Riiiiiiiiiiiiiiiiiing! Gising na! Tanghali na! Diba may pasok ka? Yan kasi gabi na kung matulog. Hindi ka ba nagiisip? First day of school pa naman ngayon tapos late ka? Hay naku! Sayang lang ang ginagastos ko saiyo! Ang mahal mahal pa naman ng tuition tapos malelate ka lang sa mga subjects mo at tatamad tamad kang pumasok sa eskwelahan mo? Naku! Kung ganyan ka parati Jewell wag ka nalang mag-aral.
Yan ang magaling kong nanay. Ang aga aga putak na ng putak. Ang sarap lagyan ng packing tape ang bibig para matahimik na! Haaaaaay! 5:30 am pa lang naman at 8:00 am pa ang klase ko. Nakakainis! Sayang pa ang 1 hour sleep ko.
Ako nga pala si Jewell Tolentino Garcia. 3rd year high school at nag-aaral sa De Lasalle University at honor student. Hindi ako maingay, ang tanging hilig ko lang ay magbasa ng mga libro. Hindi yung libro ng mga love story or something kundi yung mga libro na ayaw ng karamihan basahin. Hindi rin ako masyado nakikihalubilo sa aking mga kaklase maliban sa pinsan kong maingay na si Adelyn.
~~~SPEAKING OF ADELYN~~~
Hoy girl! Wala ka pa bang planong tumayo dyan sa malaprinsesa mong higaan. Sabat niya. Isa pa tong excited sa first day of school. If I know excited lang siya sa mga new at exchange students~~ mga lalaki.
Oo na! Heto na! Tatayo na oh! Happy?! Pasigaw na sabi ko.
Agad akong pumasok sa CR para maligo. After kong magbihis ng uniform ko, bumaba na ako para mag almusal.
Ma! Bakit wala pang kanin? Painis na tanong ko.
Anak, sabi ni Adelyn kailangan mo na mag diet para naman mapansin ka ng mga boys kahit papaano. Kaya yan mag tinapay kana lang muna.
Tinignan ko ng masama si Adelyn at nag peace sign naman ang bruha sakin. Haaaaaaaay! Mga tao nga naman! Mga baliw! Hindi ko sila naiintindihan. Kung mag diet ako pinapakain ako ng madami tas kung kailan gusto kong kumain ng madami tsaka naman ako ipapadiet. Ano ba talaga ang problema nila? Haaaaaaay!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Fan
Roman pour AdolescentsSi Jewell Garcia ay isang tahimik na babae, mainhin, walang pakialam sa buhay ng iba at lalong lalo na walang hilig sa mga boy bands. May pinsan siyang nangangalang Adelyn Salvador na sobrang hilig pumunta ng mga concerts ng isang sikat na Banda...