P.M. Guanzon Street

12 1 0
                                    

Maikling impormasyon tungkol sa lugar

Ang kahabaan ng Paz Mendoza Guanzon ay matatagpuan distrito ng Paco hanggang Pandacan, Lungsod ng Maynila. Ang setting ng kwento ay sa distrito ng Pandacan.
Ito ay ipinangalan kay Maria Paz Mendoza Guanzon, ang kaunaunahang babae na nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas.

Nakaalis na ako sa isang building na eskwelahan ko "dati". Pagkatapos ang halos apat na oras na nakapila para lang makuha ang graduation pictures ko. Habang nasa pila ko kina-usap ako ng isang kaklase ko. Sinabihan nila ako patungkol sa pag-aapply sa Licensure Exam na matatapos sa huling linggo ng Hulyo.

Pagkasakay ko ng sasakyan pauwi sa amin. Hawak ang cellphone ko at nagpapa-appointment sa isang office nila. Dahil nahuli na ako mag-apply, wala na akong slot sa Main Office at isang mall sa Ermita. Wala na ring slot sa pinakamalapit na office nila sa Novaliches. Kakascroll ko, doon ko nakita na meron pang slot doon sa isang mall sa Pandacan, "Otis". Pamilyar naman ako sa lugar ng "Pandacan" subalit, hindi ko pa ito napupuntahan. Alam ko rin kung paano makapunta doon, subalit hindi ko naman alam kung saan matatagpuan ang mall na ito. Kaya kung meron akong panahon na makapunta ulit ng Maynila maliban sa Sabado at Linggong review ko, pupuntahan ko ito.

Noong kinaha ko ang mga records ko sa eskwelahan kung saan ako nagtapos, nagpunta ako sa lugar kung saan ako nagpa-appointment. Bago ako pumunta doon, kumain muna ako dahil naramdaman ko na ang pagkalam ng tiyan ko. Pagkatapos kong kumain sa loob ng mall, sumakay na ako ng bus na papuntang Pandacan. Natatakot akong nalumagpas kaya maliban sa madalas na pagtingin sa bintana, madalas rin akong nagtatanong sa konductor.

Akala ko naman mahirap makapunta rito, pero hindi naman pala. Diretso na pala ito akala ko maglalakad pa ako ng maglalakad pa ako ng malayo para makita ko ito. Bumaba na ako sa bus noong narinig ko na ang pagtawag ng konduktor sa mga baba ng "Otis". Noong una, akala ko "Otis" talaga ang pangalan ng kalsada na ito. Nagbago lang ito noong nakita ko sa "Paz Mendoza Guanzon" ang pangalan. Pumasok na ako sa loob ng mall. Nagtanong ako sa guwardya kung nasaan ang PRC Office rito. Halos madali lang palang ikutin ito. Dalawang palapag lang pala ito at sobrang liit lang. Kaya madali ko lang nahanap ang opisina nila. Pagkatapos nun ay lumabas na ako rito at nagdesisyon ng umalis rito.

Hindi ko alam ngayon alam kung paano makakaalis rito sa lugar na ito. Hindi ko rin alam kung babalik ba ako doon sa pinanggalian ko o pupunta ako sa ibang lugar.

Mashadong mahal ang tricycle, kaya tumawid na lang ako sa kabila upang maghintay ng bus pabalik ng City Hall. Pero hindi iyun ang nangyari. Nakakita ako ng jeep papuntang Paco. Kaya sumakay na ako, baka sakaling dumaan ito ng Taft Avenue.

Hindi ko na naman alam ang mga lugar na dinadaan namin ngayon. Hindi ko alam kung saan kami patungo nito, hindi ko kasi pamilyar ang lugar na ito. Ngayon ko lang nakita ito. Huminto ang jeep sa may panaderya rito. Dahil ngayon palang naman ako nagpadpad rito, hindi ko na alam ngayon kung saan pupunta. Kaya, naglakad na lang ako. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ngunit pagkaraan ng ilang lakad, nakarating na ako sa kanto ng Pedro Gil. Doon na ako nakakita ng jeep na patungong Taft Avenue. Kaya sumakay na ako rito.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na ako rito at sumakay ng sasakyan papauwi sa amin.

Nangyari ulit sa akin ito noong dumating na ang araw appointment ko. Pakiramdam ko, hindi ko pa rin alam kung paano makakalabas ng Pandacan.

Inisip ko kung merong kaugnayan ito sa mga nangyayari sa buhay ko. Doon ko naisip na, hindi pa pala ako nagkakapagdesisyon sa kung ano ba talaga ang gusto kong gawin pagkatapos kong magtapos ng kolehiyo. Hindi ako sigurado kung ano ba talaga gusto kong gawin sa buhay ko, kung diretso na ako sa graduate school o magtatrabaho na ako. Hindi rin ako sigurado kung gusto kong i-practice ang propesyon ko. Para gusto ko rin kasi magtrabaho sa ibang propesyon na kahit papaano kakayanin ng kursong natapos o ipagpatuloy na magsulat.

Nawawalan ko ng direksyon sa buhay ko, kung ano ang gagawin ko pagkatapos ng lahat.

Source for the road description:

https://kahimyang.com/kauswagan/articles/1701/today-in-philippine-history-may-10-1884-maria-paz-mendoza-guazon-was-born-in-pandacan-manila

Google Maps App

Feelings Avenue (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon