One.

28 3 0
                                    

-Alex

Dahil sikat at maganda ako ay hindi na ako nagtaka kung bakit ang daming sumalubong sa'king estudyante. Hello? Pagmamay ari kaya ng pamilya ko ang pinapasukan nilang school. Kaya dapat lang na kilala ako at ako ang pinaka maganda sa buong campus.

The hell i care sa mga naiinis? Hindi na bago sa'kin ang sabihang masama ang ugali. Edi sila ang mag adjust!

"Excuse me! Can you please get lost? You're blocking my hell way!" Sigaw ko sa babaeng nakaharang sa dinadaan ko.

"S-sorry.." Tumakbo na siya kung saan.

Gosh! Bago lang ba siya dito? Halos lahat ay natatakot at ginagalang ako. And this girl? Well mukha naman siyang takot pero wala siyang galang!

"Alex! Alex! Please notice me!"

Kumaway lang ako sa kaniya.

"Alex! Papicture naman oh! Idol kasi kita!"

"Alex! Idol na idol kita!"

Dapat lang noh? Isa kaya akong Rivera! Ang isa sa pinakakilalang apilyedo sa buong pilipinas.

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Nakakasawa sila! Halos araw araw nila 'yon ginagawa. Well okay lang naman basta wag nila akong hahawakan. Like ew.

"Ano bayan! Ang snob niya! Hindi kona siya idol!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko iyon. Dahan dahan akong lumingon. What? Did he said that?

"What did you say?" Sarcastic kong tanong.

"W-wala po, Idol Alex."

"Kinda plastic huh? I don't even know you so get lost."

Tinalikuran kona siya. Sa buong buhay ko siya lang ang nagsabing snob ako. I'm not in the mood! Kaya siya ang mag adjust!

Pumunta nalang ako room ko.

"Ms. Rivera! You're late!" Sigaw ni Mrs.Pia

Okay, here we go again. Kahit naman ang pamilya ko ang may ari ng school na 'to ay pantay lang ang tingin ng mga teacher sa'min. Kung ako ngalang ang masusunod ay hindi ako papayag na sigaw sigawan lang ako ng teacher na 'to. Like duh? Nasa teritoryo ko siya. Dapat nga ako 'tong ginagalang niya.

Isa siyang nerd teacher na masungit. Galit sa magaganda. Hindi ko alam bakit hate niya ako. Alam ko naman na naiinggit siya sa'kin. Well dapat lang, isa lang naman siyang nerd.

Dati pa man ay talagang wala na akong nakasundong teacher, I don't know kung sa kanila ba ang problema or sa 'kin. Tsk whatever.

"Psh, Shut up." Walang gana kong sagot sa kaniya.

Yes, Bastos ako at walang galang. Para sa'kin talent ko 'yon. Ano pa bang magagawa nila? Kahit ano pang ipaglaban nila, hindi nila mababago na may mas karapatan ako keysa sa kanila kahit ano pang posisyon nila sa buhay. 

Pinandilatan niya ako ng mata, natawa naman ako dahil malaki na nga mata niya, mas pinapalaki niya pa. Mukha siyang squirrel.

"Sit down!"

Tinarayan ko lang siya at umupo.

"Huy.. Anong nanyari sayo bakit ka late?" Bulong ni Jessa.

I sighed. Hindi ako tumingin sa kaniya pero ramdam kong nakatingin siya sa 'kin.

"I'm not in the mood."

"Nakita ko si–"

Hindi niya naituloy ang sasabihin ng magsimulang magturo si Mrs. Pia, Is she insane? Wala nga ako sa mood may balak pang magkwento. Hays.. Life.

At dahil wala ako sa mood ay hindi ako nakinig. Ano pa bang aasahan ko? Ang boring niya magturo! Ang bagal pa magsalita. Naturingan nga siyang nerd. Boring. Tsk

Tumalikod si Mrs. Pia at may kung anong inayos sa kaniyang laptop. As my expected, Nagsalita si Jessa.

"Uy, Alam mo ba. Nakita ko si james may kasamang babae." Bulong niya sa 'kin.

"What!?"

Ang lakas ng boses ko dahilan para mapalingon lahat sa'kin maging si Mrs. Pia, Ano bang pakialam ko? Tinignan ko sila ng masama na para bang bago ako at walang karapatang sumigaw. This people insane!!

Tumayo na ako at lumabas sa room, Narinig kopang tinawag ako ni Mrs. Pia pero hindi kona siya pinansin. Tsk, James is important than your lesson.

Si James ang boyfriend ko! Sikat din siya dahil sobrang gwapo niya, Mayaman din ang pamilya niya. Alam kong Babaero ang lalaking 'yon pero naiinis at nagseselos ako tuwing may kasama siyang ibang babae. Like wtf? Almost perfect na ako. Ano pa bang hinahanap niya sa ibang babae na wala ako? I hate him!

Hindi ko siya makita! Pumunta ako sa likod ng building kung saan kami madalas tumatambay.

Ha! Gotcha! Nahuli ko silang naghahalikan ng babae niyang.. panget! Psh ang panget!

Isa lang kasi ang hindi ko maibigay kay James ang halikan ako. Ayoko nga! Babaero siya malamang kung sino sinong babae ang nahahalikan niya. Ew. James is just an option to me. Naboboring lang ako and i just want to have fun sometimes. 

Naglakad ako papalapit at ngumiti, Nilagay ko pareho sa likod ang kamay ko at medyo tinabingi ang ulo. Yes, I'm fucking enjoying to watch them.
-_-

"I'm enjoying watching you guys." Sarcastic kong sabi.

Nagulat silang lumingon sa gawi ko. Ngumisi naman ako at pinagkrus ang dalawang braso. Tumingin ako sa kanila na para bang ang ganda ganda sa paningin ko ang ginagawa nila. Tsk kadiri..

"A-alex.." Sabay nilang tawag sa'kin.

"What?" Hindi sila sumagot. "Ugh! Okay! Continue! Whatever!" Sabay talikod.

Pinigilan ako ni James at doon talaga ako nainis pero hindi ko pinahalata. Wala gana ko siyang nilingon. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I'm sorry... Ayaw mo kasing hinahalikan kita, kaya sa iba ko nagawa."

Natatawa akong tumingin kung saan.
Wtf? Stupid reason! Ah yeah, Babaero nga pala, Tsk come on Alex.

Tumingin ako sa kaniya, Yung reaction ng mukha ay yung para bang ngayon niya lang naranasan magkasala. Hays.. Life.

"Whatever james." Sabi ko at Tinalikuran na sila.

Mag isang linggo na kami ni James. kaya hindi pa ganun kalala ang nararamdaman ko sa kaniya. Hell no! Hindi ako magmamahal sa isang babaero. Isa mga kinadidirian ko kay james ay mahilig siyang magdala ng babae sa hotel nila. Yuck, Obvious naman na may gagawin silang kababalaghan.

Kahit ganto ako hindi kailan pumasok sa isipan ko ang makipag one-night-stand kung kanino kanino. Like yuck? Nakaalan 'to sa mamahalin ko ng buong puso.

Habang naglalakad ako may nakita akong matandang babae. Nakasilip sa gate at nakatingin sa'kin? Omg! Creepy!

Nakabelo siyang itim at may tungkod na malaki. Ugh! How cheap. Alam kong manghihingi siya ng money kaya naman kinuha ko ang mini wallet ko sa bulsa at naglabas ng one thousand.

Nang makalapit ako ay tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, Nakakadiri.

"Here." Abot ko sa kaniya. Pero hindi pa din niya tinatanggap.

Sumama ang tingin niya sa'kin. What? Wag niyang sabihin na kulang 'to! Ugh! Get lost old lady!

Kumunot ang noo ko dahil may sinasabi siyang hindi ko maintindihan. Gosh she's sick.

»»——⍟——««

DON'T FORGET TO VOTE! SEE YOU NEXT CHAPTER! I LOVE YOU!

Enchanted WarmthWhere stories live. Discover now