* * * * *"Nabuo kami sa banyo." Sabi ni Marco, sa harap ng kanilang fans, sa taas ng stage nila na may malaking screen sa likuran kung saan panay ang play ng kanilang throwback videos.
Nagtawanan ang mga tao sa sinabi ng bassist. Kaya naman ay sumabat na rin ang kilalang matalino at drummer sa grupo na si Seph.
"Totoo yan kaya nga Banyo Bros kami." Natatawang sabi niya, habang nakatingin kay Marco.
Biglang nagsigawan ang mga tao nang bumwelta ang electric guitar ni Troy at ang pagsigaw ni Everlast sa unang bahagi ng liriko ng isa sa mga una nilang album.
"Isigaw na!"
Nagkatinginan ang si Samuel at Troy, napangiti si Marco sa likuran sa pagsigaw ng bokalista, at halos bumagsak na ang nagbabadyang luha sa mga mata ni Seph.
Natahimik ang mga fans nila. Nakikita ni Everlast sa bawat mukha nila ang mga luhang panay ang bagsak sa kanilang pisngi. Nakaramdam siya ng init sa dibdib, isang alab na hindi na tumahan sa puso niyang kanina pa umiiyak sa tuwa. Habang nakatayo siya sa harapan ng maraming tao, kasama ng mga kaibigan niya marami siyang napagtanto.
Kaya nag-uunahan na tumulo ang kaniyang mga luha. Tumalikod agad siya sa mga tao. Naalerto si Seph sa pagtalikod ng kaibigan, napatayo ito mula sa harapan ng electric keyboard. Lumakad na rin si Marco papalapit kay Everlast pero pinigilan siya ng kaniyang sarili na yakapin ang kaniyang kaibigan kaya pinanood niya na lang itong humagulgol. Si Samuel na may dala pa ring galit sa puso ay lumapit agad. Pero nilagpasan lang siya ng bokalista at bigla itong yumakap kay Troy, hindi siya napansin nito dahil nakatingin lang ito sa sahig.
Noong una ay nanigas ang gitarista sa kaniyang kinatatayuan pero hindi na rin niya kinaya ang nakababagabag na damdamin sa puso kaya niyakap niya ito at umiyak rin siya sa balikat ng kaniyang kaibigan. Naramdaman na lang nilang dalawa ang yakap ng iba pa nilang kaibigan.
Naghalo ang boses ng mga babae at lalaki sa stadium, lahat sila ay marubdob na sumusuporta sa kanila.
"Banyo Bros! Banyo Bros!" Sigaw nilang lahat.
Lalo lang na naghinagpis ang limang magkakaibigan. Iisang pangungusap lang na panay ang alingawngaw sa kanilang isip.
'Isa itong magandang simula.'
* * * * *
A/N: Pinublish ko muna ang simula. Isusulat ko pa lang ang unang kabanata.
(Whut u think? U like? Hehe.)
Sa kwentong ito magkakaroon ako ng opportunity na lumikha at sumulat ng sarili kong kanta. Yay! Goals hehe 💕
Salamat sa pagbabasa. Sana magustuhan mo. 💙
BINABASA MO ANG
Sa Bandang Banyo
Fiksi UmumMay mga paramdam talaga ang mundo na ikakasira mo. Katulad ng minsan mo nang pinasok ang bagay na gustong gusto mo pero hindi ka nakapasok, at hindi ka pa rin talaga makapasok kahit anong gawin mo. Tapos mararamdaman at mapagtatanto mo sa kalagitnaa...