Chapter 4: Announcement
LYSSANNA
Mabilis lang ang pangyayari kaya ngayon ay nasa hapag-kainan na kami. Tumabi ako kay Mama, at sa right side ko ay si Zae. Si Papa naman ay nakaupo sa pinakagitnang upuan. Dumating na lahat ng panauhin kaya naman nagsimula na kaming magdasal at kumain.Tahimik na ngumunguya ang bawat isa nang basagin ito ni tito Jim. "So, Zemy, ano ba ang announcement na sinasabi mo?" Nabaling ang tingin ng lahat kay tita Zemy. Sandali pa itong uminom ng tubig at tumayo.
Tumikhim muna ito bago nagsimulang magsalita, "I would like to inform you that this is not just an ordinary family dinner," sandali itong tumahimik at ngumiti sa lahat. Di na kami umimik at naghihintay lang sa susunod niyang sasabihin.
"But, this is also a warm welcome to the future new member of our family," unti-unti nitong bigkas na agad na nagpakunot ng noo ng karamihan, ngunit ang iba naman ay nanatiling kalmado at naghihintay sa susunod na sasabihin ni tita.
"About a month ago, this person proposed to me. At naisip kong matagal naman na simula noong maghiwalay kami ni Javier. Bakit hindi ko subukan muling maging masaya, hindi ba?" Dere-deretso nitong saad. Napaawang ang mga bibig namin na tila gulat na gulat sa announcement na iyon.
"And who is this person?" Tanong ni tita Lira habang nakakunot pa ang noo. Napangiti si tita Zemy sa tanong niya at bumaling ang tingin niya sa likod namin. Napalingon lahat sa gawi na 'yon.
'H-Hindi kaya si......N-No, you must be kidding me.'
"M-Magandang gabi po," nauutal na nakayuko lang ito habang binabati kami. Isang middle-aged man ang bumati sa amin. Nakasuot ito ng formal at ngayon ko lang iyon napansin.
"Ibig mo bang sabihin si........ Gary?!" Gulat na gulat na bigkas ni tita Lira. Kaming lahat ay nagulantang sa katotohanang iyon.
Si Manong Gary ay driver nila tita Zemy. Kaya nagulat ang lahat dahil hindi namin inakala na magkakamabutihan sila. There's nothing wrong with it though. Nagulat lang talaga ako.
"P-Pero kailan pa?" Di makapaniwalang tanong ni tito Jim. "Matagal na, about 2 years ago," nakangiti paring saad ni tita na parang balewala sa kaniya ang reaksiyon ng karamihan.
"Zemy," pantawag-pansin ni Papa sa atensiyon ng lahat. Seryoso itong nakatingin sa kaniya na tila binabasa nito ang bawat kilos ni tita.
Si Papa, tita Zemy, tito Jim at tito Benedict ay magkakapatid. Mag-isang babae lang ni tita Zemy sa kanilang magkakapatid kaya todo protekta sila sa kaniya. Si tita Zemy ay may dalawang anak sa kaniyang unang asawang si tito Javier, yon ay sila Zaeon at kuya Zandrix.
Si tito Jim ay may asawan na rin, si tita Lira. Anak naman nila sina ate Vizqa, Xeounz, at Wyzx. Hanggang ngayon ay hindi parin namin alam kung saan napulot nila tita ang mga pangalan nila. Siguro dahil sobrang overrated na yung mga pangalan natin these days. O 'di kaya'y kapanahunan pa lang ng pag-usbong ng kajejemon-an noon.
'Biro lang ho, baka ako'y pagalitan hehe.'
Si tito Benedict naman ay wala pang asawa. Siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. Wala siya ngayon dito dahil inaasikaso niya ang kaniyang sariling business. Nasa edad-27 pa lamang siya, pero para sa kaniya ay mas importante muna ang pagtratrabaho bago ang pag-aasawa.
BINABASA MO ANG
Groove of Sudden Amourette
Teen FictionLife is indeed mind-blowing. Sometimes, an unforeseen angle always comes and changes everything. It changes your personality. It changes your perspective in life. It changes the whole concept of the story. It changes the whole you. But, what can...