VACANT
Rhyle's Pov
"Sigurado ka na ba dyan sa mga gamit mo?" pang labing limang beses na tanong saakin ni Fel na paulit-ulit ko ding tinatanguan.
Today is Saturday and today is our flight, and I'm excited though a little bit of sad. And I will miss this kind of life—being independent, this ambience, my neighbors except sa mga laging nakasimangot and my university. I will miss this unit of mine
"Rhyle, man aren't you guys finish?" rinig kong tanong ni Andrew mula sa labas.
"Not yet man, just wait a little bit!" pabalik kong sagot dito at hindi na sya sumagot pa.
"Hindi halata sa kapitbahay mo na excited hah," natatawang sabi naman ni Fel habang nagttype sa cellphone nya.
"First time nya kasing makakapunta ng Pinas," sagot ko hindi na rin sya sumagot mukhang busy sa kausap nya .
Ayos na lahat ng bagahe ko, nasa maleta na lahat ng gamit ko even my laptop and other belongings hindi kasi kasya dito sa mini bag ko pang wallet, phone, and passport lang kasi 'to
"Nalagyan mo na ba ng lock yang maleta mo?" tanong ng nakatayo ng si Fel mukhang nagreready na sya.
"Yeah, may pangalan ko na rin yung lock," sagot ko at nilibot ang buo kong paningin sa kabuohan ng unit kong ito at napahinga ng malalim.
"Oh wag mo sabihing iiyak ka muna bago tayo lumabas sa unit mo." natatawang sabi ni Fel kaya tinignan ko sya ng masama kaya napataas sya ng kamay na akala mo'y kriminal na sumusuko.
"Mamimiss ko lang 'to, pero tara na baka mahuli pa tayo," sabi ko at naglakad na patungong pintuan palabas at nauna na si Fel.
Pinatay ko ang ilaw mula sa gilid ng pinto at nagdilim na ang buong paligid, ito na yun panibagong yugto na naman ang natapos at sinara ko na ang pintuan.
***
Halos paabutin ko na sa pinakasagad ang volume nitong cellphone ko para lang lumakas ang tugtog na kumokonekta sa tenga at earphones ko wag lang marinig ang nakakarinding bangayan ni Fel at Andrew.
"Dude, please tell to that freak friend of yours not to scold me she's not Melissa!" iritableng sabi ni Andrew habang heto nakaupo kami sa waiting area ng airport and ang masama dito nasa pagitan ako nilang dalawa.
"And who the fuck is Melissa?!" malakas na tanong ni Fel sa sobrang lakas hindi ko na alam kung nagtatanong ba sya o sumisigaw .
"My mom!"
"Mama nya,"
Sabay naming sagot ni Andrew na ikinataas ng kilay ni Fel.
"Tss, who cares," sabi ni Fel at nagtaray.
Masasabi kong kahit na naaattract din sa babae si Fel pero babaeng babae parin talaga sya umakto lalo na sa pakikipagtarayan.
"Who cares you big eyes!" pabalik naman na asar ni Andrew.
Hayst, hindi talaga sila matatapos
"Who cares to you black man!" asar din ni Fel
Okay ihhigh volume ko na talaga 'tong music ko, habang patuloy sa pag babangayan yung dalawa biglang tumunog ang speaker ng airport, may sinabing kung ano ano at ayun na lang ang pinagtuunan ko ng pansin. Hinintay ko na lang sabihin nya yun—and boom ang flight namin onboard na. Otomatiko at sabay-sabay kaming napatayong tatlo ng marinig namin ito
"Let's go guys!" excited na sabi ni Andrew at nauna nang maglakad at sumunod nako pero si Fel nahuli at mukhang may hinihintay kaya bumalik ako
"Fel, tara na," aya ko dito.
BINABASA MO ANG
Minchin Sarang [On Going]
RomanceRhyle Lee or Rhee for short is an hopeless romantic guy. One day in walking around the church he got bumped by a guy, their first meeting is a mess when he- Rhee was about to fight this guy. Without knowing that this guy has a biggest part of his l...