Isang ordinayong Sabado ng Pebrero. Marami akong kinakailangang gawin sa school. Pero imbis na gawin ang mga ito, mas pinili kong takasan ang mga ito. Naligo na ako at mabilis na nag-ayos ng sarili. Gumayak sa bahay at nagtungo sa lugar na pinangako kong buwan-buwan pupunta ako. Subalit, hindi ko nagagawa dahil sa kakulangan ng pera. Habang nasa bus na sobrang lakas ng aircon, inaalala ko ang unang beses na napunta ako sa lugar na iyun.
Dalawang taon ang nakararaan. Pinapapunta kami ng propesor namin sa mga museo; una sa Pambansang Museo na malapit lang sa amin at sa isang pang museo na mapipili namin. Karamihan ng mga kaklase ko sa nagtungo sa mga museo na malapit sa eskwelahan namin. Subalit, naisip ko na rin mashadong malayo mga pupuntahan nila kung saan ako umuuwi tuwing Sabado. Kaya naisip kong maghanap sa malapit sa amin, bandang Quezon City lang. Tutal malawak naman itong lungsod na ito, makakahanap naman ako ng museong maaring kong puntahan.
Matapos ang ilang minutong paghahanap sa internet, nakita ko ang isang museo na matatagpuan sa Diliman. Nagulat ako sa murang entrance fee nila, kaya nagdesisyon na rin akong pumunta doon. Isa pa, marami raw kainan sa loob ng campus at higit sa lahat malapit lang sa Maginhawa, pagkatapos pwede akong kumain bago umuwi.
Makalipas ang dalawang oras na pagupo, nakarating na ako ng Philcoa. Mabilis na akong bumaba sa bus at tumawin sa kabila sa overpass na ubod na taas. Habang nasa overpass, palaisipan pa rin sa akin na sa kabila na "Sabado" ngayon, ang tagal ng byahe ko na iyun. Pagkadating sa kabila, nagpunta na ako sa mga sakayan papuntang UP Campus. Ilang saglit lang, nakarating na ako sa aking destinasyon: Ang Vargas Museum.
Pagpasok ko, nagbayad muna ako at iniwan ang mga gamit sa lobby. Doon kinalimutan ko na muna ang mga problema ko sa buhay at nagpakasaya.
Tulad noong pumunta ako rito, dalawang taon ang nakaraan, marami akong nakitang mga artworks, painting, drawing, at iba pang koleksyon ng sining. Napapanuod rin ako ng mga maiikling pelikula na sa unang pagkakataon ay makikita ko. Karamihan sa mga ito ay isyu ng kasalukuyan. Pagdating ko sa ikatlong palapag ng gusali, nakatira ako ng mga video na nagpapakita ng ganda ng kalikasan. Ang pinakamaganda ay ang mga habing tela na nakalatag sa sahig.
Dalawang oras ang nakalipas, dumiretso ako sa café na nasa harap lang nito. Bumili lang ako ng paborito kong "cappucino" rito. Sinamahan ko na rin ng tinapay na binili po bago pumunta rito. Habang umiinom ng kape, pinagmamasdan ko ang magandang tanawin mula sa kahabaan ng Roxas Avenue at pinakikiramdaman ang simoy ng hangin na bibihira ko lang maramdaman. Nagsusulat rin ako sa notebook na dala ko, mga nararamdaman ko at kung anu-ano pang bagay na hindi ko nasasabi sa taong malapit sa akin.
Natawa lang ako dahil sa sobrang sabik kong matapos na ang lahat, bigla na lang akong nagsulat ng tungkol sa kinabukasan ko. Kung ano ang gagawin ko "sana" kapag natapos na ito. "Balang araw, mag-aaral rin ako rito."
Naglakad na ako saglit mula sa museo papuntang Sunken Garden. Nakita na maraming mga tao ngayon ang nagtatambay at mga athleta na nageensayo. Nagmuni-muni lang muna ako, naglakad-lakad saglit. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Basta maglalakad lang ako hanggang sa makarating doon. Hindi ko namalayan nakarating na ako sa kabila.
Doon ay sumakay na lang ako ng jeep papaalis dito sa campus. Hindi ko na rin naisipan na kumain pa. Sobra akong nagliwaliw at nagpakasaya sa araw na ito. Naging masaya ang naman ang mga oras na nandito ako. Dahil ilang saglit na lang lalabas na ako sa lugar na ito.
At dito na natapos ang mga magandang panaginip at oras magising sa katotohanan at bumalik sa mga kinakailangan kong gawin.
Source
for the picture: owned by the writer
BINABASA MO ANG
Feelings Avenue (COMPLETED)
No FicciónSampung lugar na bagamat hindi buhay at nakararamdam. Sa kabila nito, nasaksihan nito ang mga nangyayari sa araw-araw na buhay ng isang tao. Ang mga nangyayari rito ay tumatak sa isipan na natin. Sa tuwing naririnig ang mga lugar na ito, naalala nat...