Ano problema ni Jude?
"Tara" pag-aya ko kay Pj
"Busy yan Ace tayo tayo nalang" pagkontra naman ni Jude
"Nako wag na Ace parang ayaw ni Jude na kasama ako eh" nakangising sambit nito at tiningnan pa si Jude.Nakita ko pa ang masamang tingin ni Jude kaya tinaasan ko ito ng kilay ano ba problema nito.
"Okay lang naman diba?" Matigas na tanong ko kay Jude
"Let's go,Omyyyyyy Grill!" Excited na sabi ni Cj kaya napalingon kami
Pagdating namin sa samgyupsal malapit sa school naghanap nagagad kami ng vacant buti nalang at konti ang kumakain kaya nakakita na agad kami.
Si Jude na ang nakipagusap sa counter para sa aming order.
Ng dumating na ang aming order si Cj G na G sa pagmimix ng soju at beer.
Pinanunuod ko ang ginagawa ni Jude dahil seryosong seryosong binabalot nito ang grilled meat sa lettuce at nilagyan pa niya ng ssamjang yun ang dip sauce.
Inabutan na ako ni Jude ng ginawa niya at sinabayan ko ito ng pag-inom ng pinaghalong soju at beer.
Wow the best talaga ang beer at soju!
"Haba ng hairrrrlaloooo" sabi ni Cj habang tumatawa kaya napapalinggin ang ibang customer samin
"Huy yung bibig mo wala tayo sa bahay" pagbawal sa kanya ni Rein at tumahimik naman ito.
"Ace" sambit ni Jude/Pj
Kaya napalingon ako sa dalawa dahil sabay pa ito sa pagtawag at pareho pa silang may hawak ng ginawa nila at mukhang ibibigay sakin
"Ako na una Pre" sabi ni Jude kay Pj habang nakikipagtagisan ng sama ng tingin.
"Ako na ang mas nauna" seryosong sambit ni Pj.Kinuha ko nalang pareho at kinain baka magaway pa parang yun lang eh.
"Mag-sikain na nga kayo kaya ko naman sarili ko" sabi ko sa dalawa
"Dat kasi hindi muna sinama tong asungot na to eh" bulong ni Jude pero narinig ko naman dahil katabi ko lang ito.
"Ohh!Ohh! Tabi! Yung buhok naapakan niyo" nangaasar na sabi ni Cj habang hinahawi pa ako sa kinauupuan ko.
"Manahimik ka nga beks" sambit ni Rein dito buti pa itong lalabs ko tahimik lang
"Hanggang mamaya hindi ka tumigil isasaksak ko sayo itong bote sa bibig mo" seryosong sabi ko kay Cj
"Ayyy bet!" Tumatawang sambit nito habang pumapalakpak pa kaya napailing nalang ako.
Ilang oras pa ang nilaan namin bago namin mapagpasyahang umuwi.Si Pj na ang naghatid sa aking pauwi since pareho lang naman ang destination na aming uuwian.Pagkadiretso ko sa bahay ay naligo muna ako bago humiga dahil inaantok na din talaga ako.
-------
Late na ako papasok since second day of Intrams lang naman dahil wala naman masyadong gagawin.
I was wearing Org.Shirt and ripped jeans with my white pair of shoes.
Pagdating ko sa school ay mga nakatambay daw sa cafeteria ang mga kaibigan ko kaya dun na ako dumiretso pagkababa ko ng kotse.
BINABASA MO ANG
I Love You, Goodbye
Teen FictionMay pagkakataong susubukin tayo ng tadhana kung tayo talaga ay para sa isa't isa. Susuko ka ba? O kakapit ka sa relasyon niyong dalawa na walang kasiguraduhan Ikaw? Let see if they destiny with each other or not.