"Full of loneliness
This garden is bloomed
Full of thorns
I bind myself in this sand castle"..Nakatunghay ang isang lalaki sa malaking durunganan kung saan umiihip ang malamig na simoy ng hangin. Ang paligid ng kastilyo ay napapalilibutan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak. Na siyang nakakakuha ng pansin ng karamihan. Ngunit sa kabila ng kanyang maririkit na mga bulaklak ay siyang ikinabaliktaran ng kanyang panlabas na anyo.
"Full of thorns
"I bind myself in this sand castle"....Sa isang malayong lugar ,nakatira ang binata sa kastilyo.Napapalibutan ito ng mga halaman at bulaklak. Ngunit sa kabila ng kanyang magandang paligid ay ang kanyang mukhang isinumpa simula ng isinilang pa lamang ito. Sa kanyang patuloy na paglaki panlalait ang kanyang natanggap sa mundo ng realidad. Galit ang namutawi sa kanyang puso't isipan ,hindi kailanman nag bukas ang kanyang puso kanino man. Ngunit sa kabila ng lahat,napapawi nito ang lahat sa tuwing nasisilayan niya ang kanyang hardin. Maliliit,malalaki at makukulay na iba't ibang bulaklak ang kanyang kasiyahan.
"What is your name?
"Do you have a place to go"Lumilipas ang oras,araw at taon na nabubuhay lamang ito sa mundo. Walang pinagbago ,paulit-ulit na parang sirang plaka.Ngunit nang dumating ang araw.
"And I know
All of your warmth is true
I want to hold
Your hand picking the blue flower".....Isang maaliwalas na sinag ng araw ang dumadampi sa mukha ng binata. Mahalimuyak na amoy ang bumungad sa kanya. Dumating ang gabi,isang magandang binibini ang pumasok sa kanyang kastilyo patungo sa kanyang hardin. Tila isang tigreng galit ang binata ng marinig ang ilang malalakas na kaluskos. Gamit ang isang maskara isinuot niya ito upang maitago ang kanyang mukha. Sa kabilang banda tila isang uhaw na uhaw sa kayamanan ang dalaga na kumukuha ng kanyang mga bulaklak. Sa ilang saglit ng pangyayari hindi niya nalaman kung saan nang gagaling ang mga kaluskos na ito.
"Bloomed in a garden of loneliness
A flower that resembles you
I wanted to give it to you
After I take off this foolish mask"...Naulit ang pangyayaring naglalaho ang kanyang mga tanim na halaman. Sa sobrang galit nararamdaman bumuo ito ng planong huhulihin niya ito sa pagnanakaw. Dumating ang gabi simula ng plano,puno ng galit at desperadong mahuli ang perwisyo sa kanyang mahal na hardin. Ngunit mapaglaro ang tadhana dahil sa kakaisip ng plano mahimbing na nakatulogan niya ito. Nagising siya na nabigo sa kanyang adhikain,ngunit hindi man niya ito naisagawa pinagpatuloy na lamang nito ang pangangalaga sa kanyang hardin.
"But I know
I can never do that
I must hide
Because I am ugly"Naulit ng ilang gabi ang pangyayaring pagnanakaw sa kanyang hardin. Hanggang sa sinubukan niya na magpanggap na natutulog upang mahuli nito sa akto. Nang dumating ang binibini agad itong pumitas ng naguumapaw na mga bulaklak.
Sa kabilang banda napapaisip na lamang ang binata kung bakit nito kumukuha ng kanyang mga mahal na bulaklak. Kinabukasan tila nagliwang ang kanyang mukha ng makitang paparating ang binibining hinihintay niya."That you will leave me again in the end
I wear a mask again and go to see you"...Dahil sa kuriosidad ,sinundan niya ito dala ang maskara.
Napagtanto nito na inibebenta ng binibini ang lahat ng kanyang nakuhang bulaklak mula sa kanyang hardin. Nalaman rin nito na may karamdaman na iniinda ang dalaga."What I can do is
In the garden
In this world.....Dahil sa desperado niyang matulungan ang binibini para maramdaman ang saya ng buhay. Isang ideya ang sumilip sa kanyang isipan,isang ideya na pangambang matakot at lumayo ang dalaga sa kanyang panget na anyo.
"Maybe back then
A little
Just this much
If I got the courage to stand before you
Would everything be different now"....Napagdesisyunan nito na tulungan ngunit sa paraang pag-ibig ang namumutawi.
"I bloom a pretty flower that looks like you
And breathe as the me that you know".Maraming oras ang inukol niya upang makabuo ng bulaklak na hindi pa nasisilayan nino man,malalim ang kahulugan kagaya ng kanyang pag-ibig na nagpabago sa kanya.
"I am afraid
I am run-down
I'm so afraid"..Puno ng galak ang binata ng matapos at matagumpayan niya itong mabuo,at matupad ang adhikaing matulungan ang iniibig. Sa oras pagkuha ng bulaklak ng dalaga siya'y makakatanggap ng tulong ng hindi niya namamalayan.
"But I still want you
I still want you"..Lumipas ang araw kasabay ng kanyang paghihintay hindi nawala ang kanyang ngiti sa labi dahil sa sabik na matulungan ang binibini. Ngunit parang madaya ang tadhana sa nilalang na katulad niya dahil walang sumulpot na dalaga. Sa kanyang matagal na paghihintay napag-alamanan niya na nagpaalam na pala ito sa mundo.
"I am crying at this
Disappeared
Fallen"..
Binalot ng kalungkutan at pagsisi ang binata. Puno ng pagsising hindi lamang niya ito nakausap at nalaman ang pangalan nito sa huling pagkakaton."Sand castle that's left alone
Looking at the broken mask"..Dumating ang maraming taon, ang mga noo'y magaganda at mababangong bulaklak ay nalanta. Maraming insekto ang nagkalat,tila may bagyong dumating sa sobrang dumi ng harding noong mala paraiso sa sagana. Isang bulang naglaho na lamang ito sa paningin ng tao.
The End.....