Prologue

2 0 0
                                    

PROLOGUE

ISA. isang hakbang papalayo sa kaniya
isang hakbang para malimutan na itong aking nadarama
ihinto na aking pagdudusa

DALAWA. dalawang oras kong inisip
bakit ba lagi nalang akong nakakapit?
sa lubid na madaling mapunit,
sa pag ibig na di ko naman makakamit.

TATLO. tatlong beses na tumulo
patak ng luha ko't di makakibo
natulala, ako'y nakahiga
nakabalot na kumot, pinunas sa luha

APAT.piliin ang karapat-dapat
ngunit ikaw talaga ang nakahawak
puso ko'y sayo nakaulat
ngunit oras na para tapusin ang lahat

LIMA. limang segundong ipipikit ang mata
ng di makita sakit na nadarama
tatabunan ng ngiting benaliwala
sapagkat alam kong masaya ka sa IBA.

mahal kita pero tama na
mahal kita ngunit ayuko na
mahal kita ngunit di yan ang mahalaga
sapagkat ang gusto ko'y masaya ka

masaya ka sa piling ng iba
kahit di ako ang dahilan ng yong mga tawa
sapagkat alam kong AKO ay di mahalaga
pero sana'y hiling ko'y lumigaya kana

di na pipilitin, di na uulitin
di na aasa sa di ko makuha
mahal kita ngunit magpapaalam na
sapagkat alam kong sa kaniyay nakatali kapa

Paano niya makakalimutan ang pag-ibig kung ang tadhana ang gumagawa ng paraan upang sila ay magtagpo. Ano ang kanyang gagawin upang makalimutan ang pag-ibig na kanyang inalay sa kanya. Malilimutan na ba niya ito ng tuluyan o susundin pa rin ang puso na siya pa rin ang tinitibok nito.

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon