Better than Yesterday - Chapter 1

19 0 0
                                    

CHAPTER ONE

“Grabe! Kinikilig na naman ako sa romance novel na nabasa ko kagabi! Sana ako na lang yung bidang babae...” tila nangangarap na bulalas ni Kat kay Haru.

Araw ng Sabado  at wala silang klase ng araw na iyon. Nakagawian  na nilang tumambay sa Café Alberto kung wala din naman silang masyadong ginagawa na magkakaibian. Pagmamay-ari ng kaibigan nilang si Alouth  at ng kapatid nito ang naturang coffee shop.

      “Ayan ka na naman Kat. Kaya ka nababansagang hopeless romantic dahil sa kababasa mo ng mga romance novels na iyan.”,aniya.

  “Hay naku, Haru, nagka-boyfriend ka lang nakalimutan mo nang isa ka rin namang hopeless romantic tulad ko. And as far as my sharp mind could remember, halos ibuhos mo iyang precious time mo para sa first love mo noon.”

“Matagal na ‘yon.  It’s been a year Kat.  Nakamove-on na ako.”

“O, kayong dalawa diyan, huwag na kayong magtalo. Mabuti pa tikman ninyo na lang itong bago kong obra maestra.”

Sumimsim siya ng inuming ibinigay sa kanila ni Alouth. And as usual pasado sa kanyang panlasa ang ginawa nito.

“Wow!” bulalas ng ni Kat. “Ang sarap nito Ate Alouth! Anong tawag dito?”

“Café Alberto’s special mocha frappe.” ,nagniningning ang mga matang pahayag nito

“Bakit kaya hindi mo subukang mag tayo ng iba pang branch, ate? Kung lasa lang din naman ang pagbabasihan may laban naman kayo sa mga sikat na coffee shop diyan. Siguradong papatok ‘yon kahit saan.”

Narinig niyang tumunog ang maliit na bell na nakasabit sa pinto ng coffee shop na sadyang inilagay upang malaman kung mayroong pumasok doon.

Ngumiti sa kanila ang kaibigan. “Sige, I’ll think about it. Enjoy your coffee girls. Aasikasuhin ko muna itong customer ko.”

Iyon lamang at nakita na niya ulit itong abala sa pagkuha ng order ng bagong dating na customer. Hanga siya sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Maya-maya pa ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad na rumehistro ang ngiti sa kaniyang labi ng mabasa kung sino ang tumatawag.

“Hello hon, napatawag ka?” bungad niya sa kaniyang nobyo. “Miss mo na ako?”

Nagkibit balikat na lamang siya ng makitang tumirik ang mga mata ng kaniyang kaibigan na tila ba sinasabi nito na ,“Ang korni mo!”. Alam naman niyang maiintindihan din siya nito baling araw kapag nagka boyfriend na ito. Lahat naman yata ng naiin-love ay nagiging korni tulad niya.

Nakakatawang isipin na ang isang boyish na tulad niya ay may tinatagong ka-sweetan sa katawan. Dati kasi siyang walang bilib sa pag-ibig, base na rin sa kaniyang karanasan. Ang kwento ng kaniyang ina, nakilala nito ang kaniyang ama noon sa Japan ng minsang kumain ito sa restaurant na pinagttrabahuan ng kaniyang ina. Nain-love ang mga ito sa isa’t-isa. Niligawan nito ang kaniyang ina at ‘di naglaon ay nagpakasal. Nagsama ng anim na taon ang kaniyang mga magulang. Likas na yata sa kaniya ang pagiging mausisa. Kung kaya’t nang minsang makita niya ang bagong cellphone ng ama nang minsang naiwan nito iyon sa pagmamadaling pumasok sa trabaho, ay pinakialaman niya iyon. Nabasa niya ang mga messages sa inbox nito. Noon niya nalaman na may ibang babae ito.  Nasaktan siya noon para sa kaniyang ina. Anim na taon pa lamang siya noon, ngunit nauunawaan na ng kaniyang murang isipan ang mga nagyayari. Alam niya kung gaano kamahal ng kaniyang  ina ang kaniyang ama, kung kayat minabuti niyang itago na lang sa sarili ang natuklasan.

 Ngunit talaga nga yatang walang lihim ang hindi nabubunyag. Nang malaman ng kaniyang ina ang tungkol sa pambababae ng kaniyang ama, nasaksihan niya kung paano madurog ang puso nito at kung gaano kadaming luha ang nawala dito. Halos mapabayaan nito ang sarili dahil sa natuklasan. Simula ng araw na iyon ay ipinangako na niya sa kaniyang sarili na hinding hindi siya iibig. Iyon din ang dahilan kung bakit pinili niyang umasta na tila ba kabilang siya sa lahi ni Adan. Naisip niya na siya ang tatayong lalaki para protektahan ang kaniyang ina at ang kaniyang bunsong kapatid na babae.

Better than YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon