"Ikaw yun?" Mahinang bulong ko
"Sige ako na ang bahala sa kakainin mo baka mamaya umiyak ka pa dyan e" pangaasar nya pa
Kaya pala pamilyar sya saken! Antangaaa! Nakakahiya ampota. Kausapin ko nalang, di pwedeng malaman nila Drei na umiyak ako sa school at paniguradong magagalit yun.
"Woy oo nga pala ano bagang magiging product naten?" Agad na tanong ni Drei pagkagaling nila sa counter. Sumunod kase si Drei sa counter para sa mga pahabol na order. Nagsusuggest sila ng iba't ibang product nung dumating si Dk
"Psst! Favor naman, wag mong sabihin kila Drei na nakita mokong naiyak sa school ha?" Tumingin sya sakin at tinaasan ako ng kilay
"Ha?" Tanong nya ng may painosenteng mukha
"Sabi ko kung pwede wag mong sabihin kila Drei na nakita mok---"
"Hatdog" agad na pambabara nya sakin. Tanginang to kala ko matinong kausap.
"Araaay! Ano ba yang kamay mo bakal?" Agad na reklamo nya ng hampasin ko sya. Pinanlakihan ko lang sya ng mata na ikinatawa nya, naknamputcha.
"Aalis na ba kame? Masyado kayong sweet dyan aba baka ibig nyo munang makinig ng meeting?" Sabi ni Sam sa mapangasar na tono. Si Sam yung kasama ni Dk kanina.
"Wag kana magselos baby, mas iniibeg kita gilew ko" pambabara ni Dk na kinatawa nila
"Mabalik sa pinagmeetingan payag naman kayong dalawa diba?" Alanganin akong tumango sa tanong ni Drei, teka ano bang pinagmeetingan? Patay ako nito.
"Edi bumili na tayo ng gamet ngayon? Para mabilis matapos?" Tanong pa ni Nicca na sinangayunan naman ng lahat
Inassign nila saken ang pamimili ng mga gagamiten. Paintings with a cost pala ang gagawin namen at dahil alam nilang nagppaint ako ay ako ang bahala sa product at sila sa proposal at iba pa
Kasama ko dapat si Drei pamimili ng gagamitin ngayon pero dahil may dumating na mga kaibigan nya ay nagpaiwan muna sya dun at si Dk na ang pinasama sakin.
Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa loob ng national bookstore, dun na namin planong bumile ng canvas at iba pang kailangan.
Napahinto ako nung makita ko sila Justine at Ericka na magkahawak ang kamay papasok din sa bookstore, nauuna sila samen. Anlalandi nampota
"Sa iba nalang tayo bumile" sabi ko at tumalikod na
"Bat ka iiwas? Ikaw ba may kasalanan?"
"Ako nalang muna ang tignan mo" Sambit nya pa at hinigit ako papasok at kung minamalas ka nga naman oh. Nakapwesto sila sa kung nasaan ang mga gamit sa painting
Naagaw namin ang pansin ng dalawa. Hindi ko sila tinapunan ng pansin at nagpahatak nalang kay Dk
"Eat me again babe. Let me pleasure you again more than you deserve" malanding wika ni Ericka na halatang ipinaririnig samen. Hindi na nahiya, sobrang kati na yata ng kapukihan kaya wala ng pinipiling lugar pati sa loob ng mall ay gustong magpakain. Sus. Pasakan ko sya ng ampalaya dyan e
Tangenanng kolokoy to kalibugan ang pinapairal. Ramdam ko na ang pagtulo ng luha ko kaya medyo tumagilid ako para magpunas ng luha ng di nila napapansin
"Would you like something Aspen? I know you're into arts and I've saw your paintings and they are all masterpiece" napatingin ako kay Dk sa sinabi nya, nginitian nya ako at kinuha na ang mga kailangan namen para sa product at pinaglalagay sa dala nyang basket na hindi ko alam kung san nya nakuha
BINABASA MO ANG
Will you be my Destiny?
RomanceGusto ko lang namang makalimot sa mga sakit na nararamdaman ko. Gusto kong makabangon sa pagkakalugmok, gusto kong maka move-on at ayoko na atang magmahal ulit pero... Mas lumala ang lahat ng dumating ka. Mas nasaktan ako, mas nalugmok at mas lalong...