Prologue

119 9 3
                                    

Bata pa lang ako, Lagi nang sinasabi sa akin ng aking ina ang katagang "If the time comes and you finally fall in love with someone, do not give your all, save some for yourself because if you fail to do that and get hurt in the end, you might lose not only him but also yourself." At a very young age, I did not know what she meant by that, I do not have a little idea why she said that but I still nodded in response.

"Tori, never beg for love. Let them beg for yours" Mama said.

Idolo ko si mama, lahat nang sinasabi niya, para iyong batas para sa akin. Isuot mo ito, gawin mo yan, mag-aral ka nito. I did not mind all of that because I enjoyed all of it. Sanay akong mag-adjust para sa maraming tao, na dapat si kuya muna o ang bunso ko muna, panghuli na ako dahil ano man ang piliin nila ay magiging okay lang sakin, ano man ang matira sakin ay okay lang din dahil una pa lang naman, wala na talaga akong gusto.

Akala ko ay normal ang lahat ng iyon hanggang sa nahirapan na akong makipag-kaibigan, makisalamuha at humanap ng mga bagay na interesante para sa akin.

Ang hirap makipagkaibigan, they expect too much from me, madalas kong madinig ang mga salitang, "ipakilala mo ako sa kuya mo," "dapat suportahan mo ako," "Kaibigan kita, kaya dapat ako ang kampihan mo"

Ang hirap makisalamuha, they are soffucating me. I'm not too fond of the crowd, I hate being the center of their attention, I wouldn't say I like noises, and I'm not too fond of their warm greetings and plastic smiles.

Ang hirap humanap ng mga interesting na bagay, nasubukan ko na lahat, pakiramadam ko ayaw ko na ng lahat ng nakikita ko, ballet? I tried it. Theater? I did well on that one. Sports? Done with it. Ang lahat ng iyon ay hindi ko gusto. Wala naman kasi akong gusto sa mga bagay na iyon, una pa lang. Lahat ng ginagawa ko, lahat iyon gusto lang ni mama na gawin ko.

May isa lang akong gusto, pagmamahal. Hindi ko nga lang makuha. Akala ko, kapag pinagsikapan ko, kapag ginawa ko lahat ng makakaya ko, makukuha ko iyon, kaso hindi. Malabo... at mahirap. Paulit-ulit kong inisip kung saan ako nagkamali, dahil ba hindi ko sinunod si mama? Dahil ba mali ako ng desisyon at tama siya?

Magtira raw ako para sa sarili ko kapag nagmahal ako sabi ni mama, pero hindi niya sinabing mahirap pa lang makuha ang pagmamahal. Mahirap din sukuan. I enjoy the windburn so much to stay but not enough to let go. Hindi niya sinabing para iyong bagyo na kahit anong paghahanda ang gawin mo, maaapektuhan ka pa rin, may mawawala at may masisira pa rin sayo. Wala iyon sa mga payo niya. 


My life must be so boring, I want to forgive myself for being mean to myself and for not letting her enjoy her life to the fullest. I am nearly lost but was taken by the jolt of excitement. Before I knew it I was in the middle of Whirlwind, lost and taken over by the excitement it gave.  Every moment of it is an adventure. My feelings are real, the newfound adventures, and building new memories are like a maze.

I'm not too fond of chaotic things but if I choose again, I still want to be in that whirlwind. I wanted to get lost in its wind. 

"Anong meron? Bakit bigla kang uuwi? Ilang pasko at bagong taon na ang dumaan, hindi mo naman naisipang umuwi" mariin ang titig ni Eros sakin.

"Wala, boring na rito sa states, magbabakasyon muna ako sa Pilipinas" umiwas ako ng tingin at nilagay ang camera ko sa maleta.

"Akala mo maniniwala ako? Wala kang maloloko dito. Ano uuwi ka dahil may nabalitaan ka tungkol sa kanya?" Umupo siya sa kama, sa tabi ng maleta ko at tiningnan ang mga nilagay ko na doon, binuklat niya pa ang iba.

"Ano ba? 'Wag mong guluhin!" inalis ko ang kamay niya doon.

"Ang pangit mo mag-ayos ng maleta mo, pero bakit ka nga uuwi? Huwag mo akong bigyan ng sagot na dahil boring ka lang" kinuha ko ang t-shirt na limang taon na atang nasa akin. Nilagay ko iyon sa maleta ko, pinagmasdan ni Eros 'yon kaya tinapos ko na ang pag-iimpake.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Whirlwind Destiny (Insulae Corde Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon