngumisi habang aandap-andap na ang mga mata. "Alam ko na 'yang style mo!" gatong pa nito.

Sheika rolled her eyes in annoyance. "Eh? Ang kapal naman ng mukha mo! FYI hindi kita papalitan ng damit. And since I am not your nanny, I would never consider doing that." Tinaliman niya ang mga titig dito. "Feeling nito!"

"Why are you even here, then? You wouldn't like my apartment... marumi, makalat. Bakit ka pa naririto?"

"Bakit? Gusto mo na talaga akong umalis, 'no? Hindi mo man lang ba ako aalukin ng tubig o kahit na ano r'yan? Hirap na hirap kaya akong iuwi ka 'tapos hindi mo man lang ako pagpapahingahin kahit saglit?"

Nakapikit na so Wross, ngunit tila gising pa rin ang diwa nito habang pinakikinggan siya.

"You stated that you don't like it here! How come you're still here? Siguro may binabalak ka sa akin, ano?"

Take Me to My FuneralTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon