ODN-3

69 4 0
                                    

Kinalabit ako ni Carla nang umalis si Josh sa harap ko kaya natigil ako sa pagkakatulala. Niyaya na nila akong bumaba para pumuntang canteen at makakain na kami. Naupo kami sa isang pang apatang lamesa. Nasa harap ko si Sammy at katabi ko naman si Carla.

Nauna na muna silang bumili ng pagkain habang nagbabantay ako ng mga gamit namin. Punuan ang canteen dahil break time din ng mga ibang estudyante, kaya naupo na muna kami.


Habang nakaupo ako at naghihintay kila Sammy at Carla, unti unti ko nang naalala lahat ng nangyari noong biyernes ng gabi. Hindi ko mapigilang mahiya sa lahat ng inisip at sinabi ko. Nakakainis naman bakit ba ang daldal ko nun. Sino naman kaya yung lalaking yun? Nasan na siya? Hahanapin ko ba? Ano?! At bakit ko naman hahanapin?! Kung ano ano nalang talaga naiisip ko, hindi naman ako ganito.


Nakita ko ng palapit sila Carla kaya naman tumayo nako at pumila sa isang stall para umorder ng pagkain. Pinili kong kumain ng may kanin na para hanggang mamaya ay may laman ang tyan ko. Sunod sunod na ang klase namin hanggang 4pm. Pagka kuha ko ng order ko bumalik na ako sa upuan namin.


Pagkaupo ko palang sunod sunod na ang pang uusisa ng dalawa sakin.


"So may name ng ang  guy natin ah."

"Jake pala ah."

"Hanapin natin? Alam mo ba surname?"

"Baka dito siya nag aaral, tingin mo?"


Sinimangutan ko sila at inirapan. Ano ba naman 'tong dalawang 'to. Parang nagsisisi na'kong sinabi ko pa sakanila. Baka hindi ako titigilan hangga't hindi nakilala yung lalaking yun.


"Ano ba kayo. Hindi ko hahanapin yun okay? Okay na yung one time na nagkita kami, hindi ko na dapat siya hanapin." pamimilit ko. Sana naman tigilan na nila ang kakakulit sakin.


"Ano ka ba naman. Malay mo lovelife na'to." napangiwi ako sa sinabi ni Sammy.


"Ayoko. Hindi ko kailangan ng lovelife ngayon." naiimagine ko na ang magiging reaksyon ni mama kapag nalaman niya na may iniisip akong ganun. I can't afford any distractions right now.


"Bakit naman? It's fun." kumento ni Carla.


"Pass." umiling ako sakanila at kumain nalang. Nagpatuloy sila sa pag iimagine paano kapag nagkalovelife ako at hindi ko nalang sila pinansin.


Natapos kaming kumain at umakyat na sa susunod naming klase. Patuloy parin sila sa pag uusap tungkol sa topic kanina. Ayaw talagang sukuan eh. Dapat ata hindi ko nalang talaga kinwento. Nakarating na kami sa room namin at naupo na. Isang major subject ang class namin ngayon kaya naman nagbukas nalang ako ng notes at nagbasa.


Pumasok na ang prof namin kaya natahimik narin ang room at nagsimula na ang discussion. Nagpa surprise quiz pa yung prof namin kaya naman madami ang umangal. Buti nalang at nagbasa ako ng notes ko kaya naman may nasagot ako kahit papano. Natapos din ang klase pero dahil same room nalang naman ang next class namin, nanatili nalang kami sa pwesto namin.


"So ano na? Alam mo ba surname?" pangungulit nanaman ni Sammy.


"Sinabi ko nang hindi ko nga hahanapin diba." sinamaan ko nanaman siya ng tingin at tinawanan niya lang ako.


"Oo nga. Hindi naman ikaw eh, kami nalang ni Carla ang maghahanap." sabay kindat niya pa sa'kin. Aba at mukhang aagawan pa'ko ah. Teka, ano namang paki ko kung kunin niya, hindi naman siya sa'kin.


Inirapan ko nalang siya at natahimik nalang dahil pumasok na ang last prof namin for today. Discussion uli kaya nag notes ako. Iba talaga kapag nagnonotes ako habang nagdidiscuss, nakakatulong sa'kin kapag sinusulat ko kasi mas naalala ko.

One Drunk NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon