🌺Home Scene🌺

137 46 1
                                    

"What the hell Beauty can you make it faster! You're too slow. Look you need to wash my clothes after this! Are you listening? You useless deaf faster!!" Greeted teeth Brainy says while pushing and pulling Beauty's hair.

Tiningnan lang siya ni Beauty sa inosenteng paraan. Na para bang nagtatanong ang mga matang di nakakaintindi. Di siya masyadong makaintindi ng buong ingles.

"Bobo talaga, I forget di mo pala ako naiintindihan. Sabi ko bilisan mo at labahan mo pa ang mga damit kong susuotin mamaya, tanga bilisan mo!!!!"

"Patawad Brainy bibilisan ko na, arayy masakit na, tama na huhu bibilisan ko na," Beauty sobbing and pleading her twin to let go of her hair.

"Ha! Masasaktan ka talaga sa'kin, tandaan mo maganda ka lang pero bobo ka!!!" Balibag ni Brainy kay Beauty kaya napasubsob ito sa sahig at iniwan na siya do'n ni Brainy na nag-iisa at namimilipit sa sakit.

Walang magawa si Beauty kung hindi umiyak na lang ng mahinhin habang patuloy pa ring pinupunasan ang sahig. May mop sila pero di 'yon pinagamit sa kaniya ng pangit niyang kakambal.

Wala ang mga magulang nila, wala naman ding magagawa ang mga magulang nila dahil pag-aawatin nila ang kambal laging sinasabi ni Brainy na laging siya ang kawawa at para bang lagi na lang kinakampihan nila ay si Beauty.

*Ding dong ding dong*

"Bobo buksan mo ang gate," napaigtad na lang si Beauty sa pakikitungo ng kambal niya. Hinahayaan na lamang niya itong lait laitin siya. Iniisip niya lang lagi na, magiging okay rin ang lahat.

"Ikaw na Brainy nagpupunas pa ako dito o---

*Boggggs*

"Aba't bobo ka talaga may gana ka nang sumagot ha, buksan mo o gusto mo lumipad sa ere 'tong vase sa mukha mo!!!" Sigaw ni Beauty at dinampot ang flower vase sa lamesa.

Labag man sa kalooban ni Beauty ay tumayo na ito at di na lang iniinda ang sakit sa ulo niyang natamaan ng selpon ni Brainy.

Laking gulat niya nang buksan niya ang gate kung sino ang tumambad sa kaniya.

"Uhm Hi Beauty,"

Siya si Henry, ang basketball captain ng school nila. Na patay na patay sa kaniya ang kakambal niya naman ay patay na patay naman ito sa kaniya.

"Uyy ikaw pala Henry, si Brainy ba hanap mo?" Tanong nito sa binata na may dala-dalang isang bouquet ng puting rosas at isang karton ng tsokolate.

"Nope, I'm here to send this to you hehehe," sabay abot ng binata sa mga dala nito at kamot sa batok na tila ba nahihiya.

"Huh?" Di makapaniwalang tanong ni Beauty.

"Hayyss ang cute mo talaga, sabi ko nandito ako para ibigay to sa'yo ang mga ito," nahihiyang sabi ni Henry at sabay ngiti ng pino at mawawari ang panginginig niya.

"Ahh nag-abala ka pa, salamat," sambit ng dalaga sabay abot ng ibinigay at inaamoy-amoy pa ang mga puting rosas.

"Sige mauna na ako, kita na lang tayo bukas sa school," paalam ni Henry at sumakay na sa kotse niya. Kumaway na lang sa kaniya si Beauty at pumasok na sa loob.

Si Henry ay isa sa mga schoolmate nila na humahanga sa taglay ng kagandahan ni Beauty at kabaitan nito.

"Wow chocolates sa'kin ba 'yan? Yiiiiee ang sweets naman nang may bigay nito awiiee?" Biglang sulpot ni Brainy at hinablot ng walang pasabi sabi ang mga dala ni Beauty.

Di na lang siya kumuntra pa at sumunod na lang ito sa kaniya papasok at tinuloy ang kaniyang ginagawa kanina.

Matagal ng nagtitiis si Beauty sa kawalanghiyang pakikitungo ng kambal niyang maldita hayssss...

Pero nanatili ang dugong pagkamabait niya at hinahayaan na lang...

THE BEAUTY AND BRAINY: One Short Story( Completed)Where stories live. Discover now