ODN-5

59 3 3
                                    

I was shocked to see his message. I was debating with myself if I should reply or not. But I didn't know what to say.

Nakailang bura na'ko nang kung anong sasabihin ko sakanya. I can't seem to find any decent words. Gusto kong sabihin na hindi naman big deal, I mean aksidente lang naman yung pag accept ko sakanya eh. Pero hindi ko na sasabihin yun at baka madisappoint ko pa siya. Baka isipin niya kung hindi ko ba aksidenteng na accept eh iaaccept ko ba yun na bukal sa loob ko.

Pero ano namang pakialam niya diba? As if naman maapektuhan siya nun. For sure kaya lang naman niya ako iadd sa facebook ay dahil sa sinabi ko sakanya nung lasing ako. At dahil nagkita kami uli, akala niya siguro obligasyon niya na iadd ako at maging friends kami sa social media.

I don't know what I'd say. I just opted to something safe.


Aya: you're welcome :)


I smiled. Nilagyan ko na nang smiley face para hindi naman masyadong cold. Pinatay ko na ang wifi ng phone ko at naghanda na para matulog. I know na weekend naman bukas kaya bakit ako matutulog ng maaga, pero mas gusto ko nang magpahinga nalang at wala naman na akong gagawin. Pagkatapos kong maghilamos, nahiga na ako at agad na nakatulog.


Kinabukasan, maaga akong nagising at bumaba para makapag hilamos. Naabutan ko si mama na nagluluto ng almusal. Natapos akong maghilamos at naupo para mag almusal. Mukhang natutulog pa si Amy at nakaalis na si papa. May pasok din kasi siya kahit sabado. Sabay kaming nag almusal ni mama.


"Kailan ang midterm exams mo nyan?" biglang tanong ni mama.


"A week from now po." sagot ko. Kinakabahan na nga ako dahil mayroon kaming mga oral exam kaya kailangan kong mag aral ng mabuti.


"Simula ngayon, mag aral ka na ha. Para hindi ka na nangangapa kapag exams week na. Kung may training kayo sa dance group, wag ka na munang umattend at mag aral ka nalang muna. Naiintindihan mo, Aya?" tumango ako.

Tama nga at may trainings kami this week at next week dahil after ng midterm exams ay may event ang school. Celebration ng college days kasi at magpeperform ang dance group namin sa mismong simula ng araw ng college days. Gusto ko sanang mag volunteer na sumama sa performance pero dahil sa sinabi ni mama, hindi ko nalang muna inisip yun.


"Alam mo naman na hindi ka namin pinag babawalan sa dance group na yan, pero ayoko lang na mawala ang focus mo at macompromise ang pag aaral mo para sa exams mo dahil lang may training o practice ka. May ibang pagkakataon naman siguro na makakasayaw ka hindi ba. Wag lang ngayon." natahimik nalang ako at tumango.


Actually, simula ng sumali ako sa dance group ng school last year, isang beses palang akong nakasali sa performamce ng group at yun ay foundation day last year. Around March yun kaya hindi narin kami masyadong busy.

Sinubukan ko rin sumali sa performance last year ng dance group para sa college days pero dahil freshman pa ako, mas pinrioritize nila ang mga graduating seniors para sa last performance nila. I was hoping that this year I might get to perform, but now I can't.


Natapos akong kumain at nagpaalam akong aakyat at may gagawin pa ako. Hinayaan nalang ako ni mama at siya na ang naglinis ng pinag kainan namin. Pag akyat ko, saktong paglabas ni Amy sa kwarto niya.


"Good morning." bati ko sakanya at hinalikan ang noo niya. Nginitian niya ako at bumaba na siya para kumain.


Pumasok na ako sa kwarto ko para ituloy ang midterm paper na sinimulan ko kahapon. I got my laptop and opened it. While waiting, I grabbed my phone on my side table. Binuksan ko ang wifi at hinintay ang mga notif na pumasok.

One Drunk NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon