Same Feeling

304 15 5
                                    

A/N: Have fun and enjoy reading!

• • •

#EJSecondChapter

Monterella Anne's POV

Kakarating ko lang sa bahay at nadaanan ko si Kuya na nakasalampak sa sofa at lugmok na lugmok ang itsura.

Hmm, I wonder what happened.

"Anyare sayo, Kuya? Luging-lugi tayo ah?" Pang-aasar ko sa kanya pero ngumiwi lang siya.

"Wala to." Tipid na sagot niya.

Brrr! Ang lamig! Nasa North Pole ba kami?

"Ang cold ah? Bukas ba yung aircon?"

Umirap lang siya. "Magbihis ka na roon at kumain."

Sa halip na sumunod ay umupo as sa single-seater sofa malapit sa kanya. "Ano nga? Tingnan mo yang mukha mo oh," Itinuro ko ang mukha niya. "Para kang pinag-sakluban ng langit ay lupa!" Prangkang sabi ko sa kanya.

"I saw her." Simple lamang ang sagot niya pero agad akong napangiti!

"Yieeee talaga? Edi masaya!" Masigla kong sabi. Walang nagbago sa reaksyon niya kaya nalito ako. "Alam mo Kuya Austie, medyo magulo ka. You've been wanting to see her for years, and now that you did, sobrang lungkot mo pa rin. Ano ba talaga?"

He looked at me with those sad eyes. "Someone else makes her smile now.." Nalaglag ang ngiting kanina'y nasa labi ko.

Ano raw? There's someone else?

"May boyfriend?" Paninigurado ko. Umiling lang siya.

Ano ba talaga ha? Ang gulo naman netong Kuya ko!

"I don't know."

"Eh hindi ka naman pala sigurado eh!" Pinagkrus ko ang mga braso at sumandal sa sofa.

"She was with Lucas kanina." Bumuntong-hininga siya.

Omg, the Lucas guy na may gusto kay Ate Clamclam?

"Kung sino man yang iniisip mo, siya nga." Walang ganang sabi ni Kuya.

Manghuhula na siya ngayon?

"Malay mo, friends lang sila?" Nagbabaka-sakaling tanong ko, sinusubukang pagaanin ang loob niya.

Umiling siya ng ilang beses. "I doubt that. Noon pa man, may gusto na si Lucas kay C-Clam. He has the opportunity to make a move for more than two years. Sinong hindi magga-grab ng chance na yon diba?" Paliwanag niya.

Tumahimik ako ng sandali, nag-iisip ng isasagot, ngunit sadya talagang wala akong alam sa ganito kaya tumayo na lang ako at yumakap sa kanya.






Chloe Amallia's POV

"Oh, you're back!" Masiglang salubong ni Raine sa'kin matapos kong pumasok sa opisina niya.

She's the Vice President of my company. That's the job I offered her because I know that she's capable of doing it. Gaya ng sabi ko noon, matalino ang buong barkada namin. That's partly the reason why SQWAC ang name ng group namin. Wit and Charm Squad, remember?

"Alam kong maganda ako so please stop staring at my face." Natatawang sabi pa niya.

Ngumiwi ako at naupo sa sofang narito. "The event was nice." Panimula ko.

Everlasting Journey [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now