Lie

29 6 0
                                    

"So, alam mo kapag may nagsisinungaling sa'yo?"

"Oo nga, paulit-ulit?" pag-sagot ko kay Lucas habang nakatingin pa rin sa libro ko.

Lucas has been my boyfriend for years, he is also my bestfriend.

"Wow, paano 'yun? Paano mo nalalaman kapag may nagsisinungaling sa 'yo?" pag-usisa naman niya sa akin.

Ibinababa ko na ang libro ko at itinuon ang atensyon ko sa kaniya. Hindi na rin naman ako makakapag-concentrate sa ginagawa niya.

"I don't know, nararamdaman ko na lang kapag may nagsisinungaling sa akin," pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin ang way ko para hindi nila iyon maiwasan.

"Anu ba yan," pagmamaktol niya na nagpangiti sa akin.

"Edi paano 'yun? Anong ginagawa o sinasabi mo kapag nalaman mong nagsisinungaling sila sa 'yo?" pag-usisa na naman niya na nagpa-iling sa akin.

Kinuha ko ang libro ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Alam ko kapag may nagsisinungaling sa akin."

"Huh?" Takang sambit niya sa akin.

"Ayan ang mga sinasabi ko sa mga taong nagsisinungaling sa akin," pag-papaliwanag ko.

"Ahhhh," may patango-tango niya pang sambit.

Tumayo na siya mula sa pagakaka-upo at nagpaalam sa akin.

"Aalis na pala ako, hinihintay na ako ni mama," sabi niya bago humalik sa pisngi ko.

"I love you," sabi niya pa sa akin bago umalis.

Tumingin ako sa likod niyang lumalayo sa akin.

"Alam ko kapag may nagsisinungaling sa akin."

Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon