"Mommy, pupunta nga po pala ako sa Fiestahan. Ininvite po kasi ako nung friend ko eh. Susunod din daw po si Ashlyn doon." Pag-papaalam ko kay Mommy na nag-aayos ng mga ingredient para sa pag-bbake.
"Okay Baby, mag-paalam ka din muna sa Dad mo. Para alam niya saka para maihatid ka din. Ay, mag-papahatid k aba or sasabay ka na sa mga friends mo?" Pag-kasagot ni Mommy may kasunod na agad na questions.
Mag-papahatid ba ako or mag-bbyahe na lang ako? Pwede naman sila pareho, kaso baka maka-abala pa ako kay Daddy so wag na lang. Mag-bbyahe na lang ako.
"Mommy, mag-bbyahe na lang po ako papunta doon. 2:30 na po eh, mag-aayos na po ako para 3 pm ay nandoon na po ako." Sagot ko kay Mommy sabay lakad paalis sa may kusina para pumunta sa kwarto ko at mag-bihis.
Pag-kapasok ko sa kwarto ko ay naisipan ko muna ulit maligo para fresh ako sa pupuntahan ko. Habang naliligo ako may pumasok sa isipan ko na tanong. Papaano kung nandoon siya? Anong gagwin ko?
"Well, kaya mo yan self! Ikaw pa!" Pag-papalakas ko ng loob sa aking sarili.
Nakatapos na akong maligo at na-blower ko na rin yung buhok ko. Pumasok na ako sa walk-in closet ko upang mag-bihis. Kumuha lang ako ng High-waisted Jeans at White Tank Top. Nagbihis na ako at nag-sapatos ng White Nike Air Force 1.
Pag-kalabas ko ng walk-in closet umupo muna ako sa vanity ko. Nag-lagay ako ng powder at konting liptint. Nag-headband na din ako na white at nag-spray ng pabango sa sarili.
Tumayo na ako upang lumabas at para kunin yung sling bag ko na gray. Tumingin muna ulit ako sa salamin para tingnan kung maayos na ba talaga ako. Saka ako bumaba na para mag-paalam kay Mommy na aalis na ako.
Pag-punta ko sa kusina kung nasaan si Mommy ay nakita ko yung oras, 2:50 pm na kaya nag-madali na akong mag-paalam kay Mommy.
"Mommy, alis na po ako." Pag-papaalam ko sabay halik sa pisngi niya.
Nakalabas na ako bago ko pa maring yung sigaw niya sa akin. Tumatakbo na ako palabas ng gate namin. Ang hirap pa naman humanap ng tricycle dito sa amin.
Tiningnan ko muna ulit yung oras sa cellphone ko habang nag-iintay ng tricycle. 3 pm na, hindi pa naman ako late sakto lang kaso kapag wala pang tricycle dito mag-papahatid na ako sa Driver namin.
Sakto namang pag-kalagay ko ng cellphone ko sa bag ay may padaang tricycle. Kaya pinara ko na at sinabi kung saaan yung lugar at sumakay na sa loob.
Medyo matagal yung byahe kasi medyo malayo sa bahay namin yung lugar. Kaya nag-cellphone muna ako at nag-basa sa Wattpad. Mainit pa naman ngayon pero ayos lang naman hindi ako naiinitan sa loob eh.
Basa-Basa-Basa-Basa
"Neng, andito na tayo. 30 pesos ha, pasensya ka na sa halaga ngunt masyadong malayo ito at mag-isa ka lamang." Pag-aanunsyo sa akin ni Manong kaya itinago ko na yung cellphone ko sa bag at kumuha ng 50 pesos at ibinigay sa kaniya.
"Manong, ano ho ba kayo? Ako nga po dapat ang humingi ng pasensiya eh. Eto ho 50 pesos sa inyo na ho yung sukli para po hindi sayang ang pag-hatid niyo sa akin. Sige ho, salamat po ulit saka mag-iingat kayo sa byahe." Pag-sasabi ko sa kaniya at tuluyan na akong nag-lakad at pumunta sa destinasyon ko.
Maraming tao ang nag-kalat, may mga batang nag-lalaro sa mga palabunutan, may mga nag-iinuman sa kalsada kahit napaka-init na, may mga nag-kkaraoke, at merong kumakain.
Nakarating na ako sa bahay ng kaibigan ko at andami nilang bisita. May nakikita din akong mga kakilala ko. Nakita ko na din si Ashlyn sa isang table kasama yung mga tropa namin kasama niya din sa table si Levi. Past is past na naman kaya nakalimot na rin ako.