[__-Chapter 9-__]

23 0 0
                                    

(CONCERNED)

Joie's PoV

"Ang naaalala ko napadpad ako sa lugar na puno ng tae. Ewww, kadiri nga e. Naghalo halo ang amoy ng tae, ihi, at utot. Yak talaga as in yak. Alam niyo ba kapag napunta kayo sa lugar na Yun, hindi niyo talag-"

"Ang tanong ko Kung wala ka bang naaalala hindi ko tinanong Kung anong nangyari sayo?!" singhal na sabi niya, grabe naman toh. Kung maka away wagas na wagas.

"Wala nga, galit lang? Hayystt. Tara na nga kain na tayo" sabi ko tsaka naunang naglakad. Sumunod naman sila at nagkanya-kanyang usap. Si Megan at Phryne nag aaway. Si Abo, Reth, Ate Se at Blef seryoso lang. Si Growan at Mino ang nag-uusap. Si Joe, Paul at Gelo nagtatawanan naman. Si Bambam at dupdup naman ang nag-uusap. Si Burgie Bear ay nakatingin lang sa daan.

Weyt Kung ganun, ang Guardians ko nandito. Wahahahahha...

"Burgie?! Burgie Bear is dat yu?" paninigurado ko nginitian lang naman niya ako. Ang iba naman ay mukhang walang pakialam. Oh my god, namiss ko kaya tong mahal Kong oso.

"Miss na miss ko na ang yakap mo mahal Kong oso.... Hahahhahah Burgie!!" kanta ko pero pasigaw, naagaw ko naman ang atensyon nila at tinignan ako. But I don't care. Yinakap ko ng mahigpit si Burgie Bear.

Hanggang kili-kili lang niya ako ngayon, oso kasi siya ngayon eh. Umakyat ako sa likod niya, at tumawa ng malakas, aakalain mo talaga akong baliw sa Itsura ko.

"Hey, Joie do you think your okay na?" tanong ni ate Megan.

"Hayssttt, utak paganahin wag mata ang gamitin" sarkastikong sabi ni Phryne umirap na lang si Megan . Bat ba lagi silang may alitan! Nakakaimbyerna kayang makarinig ng nag-aaway.

Bumaba ako sa likod niya at Pumunta sa kambal.

"Hi Bambam! hi Dupdup!" hinalikan ko naman sila sa pisngi lahat naman nagulat. Ganto kaya ang mga taga France, normal lang kaya to.

"Ahh-H-hello" sabay nilang sabi at namumula pa ng konting Konti. Kita kaya, sa puti nilang yan, halatang halata kaya.

"Omo, hi Ate Se. Namiss kita" sabi ko at yinakap si Ate Se.

"I missed you too, Joie" nakangiting sabi niya. Ngumiti naman ako. Ahy pakilala ko muna sila. Nagpaumuna ako sa paglalakad at tinaas ang dalawa kong braso ibig sabihin pinapahinto ko sila, huminto naman sila at tinitigan ako.

Sinenyasan ko ang apat at na lumapit, sumunod naman sila.

"Sila pala ang friends ko, Si Burge Brun, si Ate SE Hearere, si Williwaw at Hullabaloo." yumuko naman sila nagbibigay galang.

"Burgie and friends, this is ate Megan the most madaldal..." sinamaan naman niya ako ng tingin, "This is ate Blef, super tahimik niya. Oh, btw magkahawig nga pala kayo ate Se ..." ngumiti lang si Ate Se, si Blef naman parang wala lang. "This is Kuya Paul ate Megan's Bro, pilyo din yan..." ngumiti lang si Kuya Paul, "This is Mino, ang pinakamabola. Kaya wag maniwala. Hahaha" natawa naman sila ni Burgie, "This is Growan, hindi ko pa siya kilala, hindi kasi kami close, hehe "ngumiti lang si Groward at inayos ang salamin niya." This is Gelo, siya ang kaibigan ng kabit ko, diba? "tumango naman si Gelo at medyo nagtaka naman ang iba.

"...Ahhahaha, asawa ko kasi si Suga eh, kaya lang wala siya dito kaya may kabit muna ako.... Hahahahah, pupuntahan nga namin sila mamaya eh. Ayeeii" Kinikilig kong sabi nagkatinginan naman silang lahat. "Anyways, ito si Kuya Joe, ewan ko, hindi din kami close eh, pero mukhang mabait din namn siya" may patango-tango ko pang dugtong, ngumiti naman si Kuya Joe, "This is Yrethrus Viola, mabait yan and as far as I know siya pa lang ang pinakagwapong nakilala ko" nakangiting sabi ko.

The Long Lost Princess (Childish and Cute) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon