🌺 Im Too hurt to Change🌺

73 45 0
                                    


Di nila natiis ang mga kutsa at pang-bu-bully nila. Sa bawat pait at kurot na pintas ng mga tao sa kanila ay ginawa nilang inspirasyon itong magbago.

Pagka-closing nila sa Highschool ay doon na nagsimula ang tunay na labanan.

Si Brainy sumama sa mama niya sa states para doon magbakasyon at simulan ang plano niya.

Sa buong bakasyon na 'yon ay tinuon lamang ni Brainy sa pagpapaganda at pagpuputi.

Dahil sa angking kayamanan na mayroon sila, sinubok niya lahat ng beauty products para lang masulusyonan ang balat niyang kasing itim ng charcoal.

Di nakayanan ng products kaya wala siyang choice kung hindi ang magkaroon ng derma. Dahil bitin kung magpa-derma lang pina-plastic surgery niya lahat ng parte ng katawan niyang nakikita niyang may mali.

Pinatangos ang ilong, iniba ang shape ng mukha, nilagyan ng kemikal ang buhok na sobrang kulot na ngayoy naging tuwid at maganda na ito. Naging sobrang puti ang dating maitim na maitim na balat at nawalan ng butas butas ang mukha niya na dating magaspang na mukha ngayoy flawless and soft na ito.

Habang si Beauty ay minabuti ang pag-aaral. Naiwan siya sa lola niya at siya ang katuwang nito, ang lola niya ay isang matanyag na propesor kaya laking tulong ito sa kaniya.

Mahirap man sa simula pero buo at determinado na siyang matuto at mag-aral dahil sawa na siyang mahusgahan at mapagsalitaan ng masakit.

Inaamin niya na ang pag-aaral ay ang numero unong ayaw niya, kaya laking hamon ito sa sarili niya para gawin ito.

Di niya ininda ang pagkalito at pagkatamad bagkus nakinig ito ng maayos at itinuon lamang ang atensiyon sa inaaral kahit na mahirap.

Laking pasasalamat niya na unting-unti siyang makaintindi ng ingles na lenggwuahe at makakapagsalita na ito.

Hanggang sa nasanay na ito at naging paborito na niya ang pag-aaral.

THE BEAUTY AND BRAINY: One Short Story( Completed)Where stories live. Discover now