Believe

16 4 0
                                    

"Are you writing again?"

"Yes," pag-sagot ko kay Ellaine habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa sinusulat ko.

"Rain," pagtawag niya ulit sa'kin.

"Hmmm," tugon ko na lang bilang pagsagot.

"Ano kukunin mong course sa college?" she asked.

With that, napatigil ako sa pagsusulat.

"I really haven't thought about it," I answered.

Agad naman napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Huh?! Grade 12 na tayo Rain! Next year, college na tayo!" singhal niya sa 'kin na isinasawalang bahala ko lang.

Nagkibit-balikat lang ako.

"Maybe, BS psychology will do," I said at bumalik sa pagsusulat.

"So, you want to be a psychologist?" she asked.

Agad naman akong umiling.

"Nah, I want to be a successful writer," I said na agad namang nagpakunot ng noo ni Ellaine.

"Then, why take BS psychology?" she asked.

"I heard, it will help me to become a better writer. Also, madali lang ako makakahanap ng trabaho kung ayon ang kukunin ko," I said, not taking off my eyes sa sinusulat ko.

"You really want to be a writer, huh?" nakangisi niyang tanong.

"Well, yeah. It's my passion," I simply said.

"Paano kung hindi ka magiging successful diyan? Paano kung you will just remained underrated?" she asked na nagpatigil sa' kin.

This time, she caught my attention. Tinigil ko ang pagsusulat ko at tumingin sa kaniya.

"I will succeed," madiin kong sambit.

"Eh, paano nga kung hindi? You have so many competitors in that field! The chance of failing is bigger than the chance of succeeding!" she exclaimed.

I sighed.

Bumalik na lang ako sa pagsusulat ko.

Anong magagawa ko? She's right. Alam ko namang nag-aalala lang siya para sa 'kin kaya nasasabi niya 'yan, pero ang sakit pa rin. Truth hurts talaga.

I sighed again, bago nagsalita ulit.

"Sometimes, you just need to believe. Even though you know it yourself, it's quite impossible and the journey is really hard. So that you can comfort yourself from the harsh truth of reality, and gotta stay positive."

Flash FictionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon