Chapter 04

7 1 0
                                    




Chapter 04



NILALAMIG na ako dahil naulanan ako kanina at napaka lakas pa ng simoy ng hangin na humahampas sa katawan ko. Hinubad ko muna ang aking jacket at piniga iyon at pinagpag para mabawasan ang tubig na nandito. Napahinto ako ng bigla nalamang tumingkad ang kulay na asul sa kwintas na aking suot na para bang may itinuturo itong isang dereksyon na nakatutok sa hagdan patungo sa itaas na bahagi ng building na ito.

Isinuot kong muli ang jacket ko at sinundan ang hagdan na tinuturo ng asul na liwanag na nang gagaling saaking kwintas na suot. Umibis ako ng akyat patungo sa itaas, nang makarating ako roon ay nag iba ang dereksyong itinuturo ng liwanag mula saaking kwintas.

Stock room. Ito ang itinuturo ng kwintas na nasa may tagong bahagi ng palapag na ito. Pinihit ko ang doorknob at bumukas naman ito, bubuksan ko na sana ang ilaw nang mag iba nanaman ang dereksyon ng asul na liwanag at ngayon ay nakatutok na ito sa isang painting na naruon. A painting with a night sky and dead people on the ground.

Lumapit ako para mas mapag masdan ang larawan. It's so dark, na para bang depress ang gumawa ng painting na ito. Kusang umangat ang kamay ko para hawakan ito—

"Kanina ka pa naming hinihintay Lady Avia" Mabilis ang naging kilos ko at agad na nag punta sa isang sulok na kahit na madilim ay paligid ay naka hagip parin ako ng isang pamalo.

"Sino ka?!" Hindi ko maiwasang matakot dahil bigla bigla nalang itong nagsasalita kung saan. Nasa dilim pa naman at tanging ang asul na liwanag lang na nanggagaling sa kwintas ko ang tanging tanglaw ko sa daan. Napa takip ako saaking mata ng biglang lumiwanag ang buong silid at tumambad ang isang naka ngising lalaki and even bowed at me.

Isa nanamang weirdong tao!

"Nagagalak akong Makita ka sa unang pagkakataon Lady Avia" His smile, it's genuine. Totoo ang mga ngiti nito. His sophisticated eyes, long lashes, thick eye brows, pointed nose, perfect shape red lips, and his perfect jaw. He's not so mascular but not to slim, sakto lag ang pangangatawan niya, at ang mas kapansin pansin ang weirdo nitong kasuotan. He's in all black, at para siyang isang kawal sa isang palasyo na mayroong isang reyna o hari. In short, he got the looks that any woman can drool.

May costume party ata siyang pupuntahan, napairap nalamang ako sa sariling inisip

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May costume party ata siyang pupuntahan, napairap nalamang ako sa sariling inisip. Tinawag niya akong 'Lady' na tawag rin saakin ng lalaking may kahel na mata at laman rin iyon ng mga sulat na natatanggap ko.

Kailangan ko na ng kasagutan sa mga tanong na naipon na sa isip ko, kundi tuluyan na akong mababaliw.

"Who are you?" Inipon ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako para kausapin at tanungin ang isang ito. "Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot kung saan? Kabuti ka ba? O elemento?" Nababaliw na nga siguro ako.

DemoiselleWhere stories live. Discover now