ODN-17

27 0 0
                                    

"Sinasagot na kita Jake."

Natigilan siya. His body froze on the spot. Nanlaki din ang mga mata niya at kitang kita ko ang gulat sa mga ito. Unti unti niya akong hinarap at parang hindi parin siya makapaniwala sa sinabi ko.

"What did you just say?"

He sounded shocked. Hindi ko napigilan ang mangiti sa reaksyon niya. Halatang hindi niya talaga ineexpect. He looked so cute even when he's shocked. Hanggang kailan ba ako ma aamaze sa mga facial expressions niya? He's always good looking, ang unfair.

"Sinasagot na kita."

Napakurap kurap siya habang nakatingin saakin. Ngumiti ako ng malaki dahil mukhang nagsink in na sakanya ang sinabi ko. Agad niyang binaba ang hawak niyang pagkain at tumayo.

Ngayon ako naman ang nagulat sa ginawa niya. Nagtatatalon siya sa harap ko habang sumisigaw ng "Yes! Sinasagot niya na ko! Yes! Girlfriend ko na si Aya! Whooo!"

Pinagtitinginan na siya ng mga tao kaya naman todo saway na ako sakanya. Nakakahiya pero hindi ko mapigilan ang matuwa sa reaksyon niya.

"Jake tama na yan. Maupo ka na dito."

Patuloy ako sa pagsaway sakanya pero patuloy lang siya sa pagtalon at pagsigaw. Nang mapagod na siya ay nilapitan niya ako. Agad niya akong niyakap ng mahigpit. Nagulat nanaman ako dahil hindi ko ineexpect yun. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

"You have no idea how happy I am right now, Aya. Thank you so much."

I smiled at him. Ako din Jake, masayang masaya ako ngayon. This is the first time I felt this kind of happiness. And I'm so thankful that it's with you.

Hindi naman nagbago ang routine namin kahit na kami na. Nagkikita parin kami pagkatapos ng classes at sabay na nagaaral. Considered narin naman naming date yun. Minsan ay kakain kami sa plaza o maglalakad lakad lang while talking about a lot of things.


But we had to separate because of Christmas break. First Christmas namin together pero since secret palang ang relationship namin, hindi kami makapagcelebrate ng magkasama. Naintindihan naman niya at hindi naman siya nagreklamo. Sinabi niya lang na babawi kami ng celebration kapag nagresume na ang classes.

Today is the 24th at mamayang gabi na ang noche buena. Tumutulong ako kay mama sa paghahanda ng mga ihahanda namin mamaya. Kaonti lang naman ang gagawin namin dahil apat lang naman kami dito.


I was really in a good mood while trying to cook carbonara. Ako ang nakatoka dito, request kasi ito ni Amy. Nakangiti ako habang nagluluto. Hindi ko napansin na tinitignan pala ako ni mama.

"Ang ganda ng ngiti mo ah."

Agad na napawi an ngiti sa mukha ko. Ayokong mahalata niya na may kakaiba doon. Sinubukan kong ngumiti uli ng maliit. Medyo kinabahan ako.

"Masaya lang po Ma. Pasko eh."

Nagkibit balikat si mama at nagpatuloy sa ginagawa. Muntik na yun ah. Kailangan ko talagang iwasan ang pagpapakita ng kaligayan ko. Ayokong mahalata ni mama. Kakaiba pa man din ang kutob ng mga ina tungkol sa mga ganitong bagay.


Dumating narin si papa pagpatak ng alas onse ng gabi. Nagpalit lang siya ng damit at nagtipon tipon na kami sa hapag. Nagdasal kami at nagbatian ng 'Merry Christmas'. Kumain kami habang nagkukwentuhan. Wala akong naramdamang tensyon, lahat kami ay magaan ang loob. Hindi ko alam kung dahil ba pasko ngayon o dahil talagang maayos sila pero ayos lang. As long as everything is okay, I'm happy. This is enough.

One Drunk NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon