Step two
Kinabukasan pumasok akong sabog sa klase dahil walang gaanong tulog. Ayaw talaga akong patahimikin ng utak ko kakaisip sa nangyari sa studio at sa Shameless.
Anong mukha ihaharap ko kay sir nito? Maybe I should say sorry. Or just pretend nothing happened, but that's rude!
"Ms. Suaro!"
I nearly jumped in shock when my professor called me. I almost forgot I'm sitting in the second row. Kitang kita niya sobrang layo ng tingin ko!
"Yes ma'am?" sabay tayo.
May tinanong siya tungkol sa lesson kahapon. Mabuti nalang may natutunan ako kaya nakasagot rin. Siguro kung hindi ako nakasagot pinaalis na niya ako sa klase niya ngayon.
Ayaw kasi akong patahimik ng utak ko! Nakakainis na, kagabi pa to. Mamaya kakausapin ko talaga si sir para hindi na ako mag-iisip ng ganto.
"Hoy beh." tawag ni Tanya sa akin.
"Ahh.. Bakit?"
"Tulala ka diyan?"
"Tulala ba? Hindi naman."
"Ow sige. Kainin mo na iyang pagkain mo. Parang nilalangaw na yan." sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa pagkain ko na hindi ko pa kailan ginagalaw. Nasa canteen kami ngayon kumakain ng tanghalian. Hindi gaano maingay rito kaya ginugulo naman ako ng utak.
Napalingon ako kay Tanya nang kinuhit niya ako.
"Bakit?" and I raised my brow at her.
Tinuro niya ang table na nasa likod ko.
Tumingin ako dun at nakita ko si Lance kumakain ng mag-isa. Umiwas agad ako ng tingin nang tumama ang tingin namin."Lapitan mo, dali!" She whispered.
"Para kang boba, bakit ko naman lalapitan yan, ha?"
"Nag-iisa lang, Yra. Kawawa naman." sabi nito.
"Ikaw nalang kaya lumapit, pakipot ka pa."
Nagdududa na ako nito. Baka may gusto siya sa lalaking to at gusto niya akong gawing tulay.
"Err. May bebe na ako, kaya ikaw na lumapit, hilaw ka naman these past few year-"
She stopped when I hit her on her forehead. She cursed me.
Tinignan ko siya ng masama.
"Anong bebe, ha? Di ko alam yan!"
Hindi ko naalala may kwenento siyang bagong boyfriend sa akin.
"Kahapon pa." at ngumiti pa ang bruha.
I pinched her.
"Aray! Nakailan ka na ha!" sigaw nito sa akin.
Umiling ako. Grabe parang dalawang linggo palang lumipas pagkatapos niyang makiag break sa past niya.
Nang tumunog ang bell naghiwalay na kami at pumasok sa kanyang kanyang klase.
I'm glad same kami ng oras ng klase. Ten A.M to three P. M. The next semester is nearly approaching and I'm hoping parehas kami ng oras, para naman may kasabay akong kumain.
Madaming pinapagawa sa amin at meron pang reporting. Sasabog na ang ulo ko sa dami, baka madagdagan pa to sa huling klase ko.
Minutes past and now I'm sitting besides Tanya in our last subject. Tahimik lang kami nakikinig ni Tanya.
"Okay clase, listen, I will group you now into ten, four preson per group."
Tanya and I drawled. Reporting na naman. At siya pa pipili sa magiging ka grupo namin. Sana lang swertehen ako at si Tanya magiging ka grupo ko.
YOU ARE READING
Steps Of Love
RomantikI put my arms on my hips. I brush my left feet to the right. 1. 2. 3. I used the tip of my toes to turn and move into right area. I dance, with hope, passion and love. Kasabay ng ritmo ng musika umikot-ikot ako. 4. 5. 6. Unti-unti akong huminto n...