step one
Bumaba ako sa taxi nang makarating ako sa bahay. From the gate, I could see the shed roof. Dumaan ako sa gate at bumungad sa'kin ang kabubuoan ng isang malaking modernong bahay.
Simula nang kumuha na ako ng condo madalas lang ako umuuwi sa bahay namin. Broken family ako. Si mama nandon sa Canada, si papa dito lang sa Pilipinas, nagpapatakbo ng kompanya niya. My parents are still married in papers, at hanggang ngayon di parin natapos ang annulment.
Nang makapasok ako sa loob, nilapitan ako ng isang kasambahay. At aniya dumiretso na raw ako sa kusina. Pagdating ko doon, nagsimula nang kumain sina papa.
"You're late." sabi ni papa. Nakatingin lang ito sa kanyang pinggan.
"Sorry, may dinadaanan lang." pagdadahilan ko.
"Umupo kana, hija." utos naman ni tita.
Tumabi ako kay papa. Tahimik kaming lahat. Ganito ang nakasanayan ng mga tao rito sa bahay. Kapag nasa harap ng pagkain, sa pagkain lang ibigay ang buong atensyon. Pagkatapos ng haponan saka lang nag salita si papa.
"How's school going?" tanong ni papa. Umayos ako ng upo bago ko siya lingonin.
I smiled at him.
"Ayos naman, pa."
"That's what you told me years ago."
I looked away. Alam ko na saan to tutungo.
"Sinabi ko na sayo, you should take a course related to our business."
"Pa, I already told you. Hindi ako interesado diyan."
"Then finish your school this year. Hinayaan na kita sa gusto mo ngayon. Siguro naman tatanggapin mo na ang alok ko."
Huminga ako ng malalim at dumiin ang hawak sa baso. Kahit kailan hindi ko pinag-iisipan na hahawak ako ng isang companya. Mas gustohin ko nalang maging nurse, na gusto ni mama kaysa umupo sa pwestong gusto ni papa.
I felt heavy. My parents doesn't want me to become what i desire. Gusto nila sila ang masusunod. Kaya nga napunta ako sa kursong nursing, dahil yun ang gusto ni mama. Gusto niya pagkatapos kong mag-aral ng nursing, doon ako magtratrabaho sa Canada, kung saan nandon din ang kamag-anak naming mga doktor.
Ngunit wala sa plano ko mag trabaho doon.
My eyes lifted to the hand of the women in my front. Dumabi ito sa kamay ni papa. Palihim akong umirap.
"Honey, hayaan mo na ang anak mo. I'm sure Kristine will take good care of the company. She can do it alone. Right, anak?" aniya at tumingin sa tabi niya.
My eyes shifted to the women beside her. Tahimik lang ito nakikinig sa aming usapan. Tumango naman si Kristine at binalik ang tingin sa baso.
Tumingin ako kay papa upang makita ang reaksyon sa sinabi ng nobya niya.
Mukhang hindi ito naging kampante sa sinabi ni tita.
Tumingin si tita sa'kin at ngumiti.
"Take your time, Yra. I know you are not ready to handle our company"
Ngumiti ako pabalik sa kanya. My father own a toy company. Kahit gaano pa ito kalaki, at kahit malaki-laki ang kikitain ko, di ko parin magawang mag trabaho doon. Dahil hindi naman yan ang gusto ko.
Palihim akong huminga ng malalim. Tuwing nandito ako sa bahay yan lang ang bukang bibig ni papa, ang kompanya. Kailan man hindi ito naging interesado sa gusto ko. Kung tutuusin naman, sobrang layo nito sa gusto niya sa gusto ko.
YOU ARE READING
Steps Of Love
RomanceI put my arms on my hips. I brush my left feet to the right. 1. 2. 3. I used the tip of my toes to turn and move into right area. I dance, with hope, passion and love. Kasabay ng ritmo ng musika umikot-ikot ako. 4. 5. 6. Unti-unti akong huminto n...