CHASING BELOVED STARR 6

14 0 0
                                    


CHAPTER 6 – BEGINNING

Habang nag check ng mga plans and inventory si Angelo ay lumapit si Xian sa kanya . Di nya muna ito pinansin dahil need nya I check and balance ang materials na kailangan nila at nagamit nila .

Akala ay aalis na ito pero mukhang di pa ata kaya hinyaan na lang nya muna ito at tinuloy ang ginagawa nya . Nasilip nya na kinuha nito ang cellphone at nag browse na lang muna ng account nya .

Nang matapos sya ay nag unat-unat muna sya ng kamay at nag patunog ng mga ito pati minasahe ang kanyang mga balikat.

Tara na pre kain na tayo ... yaya nya ditto

Tinigil na nito nag ginagawa a kinuha ng mga gamit nila .

Kumain na lang sila sa isang restaurant . Di na nakasama si Engineer dahil maaga daw ito magpapahinga dahil inatake ito ng pagkahighblood nito kaya need nito ng magpahinga.

Kinamusta nila kung okay lang naman ito na sinabi naman na okay lang ito.

Marami rami din silang nakain ng araw na iyon. Habang nag nagpapatunaw ng kinain ay nagsalita ito.

Pre magkwento ka naman pasimula nito ?

Di na nya kailangan pa magtanung kung anu ang sinasabi nito. Mula ng sinabi nya na trip nya ito ay din a sya tinigilan nito . Ang dami dami naman daw dyan na babae bakit sa lalaki pa daw sya nagkagusto .

Nagtaas balikat na lang sya , pero wala pa din tigil ito sa pangungulit na sya naman tinatawanan na lang nya. Lagi sya pa din nagpupunta sa bahay ni Starr.. at kung tutuoisin ay okay na ito sa kanya kaya naman naging panatag na kahit papano ang paraan ng pakikitungo nito sa kanya.

Ayaw nya iopen ang kanyang nadarama ditto dahil baka biglang magbago ang ihip ng hangin. Mapurnada pa ang kanyang happy ending.....

At tsaka back to square one muna sya para bagang pagkakaibigan muna uli ang gusto nya na gawin dito . Take it slow kumbaga.

Umorder na sya muna ng beer dahil mahaba habang pag uusap ang gagawin nila.

****

Nakilala nya si Raven Starr sa University nila nang time ng break time habang nag guguitara ito sa taas ng building .

May tinatakbuhan kasi syang mga babae na nangungulit sa kanya ng oras na iyon kaya dun ang napili nyang mag tago

Hinanap nya ang nagpapatugtog dahil sa ingay na ginagawa nito pag ikot nya ay nakita ito na nakasandal sa pader. Nakapikit ito habang tumatama ang sikat ng araw sa mukha nito dahil halos magdadapit hapon na.

Nakakadala ang kada pitik ng kamay sa guitar . Nakatayo lang sya malapit dito lumapit sya sa barindilya para makita ang buong building sa taas .So far maganda naman pala ang itsura sa taas naappreciate nya ito dahil ni minsan di sya nakapunta duon.

Sarap dito no sabi ng isang tinig na tumayo na din ilang hakbang mula sa kanya.

Tumanggo sya dito bilang pag sang ayun dito hinintay na din nila na bumaba ang araw sa kanilang paningin ngaun lang halos tumigil sandal at tignan ang ganun bagay basta alam nya lumulubog lang ito at bukas ay sisikat uli .

Pagkaraan ay umalis na ang lalaki at dumiresto na sa hagdanan. Hinabol nya ito at nakisabay na sya sa pagbaba .

Ni hindi sya nito kinakausap basta magkasabay lang sila pagdating sa baba ay naghiwalay na sila . Ito ay papunta ssa direksyong kanan samantala sya ay sa kaliwa.

CHASING BELOVED STARRWhere stories live. Discover now