“Hoy… b..bakit mas malakas ang heal mo kesa saakin… Bakit parang wala akong silbi… Ako ang pinaka magaling na manggamot sa buong kaharian at ako ang naging high priest… Paanong ang isang katulad mo… Wala ka pang dalawang araw na nagsasanay… ni hindi nga puro ang light magic mo…”
Napaluhod ang Priest dahil sa pagmamaliit niya sa kaniyang sarili. Napaiyak siya dahil sobrang liit ng tingin niya sa kaniyang sarili at sobrang laki naman ng tingin niya sa binata. Habang tinitingnan niya ang binata ay nag flashback ang lahat ng mga ala ala sa kaniya kung bakit siya nandidito.
Isang Knight ang kaniyang Ama isa din ito sa mga 30. May maitim at mahabang gulo gulong buhok. Nang matapos ang digmaan sa apat na race ay agad na umalis sa pag susundalo ang kaniyang Ama. Matapos nun ay pinuntahan nito ang kaniyang Ina na nuon ay kasintahan ng kanyiang Ama. Ang kaniyang Ina ay ulila na sa kaniyang mga magulang na dalawang healer. Duon na mana ni Kris ang kaniyang magic dahil walang magic ang kaniyang ama. Tahimik na babae lang ang kaniyang ina kagaya ng kaniyang ama. Sobrang maalaga at maalalahanin ng kaniyang ina. Naalala ni Kris na ginagawan nito ang kaniyang ama ng tsaa pag nasa bahay ito. Dahil kung tapos na ang trabaho sa bukid ay gumuguhit ito. Uupo silang dalawa at iinom ng tsaa habang pinapanood ng kaniyang ina ang pag guhit ng kaniyang ama. Sobrang simple lang ng pamumuhay nila. Hanggang sa isang araw, habang nagtratrabaho sa bukid silang dalawa ng kaniyang ama ay nagbago lahat ito.
“Kuya… Ama...”
Sigaw ng kaniyang naka babatang kapatid habang tuwang tuwang papunta sa kanila. Nasa likod naman nito ang kaniyang ina na may dalang tanghalian para sa kanila. Huminto sa pag tratrabaho si Kris at ang kaniyang ama at napatingin sa kaniyang kapatid. Napahinto naman bigla ang nakababatang kapatid ni Kris at tumingala sa langit kaya tumingala din ito para tingnan kung ano yun. Pagtingin niya ay wala siyang nakita.
“Anaaaaakk!!!”
Napa balik ang kaniyang tingin sa kaniyang kapatid dahil sa pag sigaw ng kaniyang ama. Pero tanging pabagsak na damit nalang ang kaniyang nakita. Nawalang parang bula ang kaniyang kapatid.
Umalis ng kanilang bahay ang kaniyang ama para hanapin ang kaniyang kapatid at ipinangako nito na hindi babalik sa bahay ng hindi kasama ang kaniyang kapatid. Yun ang huling araw na nakita niya ang kaniyang ama at kapatid. Labis na nalungkot ang kaniyang ina dahil duon. Ginawa lahat ni Kris para mapasaya ang kaniyang ina. Pumasok siya sa pagiging isang priest duon nagsikap siya tiniis niya ang lahat ng hirap. Araw araw siya nag sasanay umuusad siya kahit pa unti unti hanggang sa nagkaroon siya ng katungkulan at naging trainor ng mga priest. Sa araw araw na umuuuwi siya sa kanilang bahay ay lagi siyang sinasalubong ng ngiti ng kaniyang ina. Pero alam niya na sa likod ng mga ngiti na iyon ay ang pangungulila na alam niya kahit kalian ay hindi niya mapupunan. Ang tanging hiling lang ni Kris ay ang maipagmalaki siya ng kaniyang ina at maibalik ang dati nitong ngiti. Di naglaon namatay ang kaniyang ina dahil na din sa kalungkutan. Nalugmok si Kris pero isang gabi napanaginipan niya ang kaniyang Ama Ina at nakaabatang kapatid na masaya at nakangiting naglalakad. Muling bumangon si Kris sa kumunoy ng kalungkutan at nagpalakas. Naging high priest siya at naitakda pang maging ama ng magiging anak ng nuoy reyna na si Lady Justice. Masasabing ang kaniyang talento ay maikukumpara sa isang elf. Ang talento na hinubog ng walang sawang pagsasanay at paghihirap.
Pero lahat ng paghihirap niya ay gumuho dahil sa isang baguhang binata. Ang dating purong puso ni Kris ay napalitan ng inggit at pagkamuhi sa sarili. Ni hindi niya mapagaling ang pasyente na ito pero sa isang kumpas lang ng binata na ito ay nawala at gumaling ang katawan nito.
“Wala talaga akong kwenta isa lamang akong basura sa harap mo. Nahigitan mo ako sa sandaling panahon lang. Isa talaga akong basura.”
Nagsalita si Kris sa tagal ng pag iisip nito. Kalmado namang lumuhod si Marvin na para bang ibang tao na ito. Hinawakan niya ang balikat ng kaniyang guro at nagsalita.
“Manong na pari. Kahit kailan walang estudyante na mahihigitan ang kanilang guro. Maaring napagaling ko ang katawan ng aking ina pero wala parin siyang malay. Kung iniisp mo na wala kang kwenta nagkakamali ka. Wala ako sa kina tatayuan ko ngayon kung di mo ako tinuruan.”
Tumayo si Marvin at lumabas ng kwarto habang si Kris naman ay tumayo na at lumingon sa binata.
“Siya nga pala di ko alam pero bigla kong nakita ang ibang ala ala mo. Hindi sayang ag mga paghihirap mo…”
Yumuko si Marvin bilang paggalang at nagsalita.
“Maraming salamat aking guro. Salamat din sa pag aalaga mo sa aking ina. Pinauubaya ko siya saiyo.”
Naglakad na paalis si Marvin at biglang huminto at nagsalita.
“Siya nga pala nalaman ko rin na ikaw na ang huling Kyoushi. Medyo tumatanda ka na manong panahon na siguro para alam mo na hihihi… huh parang nahihilo ako.”
Nawalan ng malay si Marvin at babgsak na sana ng biglang sumulpot si mang Ramon sa kaniyang likuran. Napangiti naman si Kris at parang nawala ang parang matagal na tinik na naka bara sa kaniyang lalamunan.
“Hoy Ramon problema lang ang inabot ko sa bata mo. Hay mana sa Ama.”
“Hahaha siguro ganun nga. Pero pri pabor ako sa sinabi nitong bata na to. ALAM KO NA MATAGAL MO NANG GUSTO ANG SIKRETARYA MOOO…. HINIHINAAN KO LANG TONG BOSES KO PARA DI NIYA MARINIIIIIG. SANA HINDIIII ITOOO MARINIG NG SEKRETARYA MOOO.”
Biglang sumigaw si mang Ramon at narinig ito ng lahat. May magandang priestess naman na pulang pula ang mukha na lumapit kay Kris. Hindi nakagalaw si Kris dahil ito ang kaniyang sekretarya.
“Umm…. H-High pri…est hina…hanap mob..a ko?”
“Hahaha tapos na training ng alaga ko dito bahala ka na diyan Kris hahaha.”
(note: Kyoushi means Teacher in Nihongo)
BINABASA MO ANG
Marvin
FantasyNothing can save you, Justice is lost, Justice is raped, Justice is gone.