“Magandang umaga munting Czef<3”
Dahan dahang bumukas ang mata ng napaka gandang batang ito. Maaga talaga akong gumising
para maalagaan ang batang ito paano kaya nagkaroon ng napaka gandang anak yung baliw na mang Ramon na yon. Bumangon ang bata at humikab kinusot nito ang kanyang mga mata. Mukha talagang anghel ang batang ito.“hmm… (grin) kuya Marvin engot. Si sef ang guro mo ngayon kaya tumakbo ka ng isang oras kung Makita ko na huminto ka hindi na kita kakausapin.”
Huuh hindi na nya ako kakausapin kailangan kong magsanay ng mabuti para kausapin haah kailangan kong tumakbo ng buong lakas para hindi mawala ang aking anghel.
“fufufu… tumakbo ka ng hindi man lang alam ang gagawin mo.”
Kumaripas nang takbo ang binata ang hindi nya alam na may binabalak na masama ang batang
ceffy. Biglang may dumaang dagger sa kanyang harappan mabilis naman syang nakailag at lalong tumakbo.“Ngayon alam mo na kung ano ang pakirandam ng hinahabol fufufu. Wag mong kalimutan galit si Sep kay Marvin engot.”
Hay katulad nga sya ng tatay nya baliw … pero ok lang gusto parin kitang alagaan. Tumagal ng isang oras ang pagtakbo kaya hingal na hingal na ako.
“Hmm… sobrang hina mo naman Marvin engot.”
“Haaah… haah… haah… pwede… haah… kumain muna tayo.. haah…”
“Hmm dahil hindi ka naman huminto sa pag takbo sige.”
Habang pinagmamasdan ko ang batang ito sobrang cute niya talaga. Pero ang pinagtataka ko lang kung nasaan ang ina ng batang ito marahil ay yun ang pinuntahan ni mang Ramon na sobrang halaga.
“Umm munting Czef kung nasaan ang iyong ina?”
“Hmm nasa ancestral land na ang magulang ni Sep. kaya magisa nalang si Sep…………. pero nakita ako ni papa kaya sya na ang bago kong papa hihihi. Sabi ni papa ganun din daw ang nangyari sa pamilya mo.”
Nagulat ako sa sinabi ng bata hindi ko akalain na ganun na pala ang mga nangyari sa kanyang buhay at ako heto anong ginagawa ko nakikipaglaro sa isang bahay bahayan.
*pat*
Biglang may maliit na kamay ang pumatong sa ulo ko
“Pag malungkot ako ito ginagawa ni papa kay Sep. tapos sasabihin nya magic magic lungko alis. Haaah… Hindi ka nga pala bati ni Sep bleh”
Di ko namalayan na may isang luha na nakawala sa mga mata ko pagtingin ko sa bata.
“hmm… kung may oras ka pang umiyak dapat ituon mo nalang sa pagsasanay.”
“Tama ka Czef simula ngayon magpapalakas na ako.”
“Hmm… hawakan mo nga to”
Binato nya ang isang bolang crystal at pag dampi nito sa kamay ko bigla itong sumabog kaya nagulat ako. Napansin ko din na bago ito sumabog ay naglabas ito ng purong puting ilaw. At ang usok na ginawa nito ay kulay pula.
“hmm malakas ang healing ability mo hindi kita matutulungan diyan. Pero pwede kita turuan maging
isang assassin class at malaki din ang potential mo.”Naglabas ng portal sa taas ang bata at bumagsak dito ang mga bilo-habang mga kahoy na may markang x. lumabas din ang isang malaki at purong bakal na palakol.
“Hmm ito ang pag sasanay mo ngayon ang gagawin mo kailangan mo putulin ang mga kahoy at kailangan maipantay mo sa mga eks ang putol maliwanag ba?”
Hindi ko na siya nasagot dahil pumunta agad ako sa palakol. Nung akin na itong bihatin ay sobrang bigat nito at ang hirap kontrolin. Pag ipuputol sa unang subok ay muntik na itong tumama sa aking paa akala ko katapusan ko. Ngunit di ako susuko ipaghihiganti ko ang aking pamilya kahit na ang katumbas nuon ay ang mga bahagi ng aking katawan. Nagpatuloy ako ngunit sobrang bigat parin ng palakol.
![](https://img.wattpad.com/cover/234571841-288-k922517.jpg)
BINABASA MO ANG
Marvin
FantasyNothing can save you, Justice is lost, Justice is raped, Justice is gone.