CHAPTER 8 – FINALE
Patapos na halos ang mga gusali na kanilang itatayo kaya naman makakahinga na sila ng maluwag.
Pero sa kanya ay simula na iyon na panibagong problema na need na kaharapin.
Pag natapos na kasi ito at nakapag opening na ay kailangan na nila bumalik sa Maynila para sa iba pang trabaho .
Ilang araw na iyun lagi ang nasa isip nya lalo na't okay na uli sila ni Starr...Nalala pa nya ung araw na kung saan nagpunta sila ng Mall.
Pagkatapos nito ay hawak kamay silang nagpunta sa department store at namili sila ng mga gamit nito . Di na ito kumakalas sa kanyang pagkakahawak sa kamay nito . Nakatingin na ang ilang tao sa kanila pero wala na syang pakialam .
Pero dahil professional din ito kumilos ay bumitaw din ito ayaw man pero sapat na alam nila sa isa't isa na nagkakaayus na sila na simula na iyun ng kanilang relasyon.
Habang kumakain ay nilalalagay nito ung mushrooms sa plato nya . Natawa na lang sya dahil hindi mo talaga ito kumakain ng ganun.
Ibang mushrooms ata gusto mo eh biro nya dito ng nakakaloko
Binelatan na lang sya nito ... super cute nito sa paningin pag ginagawa nito
Di nya muna ito hinatid sa bahay ito aba may iba pa syang plano .. nagtanung tanung na sya sa mga kasamahan nya saan ang magandang lugar at nagpasama din sya ...marami silang napuntahan kaya duon nya balak ito dalhin ung the best na lugar na nakita nya.
Nagtaka ito nang di sila dumiresto ng sa daan na paliko ng pag uwi nito
Nag okay sign lang sya dito at di na nagtanung pa.
Maya maya pa ay dinala na nya ito sa lugar na gusto nya makita .
Pagdating dun ay niyaya agad nya bumaba ito .
Pag baba ng sasakyanay namangha agad ito sa nasilayan at unti unti nag lakad sa isang barandilya.
Dinala nya ito sa mataas na lugar na kung saan makikita ang lawak ng karagatan , mga kabundukan at iba pang panig ng lugar. Sakto naman na hindi na mainit nang oras na iyon dahil magdadapit hapon na kaya naman saktong sakto sa paglubog ng araw.
Nakangiti lang ito
Ang ganda sabi nito
Lumapit sya dito at niyakap ito sa likuran
Hinayaan lang sya nito hinawakan din nito ng mahigpit ang mga kamay nya .Ang sarap sa feeling na muli nya itong nagawa para bang nililiok ang katawan nya para dito .
Lumakas ang hangin kaya naman ramdam nya ang lamig at presko na tamang tama lang . Hinarap nya ito para malaman na nito ang nararamdaman nya mula pa kanina.
Alam ko walang kapatawaran ang ginawa kong kasalanan sayo pag papanimula nya
Nakatingin lang ito sa kanya
Pero muli akong susubok na mahalin mo uli...
Tinaas niya ang kamay nito at dinala sa labi
Kung pwede magsimula uli tayo ... sinserong sabi nya dito
Naluluhang yumakap lang ito sa kanya
Oo naman sabi nito at humalik sa kanya
Tinugon naman nya ang halik nito . Kung dati ay mabilisan lang ngayon ay mabagal at puno puno ng emosyon ang paghalik nila para bang ipinaparamdam na miss na miss nila ang isa't isa.
YOU ARE READING
CHASING BELOVED STARR
RomanceHinahanap ni Angelo ang kanyang Starr na nawala dahil mas pinili niyang talikuran ito at hindi ipaglaban . Ngyaon nakita na niya ito bilang isang vocalist ng bandang Savage Band .. may tyansa pa ba an makuha uli niya ang pag ibig nito .
