Kakagising ko lang kase maaga ako papasok sa companya dahil tumawag si bossing kahapon na may bago daw na Model, himala nga eh noon kami pa ang nag hahabol na kunin sila tas ngayon may nag insist na.
Inayos na ko na ang higaan ko para makapag ayos na dahil 10:11 na at dapat before lunch nandoon na ako para makilala ko na ang bagong model namin.
lumabas na ako ng kwarto nang madatnan ko ang sala ko na makalat.
Tang*nang mga kaibigan yan hinde man lang inayos bago sila umalis buti na lang at nasa condo ako kung hindi pinatay na ako nang magulang ko sa ratratan.
pagkatapos kong maligo nagmadali na akong magbihis dali kanina pa tumatawag ang sekretarya ko at nandon na dw yung model namin.
Nakaka walang gana lang kanina pa sana ako nandon kung hinde lang nagkakalat ang mga kumag kagabi.
Dahil syempre kagabi lang kami nag kikita-kita kaya naisipan nilang sa condo ko na lang mag happy happy.
Dahil mabait naman ako kaya pumayag na ako paminsan-minsan lang kase kami nag kikita dahil busy sa kanya-kanya naming trabaho.
Nagmadali na akong kumain nang mag ring ang phone ko.
'patty nasan kana ba? Ang tagal tagal mo kanina pa nag hihintay ang model at mabibigla ka talag--- Oo! Mabibigla ka talaga sa gagawin ko mamaya dahil papatayin na kita ang kalat nang condo ko hinde ka man lang naglinis' hindi ko na siya pintapos dahil sa sobrang inis ko.
'Eh! Bakit ako lang marami tayo kagabi tapos ako lang pinapagalitan mo nandon naman sila syl ,daniel--mamaya na nga kumakain pa ak--pero teka--sige na bye' pinatay ko lang baka mabad trip na naman ako.
Lumabas na ako at ng tumunog ang ang elevator dali-dali akong tumakbo para maabutan ko at siniswerte kaba naman at naabutan ko.
nang makalabas na ako dali-dali na akong tumakbo patungo sa kotse ko,hinanap ko saglit ang susi pero wala tañaga sa bag ko.
shit! nasa kwarto ko pala tinignan ko ang relo ko at tang*na malalate na ako neto kaya no choice ako at tumakbo palabas at humanap nang jeep hirap pa naman maka hanap neto. Matawagan nga ang kumag.
Bakit hinde sumasagot! ano naman kaya ginagawa neto? maabutan ko talagan'g wala ton'g lalake to dito papa alisin ko na talaga siya.
Nang makakita na ako nang jeep pumara na ako at minamalas kaba naman puno na lord! bakit ang malas ko ngayon?
'sasakay kaba o hinde?!' galet na galet ka manong?
'sasakay ho' kaya no choice ako ngumiti ako sa mga pasahero bago kumalabit.
Buti na lang talaga at kunti lang ang dinala kong gamit kubg hinde mahuhulog talaga ito baka hinde lang mga gamit ko pati na rin ako.
Ilang minuto at nandito narin ako bago ako pumasok inayos ko muna ang damit ko dahil nalulukot na. Pag pasok ko bumati saken ang guard at ang iba ko pang mga kasamahan.
Nagmamadali akong lumakad dahil last 5 minutes na lang at late na talaga ako ng tumunog na ang elevator agad-agad akong pumasok nang bumukas ulet at may pumasok na isang lalake.
Panay tingin ako sa relo ko dahil kunti-kunti na talaga at sabog na ako dun ng magsalita itong katabi ko at napaka pamilyar ang boses na yun.
" Oy! Ms. Garcia long time no see" pagtingin ko hinde na man pala.
"Oy! Carl Dito ka nag wo-work?" i asked him.
"akala mo sino? hahaha Hindi may sin--" hinde na niya tinapos ang sasabihin niya dahil bumukas na elevator at lumbas na ako at nag wave na lang ako sakanya.