CHAPTER 4 - YOU
Nakatayo sya sa tapat ng bahay na iyon
Hindi nya alam kung magsasalita upang ipaalam ang kanyang kailangan
Ilang beses na syang nagtangka na magsalita pero parang syang napipi ng oras na iyon.
Halos di sya nakatulog pag kagabi
Pagdating sa kwarto ay nakaupo lang sya at binalikan ang mga lumang pictures at videos nila na magkasama .
Halos umiiyak sya habang pinapanuod ang mga ito .
Kung alam mo lang ..... sabi nya sa phone habang nakatingin sa mukha nito na nakangiti sa kanya.
Di sya makatulog baling baling sya sa higaan alam nya sa sarili nya na walang saysay na mag stay sya dun kaya naman tumayo na sya agad at patakbong bumalik uli sa lugar kung saan nya ito nakita .
Pagdating dun ay tahimik na ang lugar , may iilan na lamang ang tao pero wala na ang kasiyahan tanging ilaw na malimlim ang ang bibigay liwanag bagsak balikat syang bumalik sa hotel nila.
Paano kung din na nya uli ito makita ....sabi nya sa isip nya
Lalo tuloy syang nalungkot ng oras na iyon .
Pero desidido na sya na makita ito ulit at makausap .
Handa na syang makipag sapalaran
Hindi na nya kaya na di ito makasama , makita at mahagkan
Kaya naman nagpaalam sya sa mga kasamahan nya di muna sya papasok dahil may pupuntahan sya .
Nagulat ang mga ito kasi wala naman silang kakilala sa lugar na iyun.
" mukhang may date tayo ah " biro ni engineer
Todo porma tayo brad ah..
Ngumiti lang sya sa mga ito para din na sya tanungin pa
Nagpaalam na sya at pinuntahan ang office na beach resort . Hinintay nyang dumating ang events manager para tanungin kagabi kung paano makokontak ang SAVAGE band binigay naman nito .
Dali - dali nyang tinawagan ang number na nakasulat pero ring lang ng ring
Halos sampung beses nya din ginawa iyun . Tinanung nya ang manager kung saan nya maaring puntahan ang mga ito . Dahil nga sa bago nila itong banda ay naka log in ito sa isang hotel na taliwas sa lugar ng kanilang pinagtraahuhan.
Libre kasi ng resort ang bahay ng mga performers nila para di na mahirapan ang mga ito lalo na't malapit na ang peak ng season kaya naman din a nila ito pinapakawalan at baka mapunta pa sa ibang lugar dagdag atraksyon din kasi ang mga ito .
Lahat ng tip ay dito napupunta maliban sa sweldo ng mga ito . Libre ang accommodations pero ang foods ay hindi .
Nagpatulong sya kung papanu makakpunta ditto ay tinuro naman kung paanu makakapunta dun . Pagdating sa kanto ay pinara na nya ang tricycle at pina direst sa lugar kung asan ang taong kailangan nya .
Ano kailangan mo brad ....sabi ng isang lalaki na di nya namalayan na nakatayo na tabi nya
Tinignan nya ito , isa ito sa mga miyembro ng banda kagabi
Ah.. bale andito ba si Starr......tanong nya dito
Ah si Raven ay andyan sya sa loob sabi nito
Anu kailangan mo sa kanya dagdag na tanong pa nito
YOU ARE READING
CHASING BELOVED STARR
RomanceHinahanap ni Angelo ang kanyang Starr na nawala dahil mas pinili niyang talikuran ito at hindi ipaglaban . Ngyaon nakita na niya ito bilang isang vocalist ng bandang Savage Band .. may tyansa pa ba an makuha uli niya ang pag ibig nito .