Traffic: Kalbaryo sa lansangan

2 0 0
                                    


      
Umagang umaga ang dami na namang nagtatakbuhan, mga nagmamadali.
Akala mo isang scene sa isang palabas kung saan hinahabol ng zombie.
Kung baguhan ka sa Maynila, magugulat ka talaga sa gulo ng sistema.
Pero kung titignan mong mabuti, agawan lang pala sa pampasaherong sasakyan at takot ma-traffic sa lansangan ang problema.

Estudyante

Late na nga nagising maiipit pa sa traffic
Late na nga nagising hirap pang sumakay
Kahit pagsabit sa jeep, standing sa bus, pakikipagsiksikan sa lrt at pnr papatusin na,
Umabot lang sa klase at hindi mamiss ang roll call ni prof sa attendance

Office worker

Takbo habang nagsusuklay!
Tamang make-up lang muna sa loob ng bus,
O di kaya sa loob ng lrt o pnr habang hindi pa masikip.
Kailangan mukha tayong presentable
Para naman maawa si boss at pagbigyan tayo sa panibagong "late" na idadagdag sa record natin
Mukhang isa na lang kasi bibingo na tayo sa tardiness eh
Naku, mahirap na masuspend~


Araw-araw ganito nalang lagi nangyayari
Sa totoo lang, mapa-araw gabi laging traffic!

'Kelan ba mawawala traffic sa Pilipinas?'

Sa totoo lang, isa din naman ako sa araw-araw na nakikipagsapalaran sa lansangan.
Isa din yan sa mga tanong ko sa araw-araw.
Shusko naman kasi, ang dami-daming sasakyan kulang naman tayo sa kalsada.
Minsan pa, alam na ngang daanan ng kotse ginagawa pang parking lot.

Maayos na sistema, disiplina sa kalsada. Ayang ang kulang at dapat ayusin.

Traffic
Traffic?
Traffic!
Traffic na naman!

Hanggang kailan ba tayo magtitiis sa traffic?



Traffic: Kalbaryo sa lansanganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon