Five.

15 1 0
                                    


Narrator's PoV

-Flashback-

Bata palang sina Prinsesa Tweddia at Prinsipe Allycxian ay lagi na silang magkakampi. Pero habang lumalaki sila ay nagbabago ang pakikitungo ni Tweddia sa kaniyang nakakatandang kapatid, Meroon itong kapangyarihan; Talino, Lakas, At isang makapangyarihang mahika. Naiinggit si Tweddia sa kapangyarihan na meroon ang kapatid, Hangad nito ay meroon din siya. Hanggang sa lumaki sila ay hindi na ni Tweddia ang makaramdam ng inggit. Agad siyang nagensayo, Araw-araw niyang ginagawa iyon, Ginagaya niya ang mga bawat kilos ng kapatid sa tuwing ito ay nageensayo. Humanga ang hari sa kaniya. (King Alledia) Binigyan siya nito ng kapangyarihan, Hindi nga lang gano'n kalakas katulad ng kay Prinsipe Allycxian. Mas lalong nakaramdam ng inggit si Tweddia. Bukod do'n ay sobrang sama ng loob niya.

"Ama, Nagbago ang pakikitungo sa 'kin ng aking kapatid." emosyonal na sabi ni Allycxian sa Ama. Tumikhim lang ang Hari at tumingin kay Tweddia na ngayon ay nageensayo sa hindi kalayuan. Humarap ang Hari sa kaniya at ngumiti.

"Kung maari sana ay protekhan mo ang iyong kapatid. Sinadya kong ibigay sayo ang pinakamalakas na kapangyarihan. Darating ang panahon na mangyayari ang sinasabi ko. Protekhan mo ang iyong kapatid. Ayokong umabot sa puntong magiging mas malakas siya keysa sayo, Ayokong matulad siya sa nangyari sa iyong Ina." Mas emosyonal na tugon ng Hari. Yumuko si Allycxian upang punusan ang tumulong luha. Hindi nito lubos akalain na magiging kasing lamig ng yelo ang pakikitungo sa kaniya ng kapatid.

"Pero Ama, Hindi kailangan dumating pa sa ganito. Bigyan mo ang kapatid ko ng kapangyarihan na meroon din ako."

Nangilid ang luha ng Hari.

"Ayokong matulad siya sa nangyari sa iyong Ina!" Pinagtaasan ng boses ng Hari si Allycxian. Napalingon si Tweddia sa gawi nila.

"Ano ang sinasabi ng Ama?" Bulong ni Tweddia habang nakatanaw sa kapatid at Ama.

Dumaan ang ilang araw ay unti unti ng nakakaramdam ng sakit ang Hari. Dala ng sobrang katandaan. Pero bago siya namayapa ay kinausap niya ang magkapatid harap ng maraming tao. Sa madaling salita ay may iaanunsiyo siya.

"Simula ngayon ang papalit sa aking pwesto ay aking anak na si Prinsipe Allycxian, Siya ang bagong uupo sa trono. Siya ang bagong maghahari sa kaharian ng Ravaryn." Naghiyawan ang mga tao. "Darating ang panahon na magkakaron ka ng Anak, Allycxian. Babae man o lalaki, nakatakda siyang maghari sa kaharian ng Ravaryn sapagkat iyon ang naaayon sa batas." Tumingin ang hari sa dalawang anak na ngayon ay parehong nakatungo. "Masasalin mo sa kaniya ang kapangyarihan mo, Kapangyarihan na wala ng mas hihigit pa sa lakas. "

Dahan-Dahang nag-angat ng tingin ang dalawa sa kaniya. Si Allycxian ay masaya habang ang kapatid ay sobrang dismayado.

"Paano naman ako, Ama?" Takhang tanong ni Tweddia. Bilang ama ay ayon ang pinakamasakit sa tinanong sa kaniya ng Anak na babae.

"Magiging.. Kanang kamay ka ng iyong kapatid. Wag ka mag-alala ibibigay ko sayo ang kapangyarihan na meroon ako ngayon." Sabi ng hari. Biglang nagbago ang reaksyon ni Tweddia. Nagmamayabang. dahil sinisiguro niyang mas magiging malakas siya keysa sa kapatid.

Lumipas ang ilang araw ay hindi nangyari ang sinabi ng Hari na bibigyan ng kapangyarihan si Tweddia. Sinadya niyang umimon ng nakakalasong alak para tuluyan ng mawala. Ang huling hiling niya ay sana maintindihan lahat ni Tweddia. Maintindihan niya sana kung bakit ginagawa ito ng Ama.

Few days Ago..

Nakangising tinanaw ni Tweddia ang kapatid na nakaupo sa trono. Nasa labas siya at nakatayo sa malaking bintana. May masamang balak siya dito.

Enchanted WarmthWhere stories live. Discover now