Love myself

11 2 0
                                    

"Let's break up."

Agad nangunot ang noo ko at napalingon sa babaeng nasa tabi ko ngayon dahil sa mga salitang kaniyang binitawan.

"A-Anong b-bang sinasabi mo, huh?" nauutal kong saad sa kaniya.

Napabuntong-hininga siya bago lumingon sa'kin. Hinawakan niya ang mga kamay ko bago ako tinitignan sa aking mga mata. "Look, I really want to love you and keep this relationship going but..."

"But? What? Ano ang pumipigil sa 'yo? Sabihin mo sa 'kin, para maayos ko," desperado kong saad habang pinipisil ang mga kamay niya.

Nasa park kami ngayon, nakaupo sa isang bench. Tinawagan niya ako, at sinabing may gusto siyang pag-usapan. Iniwan ko pa nga ang mga gawain ko sa bahay at ang thesis na ginagawa ko para lang mapuntahan siya, pero ito pala ang maabutan ko. Sana pala sinabi ko na lang sa kaniyang busy ako at hindi ako makakapunta kung ganito pala.

Binawi niya ang parehas niyang kamay at tumingin ulit sa kaniyang harapan. Yumuko pa siya ng ilang sandali bago ulit tumingin sa'kin.

Kitang-kita ko sa mga mata niya ang mga nangingilid na luha. Ang mga luhang kaniyang pinipilit na pigilan. Kitang-kita ko rin kung paano sa nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon.

"But, I mean, look at you! Look at yourself! Do you think I can love you if you're like that?!"

Agad akong natigilan at nagulat dahil sa biglaan niyang pagtaas ng boses. At mas nagulat ako dahil sa mga salitang nabitawan niya.

Umuwang pa ang labi ko at naghahanap ng salitang pwedeng bitawan pero kahit isa hindi ako makahanap, kaya isinara ko na lang ito at tumingin sa harapan.

Habang dinadama ang sarap ng simoy ng hangin, at nagpapalit ang kulay ng langit dahil sa papagabi na, do'n ko napagtanto. Napagtanto kung ano ang gusto niya sabihin.

Oo nga naman, tama nga naman siya. Bakit niya mamahalin ang isang tulad ko.

Yumuko ako para tingnan ang damit ko at do'n ko nakita ang luma kong hoodie na hindi ko na matandaan kung kailan ko pa nabili. Nakita ko rin ang sweatpants kong gray na may butas pa sa bandang tuhod ko. At ang huli, ay ang tsinelas na nabili ko lang sa palengke. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na itong napigtal at kung ilang beses ko na rin itong inayos, para mapakinabangan pa.

Inalis ko ang kamay ko sa bulsa ko at hinigit pataas ang sleeves ng hoodie ko papunta sa aking siko. At do'n ko nakita ang kung gaano kagaspang at kaitim ang kutis ko.

Ibinababa ko ang sleeves ko at inilabas cellphone ko bago ito ipinunta sa front cam. At do'n ko nakita kung gaano ka-oily, kung gaano ka-itim, kung gaano pinupuno ng tigyawat ang mukha ko. In short, kung gaano ako kapangit.

Naalala ko rin kung paano puro palakol ang nasa report card ko.

At habang napagtanto ang mga bagay-bagay, naramdaman ko kung paano uminit ang gilid ng mga mata ko. Isang senyales na, nangingilid na naman ang mga luha ko.

Ibinalik ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ng hoodie ko at yumuko. At do'n na bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang hindi tumulo. Kinagat ko pa ang labi ko para hindi gumawa ng ingay.

"I'm so sorry, but I really can't love you if you're like this," rinig kong saad niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

"No, huwag kang humingi ng sorry. Tama ka naman, eh. Sino nga naman ang magmamahal sa isang tulad ko? Huwag kang mag-sorry, naiintindihan kita," saad ko habang sinisinok pa dahil sa kakaiyak ko.

"H-huh?" rinig kong sambit niya pero hindi ko ito pinansin at tinuloy pa ang pagsasalita.

"Alam kong bobo ako. Alam ko ring mahirap lang ako. Alam ko ring—"

"—what are you talking about?—"

"—panget ako. Kaya sino ba namang magmamahal sa'kin—"

"AKO!"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagsigaw niya.

"That's not what I'm talking about, okay?"

Agad nangunot ang noo ko dahil sa mga naririnig. Umurong na rin ang luha ko dahil sa pagkagulo.

Nilingon niya ako at do'n ko nakita ang pag-iyak niya. "Nung sinabi kong 'look at yourself', I'm talking about looking at yourself deeply. Look within you, Sky!"

Hindi na ako nagsalita at hinayaan siyang magsalita.

"I love you, Sky. I really do, but I'm scared. Natatakot ako na baka hindi mo talaga ako mahal at, infatuation lang 'yang nararamdaman mo."

Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "No! Mahal na mahal kita, Rain! Mahal na mahal kita. Ano ba 'yang—"

"Then prove me wrong!" asik niya dahilan kung bakit hindi ko natuloy ang sasabihin.

"Lahat ng bagay nagsisimula sa sarili natin, Sky. And if you can't love yourself, then paano mo ako mamahalin?"

"Yes, I admit. Hindi ko mahal ang sarili ko pero mahal talaga kita, Rain. So please, don't leave me," saad ko at akmang hahawakan ang kamay niya pero iniwas niya ito.

"Maybe. Maybe you're right. Maybe you love me. But, you don't know how to love me properly. I'm doing this for the both of us, Sky. I'm doing this for you. For you, to stop hurting yourself. For you, to stop doubting yourself. For you, to stop thinking you're not worth it. For you, to have a reason to choose to help yourself; to love yourself. I'm tired of seeing you being insecure whenever you look at me. I'm tired of seeing you, letting yourself to drown in many insecurities in your head. I'm tired of it, Sky."

Napayuko naman ako sa mga sinabi niya at hindi namamalayang umiiyak na pala.

"And I'm doing this for myself. Because, I know I deserve more than this. I deserve to be loved properly. And it's because I know I'm worth it."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I know, this is easier to say than doing it. And you might be thinking that I don't understand you and I know nothing. But, trust me, I also have my own insecurities. I also have my own doubts. I also have times that I'm having mental breakdowns. And that's okay. I mean, sa society na meron tayo, it's easy to hate ourselves. But, it doesn't mean magpapatalo tayo sa mga insecurities na meron tayo. We need to fight it, kasi sarili lang din natin ang masasaktan kapag nagpatalo tayo."

Napaangat naman ang tingin ko sa kaniya.

"So, plase fight. Love yourself. Lahat tayo, may sari-sariling laban, so please fight yours. You're handsome, Sky. But you can't see it. You're rich in your own way, but you don't know how to cherish it. Your skin is beautiful, you should be proud of it. You're talented and smart on your own way but you can't see it. Why? Because you don't love yourself. You can't see the things I see to you, Sky. And I want you to see it."

Lumapit siya sa'kin at pinilit na tingnan ang mga mata ko.

"I'm proud of you. So, be proud of yourself. I love you. So, please love yourself."

Then, she gives me a peck of kiss before she turns her back to me— leaving me. Leaving me, in tears.

As I wiped my tears, some memories are flashing to my mind. Memories of me, spending my money na nakuha ko sa part time job ko sa mga kapatid and the rest, ibinibigay ko na sa mga magulang ko. Yeah, I have the money to spend para mabili ang ilan sa mga luho ko pero pinipili kong ibigay lahat 'yon sa pamilya ko.

Memories of me, getting stressed out because of my schoolworks. I'm stressed out dahil sa pinili kong course ay hindi ko gusto. Pinili ko ito dahil sa ito ang gusto ng magulang ko.

Memories of me, having sleepless nights because I always cry. Crying because of my problems. Crying because of my insecurities. Having mental breakdowns.

As I think of it, I never do something for myself. I never do something that's making me happy. I'm not confident about myself. I'm never proud of myself, even though my parents, friends and my girlfriend are proud of me. I never love myself, or should I say I forgot to love myself.

Tumingin ako sa kalangitan at do'n ko nakitang madilim na. Tumingin ako sa direksyon kung saan umalis si Rain.

Maybe, she's right.

Tumayo ako at naglakad na pauwi na may tatlong salita ang nasa isip.

Love yourself, Sky.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon