09.

14 6 0
                                    

Jude POV:

Yun oh!susulitin ko na itong pagkakataon nato baka hindi na ako bigyan ng POV ni author haha

Hello, Ako nga pala si Jude Castillo, 19,baseball player at ako ang hitter ng team namin nyahaha.So ako lang naman ang nagiisang guwapong Ka-IBIGAN ni Aceshelle chos baka sapakin ako nun.

So,ayun nga dahil half day lang kami ngayon gumala muna kami sa SM at naghanap na din ng kakainan dahil Tom Jones na daw si Cj

Habang kumakain kami napapansin kong badtrip si Ace.

"Beks okay lang yan,support ka naman namin eh" sambit ni Cj sa kanya kaya napangiti naman ito

"Tska Ako yata No.1 Fan mo" nakangiting sabi ko dito.

At ang nagiisang taong nagmamahal sayo ng palihim.Ewan ko ba dito sumobra ata ang tinusok na Anesthesia dito ng bata ito napakamanhid.

"Aruhh No.1 Fan daw naniniwala kaba rein?" Malokong sabi ni Cj

Pasmado talaga bibig ng bakla na to baka mamaya mapansin ni Ace na may gusto ako sa kanya eh baka maging FO na kami.

Ayoko lang umamin kay Ace baka kasi mafriend zone ako haha.

"Haha,parang duda ka pa be" natatawang sabi nito Rein

Yan gusto ko kay Rein eh, Alam niya na may gusto ako kay Ace buti pa it tahimik lang hindi tulad ng iba jan pasmado bibig.

Tumigil kami sa paghaharutan ng mapansi kong may sinusundan ng tingin si Ace kaya tiningnan ko din kung ano tinitingnan niya ...Ay hindi pala ANO kundi SINO pala dahil magkasama si Pj at Sophia na papuntang NB.

"Omyyg hindi ko alam na may jowa na si papa Pj hindi ako nainform" nakangusong sabi ni Cj

"Bakit ka naman iinform jowa kaba?" Pambabara ko sa kanya

Kitang-kita ko sa mata ni Ace na mukhang nasaktan siya dahil nakita niyang may kasamang iba yung taong pinapangarap niya.

Ako yung laging nandito sa tabi niya pero putek nasa iba ang atensyon niya. Kaya ikaw huwag kang gumaya sakin yung pinapangarap kong mundo sinasakop na ng iba.haha chos

"Selos ka ba beks?" Nakangising tanong ni Cj kaya sinamaan ko ng tingin

"Bat ako magseselos jowa ko ba si Pj" seryosong sambit ni Ace pero bakas dito na nasaktan siya sa nakita niya.

"May dala kabang kotse?" Tanong ko kay Ace  para lang maiba ang usapan.

"Wala eh" sabi nito sakin.

Hindi ko na tinanong dito kung bakit wala siyang dalang kotse. Dahil nakita ko naman kanina na hinatid siya ni Pj

*Author: selos ka naman?*

"Sige sabay nalang tayong umuwi"

"Sige" sagot nito.

Inubos lang namin yung pagkain namin at umuwi na din kami.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Ace habang binabagtas ang daan pauwi sa kanila

"Oo naman" nakangiting sabi nito

Expected ko na yun ang isasagot niya dahil Great Pretender ang ati gurl niyo

"Thank you sa hatid. Bye take care" sambit nito at hinalikan pa ako sa pisngi bago pumasok sa bahay nila

*Author: uyyyy kiniligg*

------------

Ace POV:

Pagkapasok ko sa bahay naabutan kong nanunuod ng movie si Ate Fe.

"Anong palabas yan Ate Fe"

"Miracle in Cell No.7 Ma'am" sagot nito bago ako umakyat sa loob ng kwarto ko para magpalit ng damit at bumaba na din ako at tumabi kay Ate Fe para manood nalang din

"Ate Fe magluto ka ng popcorn" sabi ko dito

"Ikaw nalang ma'am nanunuod pa ako eh" sagot nito sakin habang nakatutok ang mata sa TV

"What?" Gulat kong tanong dito at parang di ako narinig ni Ate Fe kaya ako nalang nagluto

Pagkatapos ko magluto ng popcorn at french fries umupo na ulit ako sa sofa

"Ate Fe I forgot the coke in can" sabi ko dito habang tutok ang mata ko sa TV

"Mamaya na Ma'am nanunuod pa ako eh"  sabi nito

Grabe di ako makapaniwala hindi ko alam kung sino amo saming dalawa eh kaya tumayo na ako para kumuha ng dalawang coke in can sa ref. At bumalik na ulit ako sa sofa pagkakuha ko.

"Ma'am paabot naman ako ng tissue" utos sa akin ni ni Ate Fe dahil nasa tabi ko yung box ng tissue

"Eto na po ma'am" sambit ko dito pagkaabot ko ng box ng tissue

"Thank you"sabi naman nito

"Ate Fe si mommy na ata yun oh" sabi ko dito dahil may narinig akong bumubusina sa labas

"Ma'am ikaw na......" Hindi na natuloy ni Ate Fe ang kaniyang sasabihin dahil binigyan ko siya ng death glare

"Sabi ko nga ma'am ako na hindi ka naman po mabiro" natatawang sabi nito kaya pinause ko muna yung movie at nang bumalik ito pinlay ko din naman agad.

Natapos na namin ni ate Fe yung Movie grabe nakakaiyak pala yung.This story is about the love between an adorable loving daughter and a mentally-ill father whose accused and convicted of a crime he didn't commit.

Pagkatapos naming manood ng movie ni Ate Fe dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi ko maiwasan magover think dahil sa nakita ko kanina.

Ako?bat ako magseselos? Crush ko lang naman yun ano pake ko kung may kasama siyang iba tss hindi naman kami.

But we promised to each other that we getting married kaya nga hindi ako nagmahal ng iba eh.

Maga akong nakatulog dahil may practice pa bukas. Isa pa yung pageant na yon. Putcha naman oh!

-----

I was wearing a pink off-shoulder top and a simple high waisted ripped jeans partnered with my white pair of shoes. Kinuha ko na ang mga gamit ko bago bumaba sa kitchen. I saw my parents was already there at kumakain na sila ng breakfast.

"Goodmorning" bati ko sa kanila at umupo na ako para kumain

"Goodmorning, balita ko ikaw daw ang magrerepresent ng institute sa intrams right?" My mom asked

"Yes mom" i answered

"Goodluck honey, were counting on you" nakangiting sabi ni dad

Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako kila mommy at kinuha ko narin yung susi ng kotse ko para umalis.

------------

Pagdating ko ng school nakasalubong ko si Pj na mukhang kakarating lang din

"Hi goodmorning, your so early huh" sabi nito sakin

"Yeh may practice eh" sabi ko dito at sumabay akong maglakad sa kanya

"Hmm so ikaw pala ang representative ng institute nyo" nakangiting sabi nito

"Yeh" matipid na sagot ko dito.

"Wala ba kayong class today?" Tanong ko dito dahil nalagpasan na namin yung daan patungo sa department nila.

"Meron, ihahatid na kita don sa may gym" nakangiting sambit nito

Pagdating namin sa gym wala pang tao napaaga siguro ako.

I Love You, GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon