Didn't See That Coming

317 15 7
                                    

A/N: Have fun and enjoy reading!

• • •


#EJThirdChapter

Chloe Amallia's POV

He's probably moved on already.

Walang ibang laman ang isip ko kundi yung natuklasan ko kanina sa restaurant. I don't know why, but it really feels weird. Habang pinapanood ko sila, parang biglang nagflashback sa harapan ko yung mga moments namin dati, nung panahong sa'kin niya lang ginagawa ang gannong bagay.

I wouldn't say I'm jealous, like duh! Bakit naman ako magseselos diba? Sinaktan niya ako noon, masama siyang tao.

Nagpatuloy lang ako sa pag-iisip. Narito ako ngayon sa garden ng bahay ko, specifically sa wooden swing, kung saan...well, kung saan siya nakipagbreak sakin. Ewan ko ba kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para maupo rito. Siguro, mas okay na ako ngayon kumpara noon.

Although, never na ulit ako tumingin sa baba kapag dito ako nakaupo. I guess natrauma ako. I feel like kapag yumuko ako, makikita ko yung scene kung saan lumuhod siya, humihingi ng tawad dahil kailangan niyang makipagbreak sakin. It still hurts so much everytime I remember that night. Our day was so perfect; never did I imagine na yung araw na masayang-masaya ako ay ang araw na pinaka-isusumpa ko. It hurts so bad, na kahit alam kong mahal ko pa siya, parang hindi ko na kayang sumugal pang muli.

Eto na naman, haha. Umiiyak na naman ako dahil sa kaniya. Parang dati lang, kinikilig ako ng ganitong oras dahil magkausap kami or magkatext, pero ngayon, wala na akong ibang ginawa kung hindi umiyak.

Pinunasan ko na ang mga luhang nasa pisngi at pumasok na sa loob ng bahay. Uminom lang ako ng isang basong tubig at umakyat na sa kwarto ko.

I opened my phone and saw 3 messages.

From Lucas:
Hi Clam! Nakauwi ka na?
6:38 pm

From Lucas:
I hope you're safe. Call you later:))
7:01 pm

From Lucas:
Please reply once you see this message.
7:09 pm

Napasimangot ako. Walang-wala ako sa mood makipag-usap sa kanya. I honestly don't love him, pero he is able to make me happy at times kaya ok na rin.

From Clam:
I'm home. Please don't call, I'm not feeling well.
7:26 pm

After replying, pinatay ko na ang phone at humiga sa kama. Wala pang ilang minuto ay nagvibrate iyon kaya in-on ko ulit.

From Lucas:
Pagaling ka, hindi ka pwedeng magkasakit kasi papakasalan pa kita.
7:28 pm

Napangiwi ako. Ang corny!

Hindi ko na siya nireplayan. As if naman papayag akong pakasalan niya ako! Hindi ko nakikita ang future ko kasama siya. Actually, hindi ko nakikita ang future ko kasama ng kahit na sino.

Papatayin ko na sana ang cellphone nang tumunog ito ulit. Inis ko itong tiningnan, pero agad na ang-iba ang reaksyon ko nang makitang nagtext si Torri.

From Torri:
Baks! Available ka tom night? Tara pumarty!
7:29 pm

Available ba ako bukas? Hmm, wala naman akong gagawin. Teka..

From Clam:
Kasama ba si ano?
7:29 pm

From Torri:
Hindi, girls night out. Bakit? Gusto mo isama? Hahahaha.
7:30 pm

Everlasting Journey [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now