Ako nga pala si Ansherina Romano, dalawampu't dalawang taong gulang, ito ang kwento ko at AngBOYFRIEND KONG BADUY...
Nag simula ang lahat noong High School ako, simple lang naman kong babae, sabi nila maganda daw ako, sexy, matalino at mabait kaya naman marami din akong friends sa school namin dahil na din sa hindi naman ako snob, sabi din nila famous daw ako well sila nagsabi nun sa akin naman kasi masaya ako kapag marami akong friends. Well anu naman ang type ko sa mga lalaki?
Gwapo? - Check
Smart? - Check
Matangkad? - Check
Mabait? - Check
Friendly? - Check
Pero ooooooooppppsss, real talk tayo guys! meron pa bang ganito sa panahon ngayon?! hey malalaman mo yung iba, mabait pero di naman gwapo, matalino pero arogante naman pala, tapos ung iba akala mo lalaki super pogi nga naman kasi tapos yun pala Gosh! parehas pala kayo ng tipo hahaha, may pusong mamon pala.. haaaaayyyy... makakameet pa kaya ako ng ganito ngayon? hmmm i think so, pero nagbago ang lahat ng nakilala ko si "Jhun" Matthew Juan Madlansakay...
Exact opposite siya ng almost lahat ng qualities na hanap ko sa isang guy.. except for being nerd este smart pala (porke di pogi nerd kaagad?) ouch naman! hahaha.. at yung pagiging mabait niya. Naging friends kami since High School, ung ayos niya? Its a MAJOR MAJOR NO NO!!! hati ung hair sa gitna, sobrang kapal ng eyeglasses (pero kung wala siyang eyeglasses ganda ng eyes niya) hahaha.. pati yung pananamit niya?! wew nabuhay ata siya sa panahon ni Elvis Presley! Floral na Polo, at Bell Bottom na Pants..
Pero ang hindi ko alam, sa sobrang pagiging close namin, mahuhulog pala ang loob ko sa kanya at mamahalin ko siya kahit na siya ay isang BADUY...
First day ng klase namin sa High School, nagmamadali ako kasi malapit na magstart yung unang subject namin, nakakainis naman kasi ang hirap gumising napuyat kasi ako kagabi kakapanood ng Anime haaaayy adik talaga kasi ako sa Anime ehh.. kaya eto tiis ganda kailangan kong magamadali ngayon para hindi malate.. Mabuti na lang at hindi naman ako masyadong nahirapan sa paghahanap, pagdating ko sa classroom, wala pa yung teacher namin, swerte ko naman ata ngayon! hahaha well this is a good start! sana magtuloy-tuloy...
Pagpasok ko sa classroom, marami ng mga estudyante kanya-kanyang kumpulan sila marahil yung iba ay magkakakilala na since Grade School at parehas sila ng pinasukan noong nag-High School sila at yung iba naman ay bagong magkakakilala pa lang, pero may isang nakaagaw ng atensyon ko sa bandang dulo kasi, doon ang may pinaka-maraming kumpulan ng mga estudyante, so lumapit ako doon para maki-usyoso. Narinig kong may kausap yung isang guy na lalaki din.
"Pre, san ka bang panahon nabuhay?"
"Ha bakit ano ba problema sa suot ko?"
Sabay na nagtawanan lahat ng mga nakiki-usyoso doon maliban sa akin.
"Pre, yung suot mo kasi damit pa yan noong panahon ni kopong-kopong ehh! hahahaha"
"Wala naman siguro masama sa suot ko pre, dito kasi ako kumportable ehh, hindi kasi ako sanay sa mga ganyang kasuotan niyo ngayon pasensya na, sabay tayo ng lalaki para umalis."
Hahabulin pa sana siya ng lalaki pero pinigilan ko na..
"Pabayaan niyo siya! Hindi naman kayo pinakikielaman ng tao"
"Aba sino tong intruder na to ha? bakit ka umeepal ehh di ka naman kasali dito?!"
"Aba bastos ka ding lalaki ka no? wala kang sinasanto pati babae ehh inaaway mo diyan na nga kayong lahat!"
Hinabol ko yung guy na nagmamadaling umalis, naawa kasi ako, lahat naman kasi pinagkakaisahan siya, sa totoo naman kasi kakaiba talaga siyang manamit, doon ako nagkaroon ng urge para mas lalo ko siyang makilala sinundan ko siya hanggang makarating ang lalaki sa rooftop ng school kung saan walang mga estudyanteng namamalagi doon. Narinig ko siya na sumisigaw at nagwawala..