[__-Chapter 19- __]

19 0 0
                                    

(Lil Hole?!)

Joie's Pov

(-Tommorow-)
Nagising ako dahil may nararamdaman akong masakit sa bandang leeg ko. Kinapa ko ito at  nagulat ako ng parang may maliit na butas dito.

Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa CR para tumingin sa salamin. Pero mas nagulat ako ng nakitang nag-uube na ang kulay neto.

Shet ang saket.

"Ano bang nangyare dito?" tanong ko sa sarili ko. Inilapit ko pa ang leeg ko sa salamin para maklaro ito.

Bat ba may ganto?

Nasa gilid ito ng lalamunan ko. Kung sino o ano man ang may gawa neto hindi niya intensiyong patayin ako. Dahil Kung meron man, pinuntirya niya sana ang ugat ko, para matuluyan ako.

Mahina ko itong hinaplos kahit na masakit at naligo na lang.

Nagbihis na ako matapos kong maligo tapos tumingin ulit sa salamin. Niluwagan ko ang necktie ko tsaka muling tiningnan, kung kanina nag-uube ito, ngayon parang pasa na lang, pero feel ko pa din ang butas pag hinahawakan. Inayos ko na ulit ang uniform ko at lumabas na.

Hindi ako masyadong umiimik dahil parang tinutusok ang lalamunan ko pag nasestretch throat ko.

Nagtatawanan sila habang kumakain kami hanggang sa papunta ng paaralan.

Sabi ni ate Megan sa Rookie daw ako na section kasi nung kahapon dun sa Battle Test ko, hindi naman daw ako nasugatan pero hindi ko din naman daw napuruhan ang kalaban so. Hindi ako sa newbies section, hindi din sa elite section.

"This is your section Joie, meet nalang tayo sa cafeteria, OK?" tumango nalang ako at di na nagsalita.

"Haaahh, haaahh" mahinang sabi ko at hinawakan ang lalamunan kong may maliit na tusok. Sumasakit na ito sa maliit na ginagawa ko lang, hindi katulad nung kanina. Kanina kasi pag nagsasalita ako gaya ng normal na paraan ko ng pagsasalita lang masakit siya. Ngayon, kelangang limitahan ko na ang pag-iimik ko.

Grabe naiiyak ako sa sakit ng lalamunan ko. Feel ko kasi binibinat ng butas na to ang balat ko.

Kumatok ako sa pintuan at binuksan iyon ng babaeng feel ko nasa mid30's.

"Transferree?" medyo striktang sabi neto. Tumango nalang ako kasi masakit ang lalamunan ko eh.

"Deaf?" masungit pa rin na sabi neto. Umiling ako bilang sagot at nagsalita.

"Y-yes m-maam, I am the t-transferee, u-ugh, a-ahem" pampaklaro ko sa boses ko kasi medyo napapaos kasi.

"Please introduce yourself" sabi niya tsaka nagpaumunang pumunta sa harap. Sumunod ako ng nakatungo at hawak ng isang kamay ko lalamunan ko.

"H-hi. I-I'm J-jow-wa, u-ugh, V-viva G-glads" nahihirapang sabi ko.

Bahala na kung anong masabi nila sa pangalan ko, ansaket talaga ng lalamunan ko eh.

"Are you okay miss J-jowa?" gusto ko siyang I-correction sa pangalan ko kaso, masaket talaga ang lalamunan ko eh.

Tumango na lang ako at naghanap ng bakanteng upuan.

Nakakita ako dun malapit sa bintana. Dali-dali akong pumunta dun, muntikan naman akong matumba habang papunta dun mabuti nalang at mabilis ang reflexes ko at nakagawa agad ako ng hawakan ng hagdan.

Gumawa ulit ako ng tungkod na gawa sa ice tsaka umupo. Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan ko napahiga ako sa bakanteng upuan na katabi lang dito.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa mata ko.

The Long Lost Princess (Childish and Cute) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon