ONLINE: Sariel Reeves

64 8 0
                                    

Sariel's P.O.V.

ㅡJune 15, 2020ㅡ
2:00 AM


"Hi, I am Michael Reeves and-"

Tinatamad na ako manood, wala rin naman ako sa mood matulog. I am cold, irritated, and hungry as hell.

Gumawa ako ng bagong account, Sariel Reeves ang name kasi trip ko lang. Tamang scroll at add friend na lang ng kung sino hanggang sa may nadaanan ako na post na naghahanap ng members para sa isang gc. Okay yay people to talk to.

Makatulog na nga.

.
.
.
11:00 AM

Sure akong natulog ako na may damit pero pagkagising ko, nakahubad na ako. Hala baka pinagsamantalahan ako ng mumu.

Phone ko kaagad ang unang hinanap ko dahil di ko trip kumain agad ng almusal at tanghali naman na.

Oh inadd na ko sa gc, makapag hi nga baka makahanap ako ng kausap dito. Sakto naman madami nagreply sakin, nagsend din ako ng vms ko and kinanta mga request nila and ung iba nga umabot pa ng pm sa request.

.
.
.
11:00 PM

Oh..kay that was an uneventful day. Makatulog na nga ako.

(Spoiler: di ako nakatulog, hindi ko maalala ung nangyare basta di ako nakatulog.)

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
June 16, 2020ㅡ

So ayon. Ewan ko kung anyare basta may kausap ako around 12 am at magkacall kami habang naghahanap ng mga live na papakinggan. Nadaan kami kay batang makagago, Padre damaso, at sa kung saan saan na live.

Doon ko den nakilala ang isa pang rp'er na nanggugulo den sa live. Tamang benta lang ako ng mango graham kahit na wala akong supplies at wala den kaming fridge.

At around 2 AM inadd nila ako sa isang gc named "Live Warriors", dun daw kami magcall.

Tamang jump lang kami from one live to another habang magkacall, then around may nagjoin sa call.

Creanna Margaux Arclighe Luthang Buenavista

Gago ang ewan ng boses niya. That time akala ko around 18 or 19 na siya dahil sa boses niyang mala-college student na bumagsak sa finals.

Kaming dalawa lang nung isang kasali yung naguusap dahil hindi siya nagsasalita sa call, kakagising nga lang neto.

At around 4, nagising na sya at nagsasalita na, oh may iba naman pala syang alam sabihin bukod sa hi. Iniwanan na kaming dalawa kasi matutulog na yung ibang members, nagusap kami hanggang 10 AM... Shet tanghali na pala wala pa kong tulog.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ㅡJune 17, 2020ㅡ

Wala ako masyadong matandaan sa araw na to, basta naka-vc kami the whole day. Sabi niya wag ko siya sanayin sa calls pero I told her na di naman ako mawawala tsaka ayoko nga, ang sarap niya kaya kausap. 

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ㅡJune 18, 2020ㅡ

Wala ako masyado matandaan nung umaga basta nagkausap kami ng ex ko at sinabi kong di na ko babalik.

Hindi ako charity na babalik dahil sa awa.

Nagbreakdown kami pareho ni Marg nung hapon dahil nagkwentuhan kami about sa mga pinagdaanan namen sa family, gago first time may nagcomfort saken habang nagbbreakdown (except sa pang gagago saken ng barkada ko hanggang sa maging okay ako, shout out sayo Ackerman!).

Sabay kami nakinig ng mga kanta ng munimuni nung gabing yun. Habang tumutugtog ang bawat piyesa bumubulong ako sa mic.

"I love you"

"Ha?"

"Rinig mo?"

"Hindi, ang lakas lakas ng kanta eh"

"Good"

Wala lang trip ko mag I love you, kaso ayoko sabihin directly kasi baka iba isipin niya masabihan pa ko ng speed.

Nung gabi din na yon siya nag I love you, nagulat pa ko gago. Nung gabing yon confused ako dahil nagugustuhan ko na siya, pero bakit? Pano? Hindi dahil sa physical features, dzai kung yun hanap ko edi don na ko sa mga kaklase ko. Hindi rin sa kabaitan niya, mas gago pa siya saken hundredfold.

Basta gusto ko siya, siya lang at wala nang iba.

Nung gabi din na yon sure ako na may narinig akong "Gusto din kita" ayaw niya pang aminin na sinabi niya, pasalamat siya lasing ako sa antok at wala akong recording ng calls namin but I swear ayun yung narinig ko.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ㅡJune 19, 2020ㅡ
4:00 PM

Naiyak ako gago, pano naman kasi kung anu-ano sinasabi nya.

Mahal ko siya at hindi yun dahil lagi siyang andyan.

Alam ko madami nagkakagusto sa kanya pero wala akong pake, I'd take risks and nangako  ako sa kanya na di ako tatakbo. Nagsabi ako na manliligaw ako sakanya at oo hindi ako nagpaalam. Anong pake ko kung di siya payag basta maghihintay ako sa kanya.

May access na kami sa account ng isa't-isa noon kaya natripan ko maki-usi sa mga chat, oh diba andami nilang maghihintay edi matira matibay.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

ONLINE: ConnectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon