A/N: Hi. I'm sorry to those na na-disappoint nung hindi na natuloy ang story na ito. The truth is, ilang taon ko na ring hindi nabubuksan ang account na ito, and nakapagmove-on na rin ako sa fangirling phase ko, which is why natigil itong story. Naisipan ko lang bigla buksan ito ngayon, and since may nakita akong draft for Chapter 6, I decided to publish it. I can't promise anything, but I might still continue this in the coming days. If you are reading this, thank you. I appreciate you.
Have fun and enjoy reading!
• • •
#EJSixthChapter
Austin Elijah's POV
Shock was written all over her face! Nawala ang kaninang pagtataray sa postura niya dahil napaayos siya ng tayo. Si Clam ang isa sa mga kilala kong hindi talaga magaling magtago ng emosyon. Talagang kung anong nararamdaman niya, yung ang maririnig mo mula sa bibig niya at makikita mula sa kilos niya.
Gustong-gusto kong tumawa! Masyado kasi siyang obvious! Kinagat ko na lang ang sariling labi para mapigilan dahil paniguradong lalo siyang mag-iinit ang ulo.
Sa gilid ng paningin ko ay kitang-kita ko ang pagtalikod ni Montie nang bahagya, saka siya humagikhik ng mahina! Sa may likuran naman ni Clam ay naroon si Raine na bagaman gusto ring humagalpak na sa pagtawa ay hindi magawa sapagkat totoong hindi maganda ang mood ng kaniyang bestfriend.
"O-Of course not!" Pagtanggi niya! Kumibot-kibot pa ang labi niya, na parang may gusto siyang idugtong pero hindi niya magawa.
"Really?" Nang-aasar kong tanong.
"Uh duh?" Mukhang naka-recover na siya sa pagkagulat kaya nakuha na niyang magtaray muli. "Mukha ba talagang mamimiss kita?"
Nagkibit-balikat ako. "Okay then." Umakbay na ako ulit sa kapatid kong parating nakangiti. "Get your things, Montie. I'll just pick you up later, okay?" Naglakad na kami papalapit sa sasakyan ko.
"Sure Kuya! Pero baka.. busy ka sa work?" Bagaman ramdam ang excitement niya ay nandun ang pag-aalinlangan. Natawa ako, napaka-cute.
"Well, marami naman talaga akong ginagawa, pero syempre, priority kita." Kinuha ko ang bag niya sa upuan at iniabot sa kanya. "I'll see you later, hmm?"
"Okay Kuya!" Umakbay uli siya sakin habang pabalik kami sa pwesto nina Clam.
"Oh, pakialagaan ang kapatid ko ah?" Nakangiti muling sabi ko.
"Wag mo akong utusa—"
"..Raine." Dugtong ko na lalong kinaiyamot ni Clam. Tiningnan ko siya, "Oh? Sinisimangot mo dyan?" Nagtataka kunwaring sambit ko.
"Bastos ka!"
"Luh? Hahaha. Kung ako bastos, ikaw, assuming ka." Sagot ko kaya halos umusok ang ilong niya sa pagkabwisit!
Narinig ko rin ang mahinang tawa ng dalawa pa naming kasama kaya lalong nagsalubong ang kilay niya.
"Okay, sorry na—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla siyang pumikit ng mariin at huminga ng napakalalim, mukhang pinapakalma ang sarili.
Pagmulat niya ay nakangiti na siya sa akin, "If you have nothing else to do or nothing of sense to say, you may leave." Ngumiti siyang muli at tumalikod. Nasaksihan pa ng mga mata ko ang pag-irap niya nang talikuran niya ako.
YOU ARE READING
Everlasting Journey [SLOW UPDATE]
FanfictionBook 2 of Unexpected Love. "Ikaw ang nagparamdam sa akin ng tunay na ligaya, ngunit ikaw rin ang naging dahilan ng araw-araw kong pagluha." This story mainly focuses on making wise choices, creating smart decisions, and giving second chances. The lo...