Prologue

28 2 6
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM IS A CYBERCRIME.

Third Person's POV

"Buntis ako," sabi ni Kath.

Hindi niya inaasahan ang malutong na pagsampal ng ina ng kanyang kasintahan. Samantala, ang ibang miyembro ng pamilya ay nanatiling nakatulala sa kawalan, tila hindi makapaniwala sa kanilang narinig.

"Unbelievable. It can't be! Marami pa akong pangarap para sa anak ko! Abort that thing." Galit na sambit ng ginang.

"Bakit parang andali para sa inyo na ipalaglag ang anak ko na apo niyo? At para tawaging bagay, tao pa ba kayo?" akmang sasampalin ulit ng ginang si Kath, pero hinarang agad ng dalaga.

"My business here is done. Ipakausap niyo na po ako kay Ken. Kung may dapat mag-usap dito, kami lang iyon, hindi kayo kasali." matapang na sambit niya.

"No, damay ang anak ko diyan, so may karapatan akong mangialam."

"Gaya ng sabi niyo, ina lang kayo, hindi niyo dapat pinangungunahan kung ano ang magiging desisyon ng anak niyo."

Tunalikod ang dalaga at hinanap ang kanyang nobyo sa ikalawang palapag. Nang makitang wala ito sa kwarto, napagdesisyunan niyang umuwi na lang muna ngunit bago pa man makababa, may humablot ng kanyang buhok. Nang humarap siya nakita niya ang taong dahilan kung bakit pilit silang pinaglalayo ng magulang ng kanyang kasintahan.

"Natasha, ano ba! Bitawan mo nga ako! Kung gusto mong mang-inis 'wag ngayon, madami akong kailangang gawin at hindi ka kasama doon. Kung gusto mong makigulo, 'wag sa buhay ko."

Nagalit si Natasha sa turan ni Kath kaya mas diniinan pa nito ang pagsabunot dito.

"Malandi ka! Kung hindi mo inagaw si Ken sa akin, edi sana wala kang problema ngayon. Nagpabuntis ka pa para 'di kayo maghiwalay. Desperada!"

Pilit nagpupumiglas si Kath kaya hindi nito namalayan na palapit na sila sa hagdanan. Nakita ito ni Natasha kaya't agad itong kumapit sa gilid at binitawan ang buhok ng dalaga na naging dahilan ng pagkahulog nito. Sa kasamaang palad, nadali nito ang lamesa na may vase sa ibabaw at nahulugan siya nito.

"Yung anak ko... y-ung anak ko... T-t-tulong... Anak..."

Tuluyan nang nawalan ng malay si Kath.

"Oh my gosh! Natasha, what happened?" gulat ng sambit ng ama ni Ken.

"I-I don't know tito, nagulat na lang ako lumapit siya sa hagdan at nahulog mag-isa."

"Hindi ito pwedeng malaman ni Ken. Hon, tawagan mo si Ken. Make sure na hindi muna siya makakauwi." ani ng ginang.

"Kath! Kath! KATH! Gising!" lumingon si Dexter na kaibigan ni Kath sa pamilya ni Ken. "Anong ginawa niyo sa kanya? Nasaan si Ken?" hindi na nito inintay ang sagot at binuhat na nito ang kaibigan para dalhin sa ospital.

After 7 months

Habang binabantayan ni Dexter ang kaibigan niyang comatose pa rin hanggang ngayon. Biglang gumalaw ang daliri ni Kath. Akala nito namamalik-mata lang siya pero agad ding naniwala dahil unti-unting nagmulat ang mata ng kaibigan. Akmang tatawag na ito ng nurse pero hinawakan siya ni Kath at mahinang binulong nito ang...

"D-ex, tulungan mo ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5th StreetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon