2. Relo

15 1 0
                                    


Nasa kaniyang silid ang labinlimang taong gulang na si Adrian.
Nagmumuni-muni siya nang biglang pumasok ang kaniyang ina kaya napalingon siya sa pintuan.
   
"Anak, may bisita ka sa baba," sabi ng kaniyang ina at umalis na rin. Hindi na niya tuloy naitanong ang ina kung sino ang naghahanap sa kaniya.
  
Napakunot-noo siya. Nag-iisip kung sino ba ang maaari niyang maging bisita, eh wala naman siyang kaibigan sa kanilang paaralan. Kaya sa kaniyang kuryosidad, bumaba na lamang siya.
  
Nagulat siya nang makita ang kaniyang guro sa siyensya sa kanilang salas. Dumating naman ang katulong nila na si Yaya Mildred at binigyan ito ng maiinom.                    
  
Maiiwan ko muna kayo rito at ako'y may aasikasuhin pa. Kapag may kailangan po kayo Sir, sabihan niyo lamang po ako ha?" tugon ng katulong sa guro na prenteng nakaupo sa kaniyang harapan.
  
"Wag na po kayong mag-abala pa dahil hindi lang naman ako magtatagal dito. May mahalaga lang akong sasabihin kay Adrian," ngiting saad ng guro. Umalis naman agad si Yaya Mildred at tinungo ang daan papunta sa kusina.
  
"Magandang umaga po. Ano po ba'ng pakay ninyo?" Tanong agad ni Adrian nang makaupo siya sa harapan ng kaniyang guro.
 
Inayos ni Mr. Brandon ang kaniyang salamin at may dinukot sa kaniyang bulsa. Iniabot niya ito kay Adrian.
  
"Ano pong gagawin ko riyan sa...relong 'yan?" Nagtatakang tanong ni Adrian sa guro.
  
"Malalaman mo rin ang halaga niyan, Adrian. Basta't 'wag mong iwawala ang bagay na iyan," sabi ng kaniyang guro at inilagay sa kaniyang palad ang relo at umalis na rin.
   
Dumaan ang ilang mga araw at isang gabi, habang nasa silid na si Adrian, biglang may nagpakitang babae sa kaniya.
    
"Tulungan mo ako," biglang sambit ng babae kaya napasigaw naman sa gulat si Adrian.
   
"AHHHH!"
   
"Teka lang!" Sigaw din ng babae at hinawakan ang kaniyang braso. Sa paraang iyon, kumalma si Adrian.
  
"Kailangan ko lang talaga ang tulong mo, Adrian," malamig na sabi ng babae na nakakapagpatindig ng kaniyang balahibo.
   
"Bakit alam mo ang pangalan ko?" Gulat na tanong ni Adrian.
  
"Hindi na 'yan importante. Dahil hangga't nasa iyo ang relong iyan, matutulungan mo ako," paliwanag niya.
 
"Matutulungan saan? Paano?" Sunod-sunod na tanong niya.
  
Hinawakan bigla ng babae ang relo at sabay silang nawala sa silid.

***

Stripped Pages (One Shot Stories Compilation)Where stories live. Discover now