"I dare you to..." hindi na natuloy ang sinasabi ni diks dahil nalaglag na sa upuan si Charles Samiel dahil sa kalasingan

"I-I'm p-payn, di yako lasheng" wika pa nito habang nakaturo sa kawalan nung tulungan sya ni diks para makatayo

"Mabuti pa dito na kayo magpalipas ng gabi" suggestion pa ni drei na agad inilingan ni diks

"Hindi na, may pasok pa bukas" wika nya tapos lingon saken " hatid ko na din kayo"

Umiling ako bilang sagot

"Dito sila natutulog pag nagiinom kame" sabat ni drei at bumaling saken

"Hahatid ko na yung dalawa sa kwarto, ikaw na maghatid sa kanla sa labas" tumango pa ito kay diks bago puntahan ang dalawa

Katahimikan ang bumalot saaming dalawa kaya minabuti ko nalang na lumapit sakanila. Tumulong nalang ako sa pag-alalay kay Charles hanggang sa maisakay sa kotse. Takteng to ambigat pala, iinom inom di naman pala kaya ang sarile. Hay nako gilew!

"You owe me one" nagulat ako sa biglaang umimik sa harap ko, kabute ba to? kung saan saan sumusulpot e.

"Pardon?" Kala mo ikaw lang marunong magenglish a? Sus talo ka saken madepaker

"Dare. You owe me one dare" napatitig ako sa kanya, seryoso ang kinis naman nito. Mas makinis pa saken e.

"What do you want me to do?" Takang tanong ko, okay sana kung ililibre ko lang sya ng pagkaen mukha naman syang di matakaw kaya swerte ako pag nagkataon

"Still undecided, I'll let you know" sagot nya na nakatitig parin saken. Ano baga? Gandang ganda baga saken? Sus kapal ng mukha ko taena. Lasing na ata ako

"Ingat kayo"sabi ko nalang na tinanguan nya bago pumasok sa kotse. Bumusina pa sya ng isa bago pinaharurot ang kotse paalis.

Pumasok nako sa loob nung diko na matanaw ang sasakyan ni diks at nakasalubong ko pa ang kasambahay nila drei na dala dala ang mga ginamit namin sa inuman kanina.

Dumiretso ako sa kwarto at naabutan kong inaayos ni drei ang higa nung dalawa sa kanya kanyang kama.

"Naka alis na sila Dk?" Tumango nalang ako bilang sagot bago pumasok sa banyo para maligo

May mga damit na din kame dito kase madalas naman talaga kame dito, kumbaga dito kame tumatakbo pag problemado o pag sadyang bored na bored na.

Solong anak si Drei at di nya kilala ang papa nya at ang sabe nya wala syang planong kilalanin ang taong ayaw sakanila. Si tita na din kase ang nagsabe na i-occupy namen ang ibang kwarto dito, gusto nya pa nga tig-iisa kaming tatlo tumanggi lang kame kaya ang ginawa ni drei ay pinabutas ang pagitan nung dalawang kwarto para mas lumaki daw ang kwarto naming tatlo. May tig-iisang double size na kama at mga tukador at tv den. May sari-sarili din kaming susi ng bahay para pag ayaw naming umuwe sa kanya kanyang bahay ay pwede kaming dito na mamalagi.

Nadatnan kong nakaupo si Drei sa kama ko at halatang inaantay ako

"Bat di kapa natutulog? May pasok bukas a?" Tanong ko. Kinuha ko yung suklay sa table at naupo sa kama.

"Ako na" kinuha nya ang suklay at sya ang nagsuklay sakin. Alam kong may gusto itong itanong o sabihin. Sa aming apat ako pinaka close kay drei. Close kaming lahat pero si drei kase talaga ang nauna kong naging kaibigan bago sila nica at aya

"Alam kong may sasabihin ka drei, sabihin mo na. Di ka naman siguro nakabuntis kase wala ka namang jowa"  pang aasar ko pa na ikinatawa nya at nambatok pa si luko.

Will you be my Destiny?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon