Chapter 3: First Trial

82 21 1
                                    

Chapter 3: First Trial

“Ha… Ano… Baliw ka nga Mang ramon tama sila paanong ang isang gus gusin na matanda ay matuturan ako?”

Anong sinasabi ng matandang to namatayan na anga ako ng pamilya wala akong panahon para makipag laro dito kailangan kong pumasok sa academy at magpalakas para maipaghiganti ko ang aking mga magulang. Napansin ko naman na nakabalik na si Sir Aerik kasama ang isang priest.

“pft..hahahaha gusto ko tong bata na dinala mo sakin Ramon hahaha. Ang baliw na si Ramon. Hahaha bagay para sa bagong titulo. Bata hayaan mong ipakilala ko sayo tong matanda na sinasabihan mong baliw. Sya si Reymund Lama isang battle mage. Sya lang naman ang dating body guard ng kagalang kagalang na Lady Justice mas kilala din sya sa tawag na truth assassin. Kaya kung iniisip mo na wala kang mapapala sa matandang ito dun ka nagkakamali. Kung may pinaka magaling na guro dito sa academy ako yun pero kung mag aaral ka sa kanya sinisigurado ko sayong mas marami kang matutunan sa kanya. Kaso tama ka medyo may kuliglig nga sa utak yung tao na yan.”

“Hoy naririnig kita. Bata wala ka nang magagawa na drop ka na at baka nakakalimutan mo kaya ipapa alala ko sayo utang mo ang buhay mo sakin.”

Natapos ang paguusap namin at gumawa na si mang Ramon ng portal inutusan nya ako na pumasok kaya sumunod naman ako, eh ano pa nga bang magagawa ko ang taong to ang aking magiging guro. Pag pasok ko sa portal ay iniluwa ako nito sa kagubatan. Nakita ko naman si mang Ramon na pumasok sa isang kweba. Kaya sumunod ako , papasok na sana ako ng may lumabas na isang naka itim na robe na lalaki mahaba ang buhok nito at puno ng sandata ang kanyang katawan.

“Ah hang tagal ko na din hindi na susuot ang aking full battle gear..hmm bata nagugutom ka na ba? Kasi ako gutom na. pero bago ka maka kain kailangan mong makipagkarera sa aking ceffy.”

“Haah hindi ba pwede na mag pahinga muna ako?’”

“Hindi pwede bata kailangan kitang sanayin agad ngayon. Ito ang iyong unang pagsasanay kailangan kong makita kung gaano ka kabilis. Ang una mong pagsubok ay makipag habulan sa ceffy na ito ilalagay ko sa likod nya ang pagkain mo. At ang kailangan mong gawin ay makuha yon dahil kung hindi mamaya ka pang gabi ulit makakain pero ganun parin ang patakaran kung hindi mo ulit makukuha wala kang makakain. Maglalaho ang ceffy sa ilog labing isang kilometro mula dito magsisimula sya sa bukana ng kweba hanggang duon. Isusumon ko ang ceffy kada walong oras ito ang orasan mo mag sisimula ang karera sa ganap na katanghalian may tatlong minuto ka nalang. Kung may tanong ka pa sabihin mo na”

Ibinato saakin ni mang ramon ang isang orasan na may buhangin sa loob.

“Bakit pa kailangan ng ganito mang Ramon hindi ba pwede na normal lang na pagsasanay ang gawin ko?’

“Bata alam kong kating kati ka nang makapaghiganti kaya ganito ang naisip kong pagsasanay mo kung sa normal na paraan ka magsasanay baka mabulok ka saloob hindi ka parin makakapag higanti. Ops ubos na oras mo ayan na bata.”

Lumabas na ang isang itim na kabayo na may dalawang sungay sa magkabila nyang sintido at kumaripas ng takbo. Kaya tumakbo narin ako.

“Bata tandaan mo sa buhay kailangan mo lagi dumiskarte hahaha maiwan na kita.”

Biglang nagsalita si mang ramon kaya napalingon ako nakita ko na wala na sya. Aba ang matandang yun wala talaga syang awa iniwan nya pa ako sa gubat na to. Sinong baliw na guro ang iiwan ang kanyang istudyante. Para makipaghabulan sa kanyang alaga. Hinabol ko ang ceffy ngunit sobrang bilis nito hindi ako sumuko at sa kala gitnaan ay hindi ko na kinaya kaya napatumba ako. Mahina nga talaga ako isang basura ni hindi ko man lang makuha ang aking pagkain. Nakatulog ako sa sobrang pagod ko sa pag takbo.

Thug..
Thug..thug…
Thug…
Thug…thug…

Nagising ako sa yabag na manga ito napansin ko na papalapit na ang ceffy sa akin at madalim na. Mas mabilis ang ceffy ngayon kesa kanina sisigaw sana ako nang may pumasok na insekto sa aking lalamunan kaya napa ubo ako at dumura sakto namang napadaan ang ceffy sa harap ko kaya sakanya tumama ang aking laway. At nagulat ako dahil biglang nagalit ang ceffy at huminto tiningnan nya ako at mas binilisan ang pagtakbo. Hindi kaya…

Sa di kalayuan ang hindi alam ni Marvin ay naka tingin sakanya si mang Ramon.

“Bata ang kailangan sa buhay ma diskarte ka. Kung hindi mo makuha sa iyong unang paraan kailangan mong magiba ng plano yan ang una mong liksyon saakin.”

Kina umagahan madilim pa ay na summon na naman ang ceffy tumakbo ito ngunit sa kanyang pagtakbo ay walang humahabol sa kanya napansin nya ding medyo basa ang lupa kaya tinalunan nya ito. Pag dating na malapit sa ilog ay bigla nalang syang sinalubong ng tubig at sya ay umilag at mabilis na kumaripas ng takbo na para bang takot na takot. Matagumpay na nakapasok sa portal ang ceffy ng hindi nababasa. Lumabas ang binata na nakangiti.

“Tapos ka sakin ngayon fufufu. Ano to bakit ganito na ako tumawa. Bakit kinakausap kona sarili ko. Epekto na ba to ng gutom.”

Sumapit na ang tanghali at lumabas na ang ceffy ingat na ingat ito dahil sa nangyari sa kanya kanina. Hindi nya parin Makita si Marvin kaya mas lalo syang kinabahan. Pagdating sa kalagitnaan ay nanduon parin ang basang lupa kaya tinalunan nya ito. Nuoang nasa ere na sya ay hindi nya inaasahang mayroong tubig ulit na bubungad sa kanya. Hindi na ito nakailag kaya nabasa ito at hindi lang yun pag tapak niya sa lupa ay basa ito. Hindi nya napansin na mas mahaba na pala ang basa sa lupa napa tingin ito sa baba kaya di nito napansin na mayroong tumalon at sumakay sa kanyang likod. Nakaramdam ng matinding galit ang bicorn at nagwala. Tumakbo ito na patalon talon at tila ba nasasaktan at sa huli nitong pag talon ay tumilapon na ang nakasakay salikod nya.

“hahaha nakuha ko na ang pagkain ko nakapasa ako sa pagsubok!!”

Tuwang tuwa si Marvin sa kanyang nagawa ngunit hindi nya napansin ang galit nag alit na ceffy na pasugod sa kanya.

“Czef tama nayan, magaling Marvin nakapasa ka sa una mong pagsubok hindi mo man nakuha ang bilis na hinihingi ko sayo aya nakuha mo parin ang resulta na inaasahan ko. Simula palang naman inaasahan ko na di mo talaga makukuha tong pagkain kung hahabulin mo lang si czef.”

“Huh? Alam mo naman pala eh bakit mo pa pinahabol saakin?’

“Bata bobo ka ba? O tanga ka lang? Ceffy yang hinahabol mo maswerte ka dahil sinabihan ko si czef na gamitin lamang ang sampung porsyento ng kanyang lakas dahil kung buong lakas syang tatakbo baka hindi mo nga sya Makita sa lakas mo ngayon. Bata sa mundong ginagalawan natin, lamang ang malakas mayroomg ding nagsasabi na mas lamang ang matatalino. pero alam mo ba? Na mas lamang ang madiskarte hahaha”

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni mang Ramon baliw nga yata tong tao na to.

“Ngayong nakapasa ka na dun naman tayo sa susunod na pagsubok pero bago ang lahat buksan mo muna yang kahon ng pagkain.”

“Tamang tama guto, na koooooo…. Ano to bakit walang laman to?”

“Pft hahahaha bata hindi ka dito kakain naghanda ako ng pagkain sa bahay halika at para makakain ka ng TUNAY na pagkain hahahaha”

“Weirdo ka talagang matanda ka”


MarvinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon