Nagising ako dahil sa ingay at napamulat ako, nakita ko ang mga pinsan ko sa kwarto.
Tinabuyan ko sila ng unan, grabe ang aga-aga naman ng bwi'bwisit ang mga loko, ano nanaman kaya ang ipinunta nila dito.
"O sha, tinanghali ka yata ng gising? O baka may pinaginipan ka?" tawa nila sakin. "Malamang wala ng pasok! at ang aga-aga ng bwi'bwisit kayo sa kwarto ko, at FYI! wala akong napanaginipan noh!masarap ang tulog ko" galit kong sabi sakanila kahit na antok na antok pa ako.
Umiling lang sila, at lumapit sakin si chris habang ang iba ko pang pinsan nanunuod ng tv.
"Alam mo sha, tanghali na at kanina kapa tinatawag nina Mommy at Tita kaya sabi ni Tita samin gisingin ka raw at kahit anong gawin namin sayo hinde ka parin gumigising at bwahahaha" hinde niya natapos ang sinabi niya dahil bigla siyan'g tumawa.
Binatukan ko siya at agad naman siyan'g tumigil at kita mo parin ang pigil ng tawa niya.
" 'sabin'g hinde ako kinikilig eh! Nakakainis yung lalaking yon pagmakita ko talaga siya papatayin ko na yon!' grabe panaginip natin pat ah?sinong lalake tinutukoy mo ba,ha?" nakita ko siyan'g nag pipigil nanaman ng tawa.
Kaya sa sobran'g inis ko padabog akong pumunta sa banyo para maligo na.
Pagkatapos kong maligo simple white t-shirt at black short lang sinuot ko,bumaba na ako para kumain dahil kanina pa talaga ako nagugutom. Jusmeyo!
Nakita ko sila Tita at Mama na naghahanda ng pagkain, kaya pala nandito ang mga pinsan ko.
"O patricia, halika nga dito" lumapit ako kay tita at nagulat ako dahil hinahalik-halikan na niya ako. "Tita naman eh! puno na talaga ang mukha ko ng red lipstick niyo" pagtatampo kong sabi kay Tita.
Habang kumakain na kami nag plano na sila kung saan kami mag bakasyon at agad akong napa-isip hinde ko pa pala nasabihan sina Mama siguro sasabihin ko na lang ngayon.
"ahm, Ma, Pa" agad naman silan'g tumigil at tumingin sakin pati sina Tita at Tito pati na rin mga pinsan ko napatigil. "Magpapaalam sana ako, mag outing sana kami ng mga kaibigan ko sa Cebu at 1 week kami mag stay roon, if okay lang?" pagpapalam ko sakanila.
Napa 'O' naman ang bibig ni Tita at pumalakpak kaya napatingin kami sakaniya. Grabe talaga tong si Tita eh kaya palaging nagugulat sina Tito at pati narin sina Mama dahil sa mga reaction niya.
"Great Idea! What if sa Cebu na lang din tayo magbakasyon, right?" masayang sabi ni Tita.
Putek! naman oh sana talaga hinde pumayag sina Mama, Lord wag sa Cebu pwede naman'g sa iba na lang sila pumunta eh, pero actually, wala naman kaming gagawing kalokohan.Basta ayaw ko lang na sasama sila na kasama ko rin mga kaibigan ko, eh! Pwede naman siguron'g pagkauwi ko na lang,diba?
Napangisi na lang ako sa sagot nina Mama at ayon nga pumayag sila.Kaya pagkatapos naming kumain agad akong pumunta sa sala, tinawagan ko Syl para sabahin sakaniya na baka sasama sina Mama papunta namin sa Cebu.
"Yes! Patricia? Napatawag ka? Wala kanang bebe G" sabi niya sakabilang linya.
"Kase, baka sina---" hinde ko natapos sasabihin ko dahil tinapik ako ni chris at tinuro niya si Tita. "Teka lang, tatawagan na lang kita mamaya" pinatay ko na at pumunta ako sa gawi ni Tita.
"Pinatawag niyo raw ako,Tita?" nag aantay ako sa sasabihin ni Tita. "Diba next week ang outing?" tumango ako at teka lang! bakit walang 'niyo' akong naririnig so buo na talaga ang pasya nila na sasama sila samin.