Chapter 4

4 0 1
                                    



Kakatapos ko lang kumain kaya agad akong pumunta sa kwarto ko, dahil nandito parin yung bwesit na kaibigan ng pinsan, eh bakit ba naman dito pa pinapakain nina Mama at Tita sa sobrang kabaitan ng mga Mama namin pinakiusapan nila sina Papa na dito na raw siya kakain.





Bakit ba kase dinala ni Chris itong kaibigan niyan'g patay gutom, nahihiya pa siya na hinde na dahil doon na lang raw siya sa bahay nila kakain, pero hanggang sa pinilit na siya eh pumayag rin naman.





At kanina pa habang kumakain kami may pa sabi-sabi pa siyang 'Mga Tito kunti lang kakainin ko dahil naghanda din ang Mommy ko eh' pero kinain niya rin ang sinasabi niya dahil grabe napakatakaw niyan'g kumain ano bang klasen'g aso to.





At talagang inaasar pa nila ako sa panget na yun, at sa sobrang inis ko tumayo ako pero bilang respeto ko sa pamilya ko nag paalam ako sakanila bago ako umakyat ng kwarto ko.




Kinuha ko ang phone ko para ma tawagan si Syl.




"yees patricia?" tanong niya.

"Anong oras flight natin sa Monday?" tanong ko.

"1:30 in the afternoon, pat" sabi niya kaya umu'o na lang ako saka ko pinatay.




Tumingin ako sa kisame, tinuturo-turo ko pa l ang star na kumikislap-kislap at hinde ko namalayan nakatulog na ako.





Nagsing ako at tinignan ko kung anong oras na 11:36 pa ng gabi, gabi pa pala? tumunog ang tiyan ko at sigurado ako kailangan na ng midnight snack itong tiyan ko.




Bumaba ako, at nakita ko pang nakabukas ang tv kaya pinatay ko at dumiretso ako sa kusina binuksan ko ang ref at kumuha ng Fries, Fresh Milk, at kumuha din ako pang gawa sa chillidog.




Ng matapos na sa chillidog nilagyan ko ng Cucumber at Tomato kinunan ko muna ang litrato saka ako kumuha ng tray para dalhin na ito sa labas.





Lumakad na ako at nakabukas na naman ang Tv kaya pinatay ko ulit ng may mag reklamo.





"Amp! Nakakainis bakit mo pinatay?" tumingin ako sa gawi niya at nag maaninag ko.





"Bakit nandito ka pa? Madaling araw na oh?! Kapal din ng mukha mo! At may gana kapa talagang uminom dito sa bahay namin?! Umalis kana nga dito" nilapag ko muna ang tray saka ko siya tinaboy.





Napatigil ako sa pagtataboy niya ng bumukas ang pinto at nakita ko roon sina Papa at Tito pati na rin si Chris. Dali-dali lumapit tong panget nato kila Papa.





"Tito oh! Tinataboy ako ng babaeng yan" pagsusumbong niya kila papa. "Pa? Bakit nandito pa yan'g lalaking yan? Pauwiin niyo na nga yan" inis kong sabi kay papa.




Tumingin ako sa gawi nila Chris at kita ko naman ang mga ngiti nila habang itong panget na lalaking ito inirapan ako.





"Anak? dumarito muna itong kaibigan nang pinsan mo at isa pa dito rin matutulog Tito't tita mo saka mga pinsan mo, madami na mn tayong guest room doon na lang muna matutulog si Paolo, at nakaka'awa naman kung papauwiin ko siya sa ganitong oras" kung alam lang talaga ni papa kung gaano ako kainis sa lalaking katabi niya ngayon.




"Makinig ka na lang kase sa Papa mo" inirapan ko na lang siya.




Umupo na sila sa sofa saka nila isa-isa nilang binuksan ang mga inumin nila, lumapit ako sa gawi ni papa para umakyat na ng kwarto at para narin makakain na ako sa itaas.




Captured FeelingsWhere stories live. Discover now