Chapter Two

1 0 0
                                    

"ALEXIS CATALA! Kakasabi ko lang na tigilan mo ako, diba?!"

"Weh? Galit ka talaga? Patingin nga ng nagagalit?"

Di ko na napigilan ang aking tawa. Ang pangit talaga ng kuya ko ewan ko ba san to nagmana HAHAHA. Biglang nawala ang aling tawa nung may napansin akong nakasilip sa room ni kuya.

"Hoy!" sigaw ko sa lalaking sumisilip. Nak ng, tumakbo pa nga.

Takbo ako ng takbo, "Hoy bumalik ka rito!"
Ako ang napapagod nito jusko. Tumigil na rin ako sa kakatakbo at babalik nalang sa office nung napansin ko na parang nanghihina sya kaya agad na pinuntahan ko siya pero hindi pa ako nakakalapi, bigla syang nahimatay.

***

Sobrang kaba ang nararamdaman ko noong nakita kong bigla nalang bumagsak iyong lalaki. Tumawag ako ng mga taong tutulong saakin, mabuti nalang nasa hospital kami.

Nalaman ko na si Lee Yu pala ang doctor niya, buti nalang kakilala ko. Nalaman ko rin na isa siyang pasyente na may lumalalang sakit, naiinis ako
na naawa. Kung wala siguro siyang sakit sigurado ako na maganda ang buhay niya.

"Ano bang nangyari sa kanya Aly?"

"Ehh kasi tong lalaking to, nakikinig sa usapan namin ni kuya, kaya ayon, bigla nalang syang tumakbo nung nakitang nakita ko sya kaya hinabol ko naman sya tapos na tumba nalang sya ng biglaan"

"Bat mo naman pinatakbo eh alam mo namang may sakit yung tao"

"Aba alam ko ba na may sakit sya!? Siya yung pagalitan mo, siya yung may alam na may sakit sya tapos tatakbo tsk"

"Aish! Tulungan mo nalang akong ipasok to sa room nya"

Tumango nalang ako at tinulungan na lang si Lee. Hindi ko akalain na si Lee pala ang doctor ng supladong lalaki na to. Ang sarap talagang sakalin ng lalaking to pero syempre I'm a good girl and a good doctor kaya hindi ko gagawin yun.

"Mauna na ako Lee kasi may pasyente pa ako bukas ng umaga kaya I need a beauty rest"

"Tsk rest lang walang beauty"

"Shut up! Ewan ko sayo!" padabog kong sinara ang pintuan.

Hindi ko talaga alam kung bakit naging kaibigan ko yun. Makauwi na nga. Nakabadtrip tong araw na to.

Tinawagan ko na lang si kuya na uuwi na ako kasi kung pupunta pa ako sa room nya, mag aaway lang kami. So I immediately grab my phone and make a phone call.

["Sino ka ba hah!? Alam mo namang busy yung tao eh! Game over na ako sa ML. Tsk!"]

Aba tong mokong to may gana pang magalit.

"Akala ko ba nagpapahinga kana kuya!? Bat naglalaro ka pa hah!?"

["Ikaw pala to Aly. Anong sa atin?"]

"Plano ko sanang umuwi na pero nung narinig ko na naglalaro ka pa ng ML balak ko sanang bumalik dyan sa room mo at kunin yang cellphone mo!"

["Ito na nga ehh matutulog na. Umuwi ka na para makapagpahinga ka na. Bye Aly"]

"Hoy Kuya, sanda-------"

Aba pinatayan ako. Hayst! Makauwi na nga lang.

Pagod na pagod akong umuwi sa bahay. Mga apat yung inoperahan ko tapos may lalaki pang masungit at yung kuya kung matigas ang ulo, tsk!
Hayst! This day is so stressful. Mygash hindi ko alam kung bakit ako nagdoctor. Wala talagang free time pag isa ka nang doctor kasi anytime pwede kang tawagan ng hospital kung may emergency kaya dapat hindi nakasilent ang phone mo.

Dumiretso na muna ako sa kusina upang kumain kasi simula kanina, hindi pa ako nakakain. Nag decide ako na magluto na lamang ng cup noodles kasi tinatamad na akong magluto. Para hindi ako mainip dito sa bahay, kinuha ko na lang ang aking speaker at plinay yung BTS songs ko, kahit doctor na ako, hindi pa rin nawawala yung pagkafan girl ko. Forever Army ako ehh HAHAHA. Para akong tanga dito habang hinihintay ang noodles na maluto, sumasayaw ako dito.

Tapos na akong kumain. Dumiretso na ako sa aking kwarto at pumasok sa cr upang mag half bath.

Pagkatapos kung mag half bath ay dumiretso na ako sa aking kwarto at tsineck ang aking schedule para bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon